XLIII

57 1 8
                                    

D E A D    L E A V E S


Quinn's POV

NAGISING AKO sa isang madilim na lugar; isang kawalan na tanging kabilugan ng buwan lamang ang nagsisilbing tanglaw upang makakita nang bahagya. At nang mapatingin ako sa aking inaapakan halos mawalan ako ng balanse, nasa ibabaw pala ako ng kulay dugong karagatan.

Nakakapagtaka na hindi ako lumulubog. Weird. Nasaan ba ako?

I must be dreaming. I sighed. I need to wake up, then

"Casey..."

Napalingon ako sa paligid dahil may tumawag sa pangalan ko, ngunit kahit saan ako lumingon ay wala naman akong makita na kahit sino, kahit nga mga bahayan o bulubundukin, e. Pero, pamilyar ang boses niya. Hinding-hindi ko yata malilimutan ang boses na 'yon.

"Kuya!" sigaw ko, nag-e-echo pa ang boses ko sa buong paligid. Alam ko panaginip lang ito at ang mga sasabihin niya ay likha lamang ng imahinasyon ko, pero kailangan ko ang payo niya ngayon dahil sa nangyayari sa 'king buhay.

Nagdilim ang paningin ko dahil may nagtakip sa aking mga mata.

"Nahihirapan ka na ba?"

Ganitong-ganito ang ginagawa niya tuwing malungkot ako; tinatakpan ang aking mga mata at hinahayaan niya ako na umiyak nang umiyak, para isipin ko raw na walang huhusga sa akin at mailabas ko lahat ng sakit.

Biglang tumulo na lang ang luha ko.

Nasasaktan ako nang sobra ngayon.

Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa mga oras na ito, pakiramdam ko dinudurog ng maso ang aking puso. Masaya, dahil na-miss ko siya nang sobra. Malungkot, dahil wala na siya at wala na ang kaibigan ko. Galit, dahil wala akong nagawa para maligtas ko ang buhay nila.

Hindi ako makasagot... Hindi ko alam ang isasagot.

Sunod-sunod na butil ng luha ang pumapatak sa aking pisngi, wala na akong pakialam kahit mabasa ko ang kamay ni kuya. Nanginginig na rin ang kamay at balikat ko, 'di ko makontrol, gusto kong umiyak at magwala. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Kung nahihirapan ka... bitaw na."

Bigla akong napabangon, para akong galing sa pagkakalunod at natauhan. Napahilamos ako sa aking mukha at pinahid ang natuyong luha sa aking pisngi.

Nasa reyalidad na ako. Tapos na ang panaginip. Tunay na ang sakit. Haharapin ko na ang isang sitwasyon na kung saan hiniling ko sa Diyos na sana panaginip na lamang ito.

Pero... nangyari na ang nangyari. Wala na akong magagawa. Kailangan ko na lang harapin at tanggapin... kahit na masakit.

Napatingin ako sa pinto nang magbukas ito nang mabagal. Pansamantalang nawala ang iniisip ko at nagmadaling inayos ang aking saliri.

"Good morning, ma'am." masiglang bati ng babaing nurse sa akin pagkapasok niya sa kwarto. Kung gano'n nasa hospital pala ako.

"Mabuti po at sa wakas gising na kayo," sabi pa niya habang pinapatong ang isang tray na may lamang pagkain.

"Anong hospital 'to?"

"Metroville Memorial Hospital po, ma'am." sagot niya. "May nagdala po sa inyo kaninang isang lalaki, mga around three-thirty in the morning po."

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon