M I S S I N G
Ryle's POV"Ako na ang bahala sa 8, 7, 12, 9, 26 and 20 then ikaw na Era sa 22, 9, 12, 12 and 14."
"Okay! Let's do this~!"
Hinayaan na namin sa mga babae ang pag-decode ng mga numbers. At pinag-uusapan naman namin ngayon ang maaaring motive sa pag-kidnap kay Ellise.
"She's been kidnapped, obviously, by someone. Ang tanong ay kung sino?" sabi ni Dylan.
"I think malaki ang galit nito kay Ryle or kay Ellise. But that doesn't matter, we have a lead now and once we crack the code that suspect will be put behind bars."
"I have a suspect in mind." sabi ko nang nakahawak sa aking chin, "Based sa nangyari, ang possible na gumawa nito ay si An—"
"STORAGE ROOM!"
Napatingin kami lahat sa direksyon ng mga babae. Did they cracked the code?
"Storage room?" tanong ko.
"We try the reverse alphabet substitution na sinabi nina Dylan at Lance. Lumabas ang word na; 'STORAGEROOM'—S=8 T=7 O=12 R=9 A=26 G=20 E=22 R=9 O=12 O=12 M=14."
"We cracked the code!"
Tuwang-tuwa ang mga babae sa ginawa nila. Tama ang pag-decode nila sa mga numbers dahil may nabuo silang word pero ang ipinagtataka ko, kung 'yan lang ang ibig-sabihin ng mga numbers, mas mahihirapan pala kaming makita si Ellise dahil sa dami ng storage room sa buong bansa. Saan kami magsisimula maghanap?
"Do you know the answer, Ryle?" nakangiting sabi ni Lance. Teka? Alam na niya kung saan mahahanap si Ellise. At gusto niyang alamin ko rin ito?
Hmm... Sabi sa studies mababasa mo ang mga words kahit scrambled ang letters basta ang first and last letter ay hindi mababago ng pwesto. That is called Typoglycemia. And based sa clue na binigay sa 'min, if we arranged the letters it will form: you will begin in a place where you can find and learn these numbers.
Ang tanong, saang lugar makikita ang storage room? Lugar? Find and learn? Numbers? Hindi kaya...
"Alam ko na kung nasaan ang storage room!" sigaw ko sa kanila. Napatingin lahat sa 'kin at nag-nod lang si Lance. It means, tama nga ang hula ko. "Nasa storage room ng school si Ellise."
"Paano mo nasabi?" tanong ni Dylan.
"Nasa clue ang location ng storage room. Saan daw lugar natin madalas makita at matutunan ang mga numero?" I said.
"Sa school~!" sabay na sabi ni Quinn at Era.
"Tara na!" pag-akit ko sa kanila.
"Teka! Madaming school sa buong Metroville, sa tingin mo nasa school natin ang tinutukoy na storage room?" tanong ni Era.
"Kasi nandito tayo sa school natin at may storage room din ang school. Dito muna natin hanapin si Ellise." sagot ko naman. Nag-nod lang sila lahat at tumakbo kami pababa ng rooftop.
"Nasaan ang storage room ng school?" tanong ni Queen habang tumatakbo kami pababa ng hagdan.
"Sa 2nd floor. Left wing."
†††
Nandito na kami sa labas ng storage room at masasabi kong ito ang best place para itago ang isang tao, lalo na ngayong gabi kung saan nagsasaya ang mga students sa gym. Pero parang may kakaiba rito, bakit iniwan na lang basta si Ellise kung talagang na-kidnap siya? Tapos na talaga? Nahanap na namin siya agad? Ito na 'yong game?
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.