S A N D M E M O R I E S
King's POVNapabangon ako bigla. It's 5:30 in the morning.
Nagmadali na akong mag-ayos ng sarili at bumaba na ako para magluto na ng almusal.
6:15AM
Bumaba na 'yong dalawa nina Dylan at Ryle kani-kanina lang at kasalukuyang kumakain na ngayon ng almusal.
Since tapos na ako sa mga gagawin ko, kinuha ko na ang aking bag at papasok na ako. Hindi kasi ako sanay mag-almusal sa umaga.
"HOY! Papasok na ako. I-lock n'yo 'yong pinto, ah?! Late na ako." sabi ko do'n sa dalawa.
"Late saan? Eh, 6:15 pa lang?" sabi ni Dylan.
"Baka late sa pagsundo! Hahaha!" dagdag ni Ryle.
"Tumahimik nga kayo!" sigaw ko do'n sa dalawa, "Nga pala! Pinakialaman n'yo ba 'yong phone ko kagabi? Hindi ko kasi alam kung na-receive ni Alonzo 'yong text ko or hindi, eh."
Nakita kong nasamid 'yong dalawa sa pagkain at tawa nang tawa.
Anong meron?!
†††
Medyo gabi na ako nakauwi ng bahay dahil sa stupid na 'yon!
Biro n'yo galing pa ako ng Mall? Bumili ako sa National Bookstore ng English book hindi dahil kailangan ko kung hindi kailangan ng dalawang kumag kong kaibigan.
Kinuha kasi ni Alonzo 'yong nag-iisang libro na natira sa library, ang kasalanan ko lang binigay ko naman agad sa kanya.
MGA HINDI KASI MAKAPAGSAGOT NG ASSIGNMENT NG WALANG LIBRO!
Pumasok na ako sa bahay at nakita ko 'yong dalawa na nasa living room.
Tiningnan ko ang paligid ng bahay at malinis naman. Good!
"Mabuti at malinis ang bahay!" nagulat 'yong dalawa at lumapit sa 'kin.
"Saan ka galing, Lance? Ang tagal mo! Nasaan na 'yong English book na pinapakuha namin sa 'yo?" tanong ni Dylan.
"Sa mall!" kinuha ko 'yong libro sa bag, "Oh! Isaksak n'yo sa mga baga n'yo! Makapag-utos, ano?!"
"Nasa library ka na rin lang kanina kaya kunin mo na! At bakit galing ka pa sa mall?" tanong ni Dylan.
"KASI WALA NANG GANYANG LIBRO SA LIBRARY PURO NAHIRAM NA!"
"Huwag ka nga sumigaw!"
"TSS!"
"By the way, nag-text na ako ngayon-ngayon lang kala Quinn, Ellise at Era at binigay ko na ang address natin." sabi ni Dylan.
May number na siya ni Alonzo?
"Ibigay mo nga sa 'kin 'yong number ni Alonzo."
"Bakit hinihingi mo?" tanong ni Dylan na nakangiti nang nakakaloko. Tss. Ang dali talaga basahin nang iniisip nila.
"May project tayo na gagawin sa Science 'di ba? Lab partner kami. Sasabihin ko sana na sa sabado na lang namin gagawin since may practice every sunday." paliwanag ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.