III

62 2 0
                                    

Z E A L

King's POV

"Bababa na ako..." napabuntunghininga ako. Salamat naman. "If sasabihin mong maganda ako—scratch that—sabihin mong ako ang pinakamagandang babae sa buong universe!"

Ano ba ang trip ng babaeng 'to? Drug addict ba 'to?

Iniyuko ko ang aking ulo dahil sa inis! Nang matahimik siya ay bigla akong tumingin sa mga mata niya. Nagulat siya dahil hindi niya in-expect ang ginawa ko. Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa gilid niya para hindi siya makawala. Ano ba ginagawa ko?! Hindi ko rin alam! Baliw na yata ako! Tss.

Dahan-dahan kong inilapit ang ilong ko sa ilong niya. Kinakabahan na ang mukha niya. She's messing with me kaya sasakyan ko ang trip niya.

Narinig ko ang paglunok niya at saka tumitig ulit sa 'kin. Mas inilapit ko pa ang labi ko sa kulay pink niyang labi kaya ramdam ko na ang mabagal na paghinga niya.

Namumula na siya.

I have a bad feeling! Sh*t! Nadadala na yata ako sa sitwasyon?!

Nagkatitigan kami. Maganda talaga siya. I have no doubt about that. Her eyes, nose and lips; they are perfect.

"Wala na yatang nag-e-exist sa buong universe na babaing pinakamaganda kung hindi ikaw lamang."

My heart... My heart skip a beat...

Oh God!

Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko.

Bigla siyang pumikit at napapikit na rin ako. Should I resist? Ito na 'yon, eh, tatanggi pa ba ako? Tao lang ako; isang lalaki na nadadala sa isang sitwasyon.

Minulat ko ang aking mga mata dahil biglang nag-vibrate ang phone ko. Kainis!

"Sh*t!" inis kong sabi.

Sino ba 'tong natawag! PAPATAYIN KO!

Teka...

NANGHIHINAYANG BA AKO SA HINDI NANGYARI?!

Sh*t! Hindi pwede 'to! Tss.

Nakita kong nakapikit pa rin siya.

Tol Dylan is calling...

"ANO?!"

Tol Dylan's call has ended...

FXXK DYLAN! 'WAG NA 'WAG KA PAPAKITA SA 'KIN!

Tiningnan ko siya at nakamulat na ang kaniyang mga mata. Nakatingin siya sa 'kin at bigla siyang bumaba ng tricycle. Now what?!

Bumaba na rin ako at sinundan siya. Tss.

She's weird. Girls are weird!

"Manong pasensiya na po kayo sa abala na idinulot namin." Nag-bow ako kay manong.

"Wala 'yon, boss. Bagay kayo. Ganiyan na ganiyan kami noong girlfriend ko pa lang ang misis ko. Ingatan mo siya!"

Hindi naman kami?!

"Opo, ingat po kayo! Salamat po!" 'Yan na lang nasabi ko. I sighed. Ang gulo ng utak ko!

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon