XII

31 2 2
                                    


                   H A L L O W E E N

Quinn's POV

"What do you think?" I asked Era about sa suot kong costume. Nagpaikot-ikot pa ako para makita niya nang buo ang sinusukat kong damit. Bukas na kasi ang aming Halloween party at hanggang ngayon wala pa akong isusuot.

Ang bilis talaga magpalit ng araw ngayon, parang lovelife lang. Actually, wala naman akong lovelife kaya hindi ko alam ang pinagsasasabi ko. Nevermind. Anyway, katapusan na ng October, dalawang buwan na ang nakalipas after we solved Era and Dylan's problem. So far, wala namang banta sa 'min ang pamilya ni Mark.

After nang lahat ng nangyari, I'm happy for Era and Dylan. Sana wala nang malalang problema na dumating sa kanila. Also, thanks to Lance's plan and with the help of Dylan and Ryle. Dahil sa kanila hindi natuloy ang engagement.

Speaking of Lance tinanong ko siya kung pupunta siya sa party pero sabi niya...

"I rather die."

Dapat masanay na talaga ako sa ganyang mga sagot niya. Ano nga ba ang aasahan sa taong 'yon pagdating sa mga event sa school? —WALA!

"Really?! An elf costume?" Era rolled her eyes at halatang naiinip na sa katagalan ko pumili ng costume. Pang-sampu ko na kasi 'tong palit kaya alam ko ang nararamdaman ni Era, "NEXT!"

I sighed.

Naglibot pa ako sa boutique hanggang sa may nakita akong costume na sa tingin ko makakaabot si Era sa naghihintay niyang date. And yeah, naisturbo ko lang si Era ngayon, alam kong may date pa siya pero wala kasing iba na pwedeng sumama sa 'kin.

Kay Ellise sana ako magpapasama pero hindi siya sumasagot sa tawag ko at wala rin siya sa bahay nila. Its weird. May usapan kasi kami na pupunta dito sa boutique ngayong araw. Excited pa nga siya sa araw na 'to. Pagdating kasi sa paghahanap ng damit siya ang mas maaasahan ko.

Nakakahiya naman kung si Lance or si Ryle ang isasama ko dahil baka may iba silang ginagawa at mga lalaki sila, hindi nila alam ang taste ko sa damit. Si Mike naman lagi na rin wala kasi raw nasa training siya, 'cause he will take over his dad's company.

At bakit ayaw kasi nilang sabihin kung ano ang costume nila? Surprise daw kuno. Tsk. Eh, 'di sana may idea na ako kung ano susuotin ko kung sasabihin nila. I sighed.

"Hurry up, Casey! Dylan and I have a date today!" sigaw ni Era sa labas ng fitting room. Sila na ang sweet!

Lumabas na ako ng fitting room at nanlaki ang mata ni Era sa suot kong costume. At based sa reaction niya meron na akong costume para sa halloween party.

"It's perfect, Casey! Kyah~!" sabi ni Era habang pumapalakpak at tumatalon pa, "Bagay na bagay sa 'yo ang costume mo, parang kayo ni King! Kyah~! Mah—" tinakpan ko ang bunganga niya dahil nagtitinginan na ang mga tao sa 'min. Masyado kasing malakas ang boses niya at kung ano-ano na lang ang sinasabi niya. Psh.

"Hindi ba may DATE ka pa, Era?!" I emphasized the word 'date' para maiba ang topic na pinag-uusapan namin, "Go to your boyfriend now, magbabayad na lang naman ako tapos uuwi na ako agad."

"Are you sure, Casey?" pag-aalala niyang sabi pero nararamdam ko rin na gusto na niya umalis dahil late na siya kanina pa sa date niya.

"You know I can handle myself right? You don't need to worry about me, okay?" nakangiti kong sabi sa kanya. I don't wanna ruin their first date.

Nag-beso muna siya sa 'kin, "If you need me nasa StarkCub Café lang kami ni Dylan, okay? Than"

"No!" napailing ako agad at hindi ko na tinapos ang sasabihin niyang salita na 'thank you' kasi ako naman ang nagpumilit na samahan niya ako, "Thank you sa pagsama sa 'kin kahit alam kong busy ka." na gets niya naman siguro ang punto ko dahil hindi na siya umimik. Nag-smile siya sa 'kin at gano'n din ako sa kanya. We hugged each other at lumabas na ng boutique si Era hanggang sa hindi na siya makita ng mga mata ko.

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon