XVIII

46 2 2
                                    

C L A N D E S T I N E


King's POV

Nandito na kami sa bahay ni Key at pinagbuksan agad kami ng isang matandang babae-maybe she's in the mid 60s dahil halos puti na ang kanyang mahabang buhok, nakasalamin din ito at medyo nakakuba na ang likod.

"Ano ang nangyari kay Ineng?" may pag-aalalang tanong niya. I guess, katulong 'to ng family ni Key dahil kung mommy niya 'to dapat 'anak' ang tawag niya. And they're close based sa endearment niya. Kung isa 'tong typical na maid, she would say "Ma'am".

"Magandang gabi po. Ako po si King, kaklase po niya. Hinatid ko lang po si Ke-este si Casey po dahil masama ang pakiramdam niya at nahimatay po siya. Ako po ang kasama niya nang mga oras na 'yon kaya responsibilidad ko po siya at agad ko po siyang dinala rito. Alam ko po ang bahay niya dahil kapitbahay n'yo lang po ako. Tungkol naman po sa napunit niyang dress ay napasabit po ito sa pinto ng kotse ko kaya nagkagano'n." sunod-sunod kong paliwanag. That was a lie except sa kabitbahay part at responsibilidad ko siya. Baka kasi lumaki pa ang issue, tama na ang ginawa ko sa h*yop na 'yon!

"Ah, sige. Ano nga ang pangalan mo?"

"King po."

"Ah sige, Kim."

"King po... Hindi po Kim." pagtatama ko.

"Pasensiya na at medyo mahina na ang pandinig ko. Alam mo naman kapag tumatanda na. At hindi rin ako sanay sa pagtawag ng pangalan, pwede bang 'otoy' na lang ang itawag ko sa iyo?"

"Wala pong problema sa 'kin, kung saan po kayo sanay." sabi ko at ngumiti sa kanya. Naalala ko bigla si lola Beth. Kamusta na kaya siya? Minsan tatawag ako sa kanya.
"Saan ko po kaya pwedeng ihiga si Casey?"

"Ah, doon na lang sa kwarto niya." she lead the way sa room ni Key. Inilibot ko ang aking mata sa paligid ng bahay niya, ngayon lang ako nakarating dito at medyo mas malaki 'to sa bahay namin. Dadalawa lang yata silang nakatira sa malaking bahay na 'to? Parang 'yong bahay lang namin dati kung saan dadalawa na lang kami ni lola Beth noong namatay si kuya.

Umakyat kami sa isang red carpeted na hagdanan. May nakita ako sa right wing na isang kulay pulang pinto at katapat no'n ay isang puting pinto pero lumiko kami sa left wing. Sa bawat walls ay may iba't ibang paintings na makikita hanggang sa tumapat kami sa isang kulay puting pinto na may tatlong red rose flower na design sa gitna. No doubt, it's her room.

"Ano nga po pala ang pangalan niyo?"

"Nay Selda na lang otoy ang itawag mo sa akin." so she's the nanay Selda that Key talked about when we are at Kenji Beach.

Pumasok na kami sa kwarto ni Key. Binuhay ni nanay Selda ang ilaw at nakita ko ang organized na kwarto niya. It has alternate horizontal white and red wallpapers. Sa kanang bahagi ng kwarto niya ay may isang small cabinet probably lalagyan nang madalas niyang gamiting mga sapatos dahil kalapit ito ng pinto at may mga rose na nasa paso sa ibabaw nito. Sa katabi nito ay ang kanyang bookshelves mostly mga fairy tale books. May mga naka-frame na pictures din sa wall. Noong medyo bata pa siya, nakasuot siya ng pink headband na may malaking rose sa gitna nito, dalawa pa lang ang ngipin niya rito at puro gilagid pa siya-masasabi kong ang saya niya no'ng kinuhaan siya ng litratong ito. Sa kabilang frame medyo malaki na siya kasama ang kuya niya sa beach, naka-peace sign ang kuya niya at naka-akbay kay Key na malapad naman ang ngiti habang may hawak na starfish-they're really close. Tapos sa next frame ay picture niya kasama ang mommy niya at kuya niya, makikita ang mascot na si Mickey Mouse and the rest of the gang ay nasa tabi nila at sa likod nila ay may naka-arko na salitang 'Disneyland', maybe nasa 9-10 years old na si Key rito. Ang huling picture ay medyo malayo ang kuha niya. Kuhang-kuha ang mga puno at bumabagsak na cherry blossom petals, base sa suot nitong uniform ay high school na siya rito at sobrang masaya ang mukha niya-siguro dream niya makapunta sa lugar na 'yon. Overall, isa siyang masayahing tao at parang walang problema. And I admit that she's photogenic. No'ng bata pa siya ay alam mo nang paglaki niya ay magiging isang magandang babae siya. Her round face, her skin is as white as milk, tantalizing brown eyes, her shiny black long hair, red lips, at ang matangos niyang ilong. She's perfect inside and out.

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon