XXVIII

56 2 0
                                    

T I M E T A B L E

Quinn's POV

PAGDATING sa school ay kanya-kanya ang mga kaklase ko ng kwentuhan tungkol sa nangyari sa aming team building. Kinig mo ang iba't ibang usapan nila kaya parang may mga bubuyog dito sa room.

Honestly, na-miss ko pumasok at magsuot ng aming school uniform pero this is the day also na huling beses na namin ito masusuot. 3 weeks from now kasi ay graduation na namin, meaning, wala na kaming klase magmula ngayon at clearance na lang. Also, we can wear any civilian attire starting tomorrow.

"Good morning, Quinn!" bati ng kaklase kong si Maxene na kararating lang. Bumati rin ako sa kanya at kumaway.

After that team building mas naging close na kami sa isa't isa. Hindi na sila nahihiyang makipag-usap sa amin at tanda ko na rin ang mga pangalan nila.

Kung iisipin mo ang team building na nangyari sa amin parang hindi mo aakalain na magagawa namin 'yon. Nakakapagod sobra. Biro n'yo hinabol kami ni Lance ng isang oso para lang sa activity namin sa pagluluto, nakakita kami ng actual na pinapatay na tao, nakilala namin si Jack na kaagad naming nalaman na siya 'yong pumatay do'n sa lalaki, the unforgettable relay race and archery, at ang memorable na "last man standing" activity kung saan nakakamangha talaga ang laman ng utak ni Lance, parang walking google dahil nasasagot niya lahat ng tanong at kung hindi dahil sa kanya malamang hindi kami nanalo.

Speaking of Lance, kararating lang niya ngayon wearing his usual poker face. Pinangatawanan na talaga niya ang kanyang "new look," hindi na siya naka-disguise kagaya dati and in all fairness ay sobrang bagay naman sa kanya.

"Late ka yata ngayon?" tanong ko sa kanya habang umuupo siya sa kanyang upuan. Hindi kasi ako sa kanya sumabay ngayon dahil may hiniram ako kina Ellise tapos sa kanila na ako sumabay pagpasok sa school.

He shifted his mood from poker face to bored face real quick. And here comes his scientific explanation-para kasi siyang scientist kung magpaliwanag ng mga pangyayari.

"There's always a reason behind my every action. I'm late because I already know what's going to happen today. Everytime at the end of february are boring days, it's just clearance and sh*t. No classes."

See? I told you!

"Remember what I told you last friday, right? When we are at the van?" he added without looking at my direction.

"About the meeting?"

"Yes. Tell it to everyone."

"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi?!"

"Because I'll be gone at exactly..." natigil si Lance sa pagsasalita at tumingin sa kanyang wristwatch. "Now!"

Bigla siyang tumayo at nagmadaling lumabas ng room. Pipigilan ko sana siya pero pumasok naman si Ma'am Briones sa aming classroom carrying a lot of papers kaya napatayo kaming lahat and greeted her "good morning."

Psh. That Lance! He planned this!

Dumating na rin sina Era, Ellise, Dylan and Ryle at naupo na sila sa kanilang mga kanya-kanyang upuan. Mike is not here and that's odd, normally kasi nagpapaalam siya sa amin if mawawala siya. And if you're asking for Kira, she's at the back and sitting quietly today. Nakakapanibago yata siya ngayon? Hindi na siya bitchy pagdating kay Lance. Weird.

"Good morning, class. How's your team building activity? I hope you all enjoyed it as much as I did. And I want to tell you that you're the only section who brought home the bacon, so congrats on our team. Anyway, Mr. Alonte just excused himself for a while, he said nature is immediately calling him right now. So, while we're waiting for him, I will discuss the activities that is set for the upcoming weeks before graduation..."

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon