X

53 2 0
                                    


C O M P L I C A T E D

Dylan's POV

10:09AM

Nakauwi na kami ni Ryle sa bahay around 5AM dahil hinatid pa namin ang mga date namin na sina Era at Ellise, mga bandang 4:30AM kanina kaya late na ako nagising.

I'm Zeus Dylan Castillo. My mom is a great Doctor in the US. My dad is a CEO of a prominent Telecommunications Company in the US, also. In general, nasa US sila pareho kaya medyo malayo ang loob ko sa kanila kasi hindi nila ako nasubaybayan simula noong maliit pa ako. Bihira sila tumawag o kamustahin manlang ako dahil sobrang busy sila. Wala naman ako magagawa ukol do'n.

May kaya nga pero malayo naman kayo sa isa't isa. Well, that's life.

Kahit gano'n may dalawa pa rin naman akong kaibigan na palaging nandiyan para sa 'kin. Sounds gay, but 'yon talaga ang totoo. Naging magkakaibigan kami simula pa yata nang magkaroon kami ng mga isip at ngayong nakatira na kami sa iisang bahay.

Anyway, nag-ayos muna ako ng aking sarili at bumaba na ako. Nakita ko 'yong dalawang kumag sa kusina. Nagluluto si Lance habang sumisipol at si Ryle naman malapad ang ngiti habang may ka-text. Weird.

"Good Morning!" bati ko sa kanila.

"Morning." sabay nilang bati na hindi manlang tumitingin sa 'kin. Ganyan ang ugali nila minsan.

"MAY PROBLEMA SA BAHAY NA 'TO!" bigla kong sigaw na ikinalingon nilang dalawa.

"Ano bang sinasabi mo diyan, Dylan?" naka-smirk na sabi ni Lance habang inilalagay ang niluto niya sa isang plate.

"Gutom lang 'yan!" sabi naman ni Ryle at inilapag sa mesa ang phone niya.

"Una, kailan mo pa natutunang sumipol, Lance? Pangalawa, hinahawakan mo na pala ang phone mo nang ganitong umaga, Ryle? May kakaiba sa inyo!" nagtataka kong sabi. I sighed. This doesn't feel right!

They just shrugged their shoulders as an answer.

SOMETHING'S WRONG.

"Anong nangyari kagabi?" I asked them directly at bigla silang nasamid sa kinakain nila. CONFIRMED.

"WALA/NOTHING." sabay na sabi nila.

I know when they're telling lies or not.

Kumuha na ako ng pinggan at sumabay na sa kanila pagkain.

"Nakita ko kayo kagabi ni Quinn na lumabas ng gymnasium, Lance. Don't deny it 'cause you'll just make it too obvious. Anong nangyari sa inyo kagabi?"

"It's none of your business."

"Tell me, gumamit ka ba?"

"What the fxxk, Dylan! Are you out of your mind?!" sigaw niya sa 'kin at binato lang naman niya ako ng tinidor. At buti na lang nakailag ako. Tss.

"HAHAHA! I'm just kidding. Masiyado ka naman defensive! So, ano nga nangyari kagabi?" pangungulit ko sa kaniya.

"WALA NGA!"

Lumabas na naman ang katarayan niya. Minsan hindi ko maintindihan 'tong si Lance, masyadong in denial. Obvious naman na pagdating kay Quinn, eh, ibang-iba ang treatment niya rito. SPECIAL.

"Asus! May nangyari nga kung gano'n! Hahaha!"

"We just go around the school dahil pareho kaming bored kagabi sa party. Happy now?!" naka-poker face niyang sabi. Alam kasi nila na hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakakuha nang isang matinong sagot.

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon