S A V E M E
Quinn's POV"Pwede ba kitang maisayaw?"
Nagulat kami nang biglang may lumapit sa table namin. Hindi ko siya kilala kaya ngayon ko lang siya nakita. Round face, matangos ang ilong, brush up ang itim na buhok, pale skin at singkit ang mata. Not bad, he's cute.
Ilalahad ko na ang aking kamay since I'm getting bored here. Tatanggapin ko na ang alok niya. Mahaba pa ang gabi at ayaw ko lumutin na lang sa aking kinauupuan kasama ng isang taong bato!
"W-wag na lang pala!" biglang sabi niya at kumaripas nang takbo ang lalaki.
Malapad naman ang ngiti no'ng apat kaya napataas ang kanang kilay ko, "Anong problema no'n?"
"Natakot sa mister." natatawang sabi ni Ryle.
What? Mister?! Psh. Wala talaga silang matinong sagot!
Umalis na sila at pumunta sa dance floor.
Humarap na lang ako kay Lan—bakit parang papatay ang pinta ng mukha niya? Nevermind.
"Anong ibig sabihin ni Ryle?"
"Tara sayaw tayo." sabi niya at kinuha ang kamay ko. See? Hindi siya matino kausap! Ang layo lagi ng sagot niya sa tanong ko!
Say You Won't Let Go by James Arthur is playing at habang nagsasayaw kami hindi ko maisip kung titingin ako sa kanya. Hindi kasi ako sanay na magkaharap kami nang ganito kalapit. Nakakailang pa rin kahit noon ay naisayaw na niya ako. Mas malapit pa rito!
"Naisipan mo yata na gumalaw sa kinauupuan mo? Akala ko tuluyan ka nang lulumutin do'n." I jested and he just gave me a blank expression. Wala talaga siyang buhay kausap.
"Kapag nanatili ako do'n, makakapatay lang ako." he smirked.
"Bakit ba ang hilig mo magsalita nang ganyan? Pwede bang sabihin mo 'yong gusto mo talaga sabihin? Hindi ako manghuhula."
"Hindi ko na kasalanan kung slow ka."
"Ang hirap mo talaga kausap."
"At ang yaman mo magtanong."
I let out a sigh. Kung hindi lang 'to gwapo ngayon nasapak ko na ito. Walang kwenta kausap! Lagi na lang may sagot na nakakainis!
Biglang nagliwanag ang paligid at namatay ang music. At lahat ng studyanteng nagsasayaw maliban sa 'min ay lumikha ng isang dismayadong ingay. Nagsalita ang MC at humingi ng pasensya na puputulin muna raw ang sayawan dahil may konting pananalita raw ang Principal namin.
"I'll just go to the washroom."
"Should I go with you?" sabi niya at napataas ang isang kilay ko.
"Sasama ka sa loob ng washroom ng mga babae?"
Bigla siyang namula, "Stupid! I mean, do'n lang ako sa labas!"
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.