XLI

47 3 5
                                    

D R O P

King's POV

Bakit ba gano'n sila mag-isip at magsalita? Na para bang ako ang kontrabida sa mga buhay nila? Nakakainis.

Una, hindi well-planned ang gagawin nila. Hindi magdadalawang isip na patayin ni Caesar si Aranea or si Justein kapag nalaman niyang nakipagsabwatan siya sa amin. Ikalawa, maaaring kinuha lang ni Aranea ang loob ni Key para dalhin ito sa patibong nila ni Caesar, kung iisipin, ang dali namang pumayag ni Aranea sa alliance, parang may binabalak sila. Pangatlo, hindi ba naisip ni Aranea na kapag kumampi siya amin, maaaring ikapahamak 'yon ni Justein at lalong hindi ibigay ni Caesar ang gusto niya? Pang-apat, hawak ni Caesar ang huling baraha: Si Justein. As long as nasa kaniya 'yon kontrolado niya ang lahat, lalong-lalo na si Aranea. At ang huli, ang possibility na may mapahamak sa kanila because of time pressure and a not well-coordinated plan.

Kaya una pa lang tutol na ako sa plano ni Key. Pilit may mamamatay dahil nasa point na kami na handang isakripisyo ng lahat ang buhay nila para makuha lamang ang kanilang gusto.

Isa 'tong gang war, may kailangang mawala para maging maayos ang lahat. Ito lang ang paraan para wala nang maulit na ganito. Hindi ito maiintindihan ni Justein sa una—kagaya ko noon—pero sa huli alam kong matatanggap niya ang lahat.

Sinabi rin nila kanina na nagbago na ako? Tss. Honestly, in the first place, hindi ko naman talaga gusto ng kapangyarihang ito, pero kung kinakailangang mapasakin 'yon para 'wag itong mapunta sa masasama ay tatanggapin ko na.

At hindi ba nila naisip na hindi lang si Caesar ang sagot sa sakit ni Justein? Maraming paraan. But I know Key, ipipilit niya ang kaniyang gusto dahil 'yon lang ang nakikita niyang may hundred percent success sa problema niy—

"Kanina ka pa diyan, a? Hindi tambayan ang lugar na ito. Ano na ang order mo?"

Nandito nga pala ako sa isang bar malapit sa may café kung saan nagkaroon kami ni Key ng hindi pagkakaunawaan. Hindi ko pinansin ang bartender dahil naiinis ako. Tss. Pinapalabas kasi nilang ma-pride ako, e, ginagawa ko lang naman kung anong mas tama. Akala yata nila hindi ko naisip ang "ibang paraan" na kaiisip lang nila ngayon. Inilalagay ko na nga ang gang sa isang sitwasyon kung saan papabor kami tapos heto sila't may gana pang magalit sa akin?! Huwag na huwag talaga silang lalapit sa akin once na may nangyaring masama sa kanila.

At maiba ako, ang labo na talaga ng mundo ngayon, biro n'yo height ang hinihinging requirement—4 ft 9 in pababa ay hindi pwedeng pumasok—ng bouncer at hindi age limit kaya nakapasok ako rito nang walang kahirap-hirap. Umupo ako sa isang stool sa may bar table at pinanuod ang mga malilikot na ilaw sa paligid, pampatanggal ng inip.

Hey! Don't get this wrong!

Hindi ako nagpunta rito para mag-inom at kaawaan ang sarili ko dahil mag-isa na lang ako ngayon. Kaya kong gawin ang misyon mag-isa, though, may naitulong naman sila sa akin pero hindi tamang magkampihan sila at ituring nila akong kaaway.

"Ano na?!"

Bakit ba nagmamadali ang bartender na ito? May lakad ba siya?!

"Pineapple juice?"

"Nagbibiro ka ba?! Ano ka nasa restaurant?! Nasa bar ka, iho, walang juice rito." Humarap siya sa mga taong kalapit ko nang naka-evil grin. "Mga kasama, may lalaki rito na nag-oder ng pineapple juice sa akin! HAHAHA!"

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon