M A S K E D S I N G E R
Quinn's POV
2 months and 3 weeks later...
Madami nangyari...
SOBRANG DAMI!
Every school day lagi na namin kasama si Mike maging every recess at lunch sa canteen. Napapansin ko na hindi na ako kinakausap ni Lance at umiiwas na siya sa'kin.
Hatid at sundo na rin ako ni Mike araw-araw pagpasok sa school at gano'n din paguwi.
This past few weeks madalas na ang pag-absent ni Lance.
Nakaka-stress pa lalo dahil ngayong tanghali na ang Quarter Presentation namin.
Kinakabahan ako kumanta!
Every sunday we are practicing and so far ayos naman except kay Lance.
†††
First time ko makapasok sa bahay nila Lance at ang ganda ng bahay nila. I was amazed!
Nandito kami sa isang room na ginawa raw nila para sa group namin.
Gumawa sila ng isang practice room na talagang kompleto ang gamit para lang maging maayos daw ang presentation namin at sabi ni Dylan si Lance raw ang nag-suggest nito. May pakialam naman pala siya kahit papaano.
After 30 minutes nag-uusap pa rin kami kung anong kanta ang tutugtugin namin.
"May suggestion ako!" wika ni Dylan
"Ano 'yon?" sabay-sabay naming sabi.
"Kay Dali."
"Kanina pa nga tayo nag-iisip ng kanta na gagamitin kay dali ka pa diyan? 30 minutes kay dali?!" bulyaw ni Era.
Napa-poker face kaming lahat at gusto kong batukan si Era ngayon.
"Ang slow mo naman! Title 'yon ng kanta ni Elmo!" sigaw ni Dylan.
"May tagalog na kanta si Elmo ng Sesame Street?!"
Nananadya ba si Era na hindi niya alam kunwari o talagang hindi niya alam?
"Elmo Magalona!" sigaw naming lahat except kay Lance na may kung anong ginagawa sa tabi.
"Sabihin n'yo agad!" sigaw din ni Era.
Hindi nga niya talaga alam!
"Ano ka ba nakatira sa ilalim ng bato at hindi mo alam ang kantang 'yon?!" sigaw ulit ni Dylan.
"KPOP kasi ang pinapakinggan ko!" sagot naman ni Era.
Nag-aaway na po sila!
"Tss. Ewan!" napailing na lang si Dylan "By the way, I made a list on our positions in the band based on what you told me last time. On drums we have Ryle, on bass guitar we have Ellise, on keyboard we have Era, yours truly will be on the lead guitar and last but not the least King and Quinn our two vocalist." sabi ni Dylan.
Kaya ko kaya kumanta sa harap ng maraming tao?!
"Since, we know our tasks, we can start practicing but I think we need to practice individually, so that we can focus on our assigned tasks then after 2 to 3 hours we will practice as a band, naintindihan ba?"
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.