F I R S T D A N C E
Quinn's POV
"You gave your very best in that game."
Hindi ako makapaniwala na gano'n siya maglaro, ang galing niya for a beginner at nakakamangha na ilang oras lang niya binasa 'yon sa libro pero nagagawa na niya agad sa actual na game.
Walang practice at walang kahit anong background sa paglalaro ng gano'ng klaseng sport—he's really a genius.
Naging intensed ang bawat minutes ng game at parang nanunuod kami ng isang basketball tournament. Napapatayo kami lahat at inaabangan ang bawat mangyayari.
Tie ang score ng group ni Mike sa group ni Lance at ilang seconds na lang matatapos na ang game.
Then Mike took the shot but it missed kaya nag-rebound ang bawat group at biglang nakita ko si Lance na tumatakbo papunta sa ring nila.
Ang laki yata nang tiwala niyang makukuha ng ka-group niya 'yong bola?
At hindi ako makapaniwala nang makuha nga ng ka-group ni Lance 'yong bola. Inihagis na 'yong bola papunta sa tumatakbo ngayong si Lance at mabilis din na tumakbo si Mike para pigilan siya.
Lance is ready to take the shot pero nasa harapan niya agad si Mike to block his shot.
"GAME OVER KING!" narinig kong sigaw ni Mike.
"Not today." sabi ni Lance and took the shot in a different form, a fadeaway jumpshot?
Natumba si Lance at napahiga. Hindi na-block ni Mike ang bola dahil sa kakaibang form na shot na ginawa ni Lance. Bumagal ang oras habang nasa ere ang bola, umikot ang bola sa ring nang matagal, naging zero na ang oras at nag-whistle si sir Hinanay.
"Final score, 4-3. Group 1 ang panalo!"
Lance final shot went in at nanalo ang group nila.
Pero, sa halip na matuwa ang group ni Lance tumakbo sila sa kabilang side ng court, nakahiga pa rin si Lance at hindi pa rin bumabangon simula no'ng nag-shoot siya kaya tumakbo an rin ako papunta sa kanila.
"Anong nangyari?" tanong ko kina Dylan at Ryle na ngayon ay inaalalayan si Lance tumayo pero walang malay.
"Hindi namin alam, eh. Dadalhin namin siya sa clinic ngayon." sabi ni Dylan.
"Quinn, pwede bang after matapos ang exam n'yo pumunta ka sa clinic? May sasabihin kami sayo at ikaw lang ang makakagawa nito." dagdag ni Ryle.
Wala akong idea kung bakit siya nag-favor ng gano'n sa 'kin. Bakit need pa ako sa clinic? Bakit kailangan doon pa sasabihin? Psh. Pumayag na lang ako pumunta, "Ha? S-sige." baka kasi importante.
Nagpaalam sila kay sir Hinanay at nagmamadaling lumabas ng gym.
After 5 minutes natapos na rin ang game namin at nanalo ang group namin dahil varsity player si Era dati sa school namin sa Korea kaya may advantage kami. May sinabi lang ng kaunti si sir Hinanay sa 'min at pinauwi na kami.
Nagpaalam ako kina Era at Ellise na mauna ng umuwi pero tumawa lang sila at sinabing hindi pa raw sila uuwi. Tinanong ko kung bakit hindi pa sila uuwi pero sabi nila secret daw at tawang tawa, aba, may mga secrets na ang mga bruha!
Hindi ko na lang sila pinansin at tumakbo na ako palabas ng gym.
"Malalaman mo mamaya!" pahabol na sigaw ni Ellise.
Gano'n din sinabi nina Ryle kanina, ah?
Ang weird nilang apat ngayon.
Pumunta muna ako saglit sa canteen at nagmadali na akong pumunta sa clinic. Hindi naman pala kalayuan ang clinic mula sa gym. Pumasok ako sa loob at nakita kong nakahiga si Lance.
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.