A/N: You can listen to Let Go—one of BTS' masterpiece from their 3rd Japanese studio album 'Face Yourself', my top 10 favorite song of them—while reading this chapter. Enjoy~
B U T T E R F L Y
Quinn's POV
HUMINGA AKO NANG malalim. Para akong sinasakal nang sobrang higpit. Hinahabol ko ang aking paghinga at napahawak ako sa dibdib ko dahil wala itong tigil sa pagkabog.
Teka...
Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid dahil may pumukaw ng aking atensyon.
Paano ako napunta sa kwarto ko?
Ang huling natatandaan ko nasa teritoryo kami ni Z at si Lance—
"So, you're finally awake."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nagmula ito sa veranda ng aking kwarto. May nakatayong isang tao do'n at nakatingin sa kawalanan. Nakatalikod siya sa akin and since madilim ang kwarto kaya silhouette lang niya ang nakikita ko.
"Sino ka?" nagtataka kong tanong. Hindi naman siya siguro multo, 'di ba? Kasi nagsalita siya kanina. Ang alam ko sa multo basta ka na lang nila papakiramdaman at tatakutin.
"Ang bilis mo naman makalimot."
That voice—
"Lance?"
Bumangon ako sa pagkakahiga sa aking higaan at biglang tumakbo papunta sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong nagyayari sa akin pero nagkukusa na lang gumalaw ang katawan ko at dina-drag ako papunta sa kaniya.
"Ikaw ba talaga 'yan, Lance?"
"Sino pa ba?" masungit niyang tugon. Siya nga 'yan, hindi ako maaaring magkamali. Sino pa ba ang taong kaya kang sungitan nang walang dahilan? Wala, siya lang.
Binuhay ko ang ilaw ng veranda at pumunta ako do'n. Nang lumiwanag na, nakita ko ang mukha niya. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Is that really you?" Hindi pa rin ako makapaniwala. I even tried pinching my cheeks in case this is just a dream. Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahan itong minulat.
"Ano bang ginagawa m—"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at bigla ko siyang niyakap. Tumulo na lang ang mga luha ko. Wala na akong pakialam kung mabasa ang suot niyang damit basta masaya ako dahil buhay siya.
"I thought your dead." Niyakap ko siya nang mahigpit. "Hindi nga pala namamatay ang masasamang damo."
"Tss."
God, I even missed when he's clicking his tongue. Masaya ako kasi naririnig ko pa rin ang boses niya at ang masungit niyang attitude towards me.
Umalis ako ng pagkakayap at tumingin sa mga mata niya. "Hindi ba nabaril ka ni Z? Bakit parang mas nanghihina pa ako sa 'yo?"
"Hindi na dapat natin pag-usapan 'yan," He replied. "May mas importante pa tayong dapat talakayin kaysa sa kondisyon ko."
"Gaya nang?"
Sumandal siya sa left side railings ng veranda at gano'n din ang ginawa ko. Nasa kanan niya akong part at nakatingin kami ngayon sa kalangitang puro bituin. Visible rin ang bright yellow full moon mula sa kinatatayuan namin.
"Kailangan na ng ibang mamahala ng gang," Lance started. "Pero, nasa desisyon mo na kung aalis kayo at ipapasa ito sa iba o ipagpapatuloy n'yo pa rin ang Last Wish."
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.