XL

47 3 15
                                    

B E G I N

Quinn's POV


After our encounter with Juno's gang days gone by like an ordinary day for us. Wala kaming ginawa sa HQ kung hindi maupo, kumain, manuod ng balita, mag-internet at matulog. Hindi kagaya no'ng mga nakaraang araw na nagsu-surveillance kami at nagpaplano sa kalaban.

Tinanong ko rin si Lance kung ano ang reaction niya sa sinabi ni Caesar sa interview pero umiling lang siya at parang hindi naman siya naba-bother sa threat na binigay sa amin lalo na sa maghanda raw kami ng "pitong kabaong," masyado raw mataas ang confidence ni Caesar. At tingin ko talagang pinaghahandaan nila kami dahil ganito ang nangyayari sa amin ngayon.

Dumaan ang isang araw matapos namin mapanuod ang interview ng GCN kay Caesar at magmula noon ay wala na kaming movement. Pero sa isang banda, ayos rin 'yong ganito na may break kami from "gang stuffs" at magkaroon muna kami ng pahinga.

"King, nabanggit ko sa 'yo noon na may business trip ako after three days 'di ba?" narinig kong wika ni Mike, nakatayo siya sa gilid ni Lance habang nakahawak ang kanan niyang kamay sa lamesa. Nasa katapat lang nila ako kaya malinaw ko silang naririnig.

"So?" Lance lifelessly replied, ibinuklat niya ang pahina ng librong binabasa niya habang nakataas ang dalawang paa sa lamesa, hindi siya tumingin kay Mike kahit na saglit lang.

"Bukas na kasi 'yon—"

"Hindi ba pwedeng secretary mo ang pumunta do'n?"

"Tingin mo ba may secretary ang kagaya kong trainee pa lang sa company?"

"You have a point." Isinara ni Lance ang binabasa niyang libro at humarap kay Mike. "Then, the waiting game is finally over."

"Waiting game?" tanong ko, hindi ko mapigilang makisali sa usapan nila. Tatlo lang kaming nasa table ngayon—I'm currently sipping a cup of coffee—kaya nakikita ko ang ginagawa nila at naririnig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa. And hindi ko alam kung nasaang bahagi ng mundo ngayon sina Dylan, Ryle, Ellise at Era, pagkagising ko kanina'y wala na sila.

Napatingin silang pareho sa akin na may pagtataka sa kanilang mukha. Nakakainis talaga kapag wala akong idea sa nangyayari at sila-sila lang ang may alam.

"As you noticed, wala tayong movement noong nakaraang araw after we finished Juno's gang, right?"

"Napansin ko nga. Bakit nga ba?"

"Kasi hindi natin alam kung saan magsisimula, naisip namin na maghintay muna ng action mula sa ibang gang, like in a chess game, para malaman natin kung anong gagawin nating offense at defense. Unfortunately, wala tayong time limit dito at mukhang naghihintay rin sila sa atin, kaya ngayon na siguro ang oras para gumalaw." Lance said. "But honestly, I don't like this turn of events. I'd like to play the 'waiting game' more until our graduation ends. Masama ang pakiramdam ko ngayon sa nangyayaring ito, like something is wrong."

Oo nga pala, since friday ngayon, three days na lang at graduation na namin. Sa totoo lang, mas excited pa ako sa kalalabasan nitong gang war kaysa sa araw ng pagtatapos namin.

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon