XLIV

66 2 2
                                    

U N D E L I V E R E D   T R U T H


King's POV

SIX HOURS LATER...

"Bakit mo ako biglang pinapunta rito?"

NANDITO KAMI sa Metroville mall at kakapasok lang namin sa isang tea shop called Moonleaf. Nauna akong dumating dito at ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin siya. Umupo siya sa katapat ko. Gaya ng dati lagi pa ring kalmado ang itsura niya.

"May kailangan"

"May I take your order, sir?" The waiter interrupted and cut my words short.

"What do you like to order, Kira?"

"I want a chamomile tea... with a lemon curd cheesecake." she replied. Kahit hindi na siya tumingin sa menu alam na niya agad ang o-order-in. Lagi siguro siyang pumupunta rito.

Dahil first time ko rito binuklat ko ang menu at tiningnan ang mga pamimilian. Honestly, ayaw ko sa lasa ng tea. I prefer coffee or a chocolate drink over anything. Dito ko lang piniling pumunta kanina dahil walang masyadong tao rito. Makakapag-usap kami nang maayos at pribado.

"A sencha tea." I said to the waiter while pointing my index finger in the colored green tea on the menu. Sana magustuhan ko ang lasa.

"Is that all, sir?"

I nodded and closed the menu. Hindi rin naman ako magtatagal.

"Okay sir. Just wait for a few moment. Excuse me."

"Now, where are we..." I paused, thinking of the right words to say. "May kailangan akong ipagawa sa 'yo bago natin gawin ang plano."

Pinapunta ko siya dito after nang mainit na usapan namin ni Key. I need to think a plan to protect everyone. I had no choice. Siya lang ang makakatulong sa akin sa mga oras na ito.

"Marami ka ng utang sa akin, King." nakangiting sabi niya. Tingin ko nagbibiro lang siya.

At hindi nga pala niya alam na miyembro ako ng Last Wish.

"Mababayaran kita kapag natapos na natin ang plano. Isang pakiusap lang 'to, Kira."

"Ano ba 'yon?" She put her hands on the table. Tumingin siya ng direkta sa akin gamit ang matalim niyang mga mata. "May ipapapatay ka, ano?"

"Gusto kong tapusin mo si Caesar ng Lost Boyz."

"Bakit naman? May atraso ba siya sa 'yo?"

"May atraso siya sa kakilala ko... at buhay lang niya ang dapat maging pambayad."

"Sinong kakilala?"

"Basta. Ang" Napahinto ako sa susunod kong sasabihin nang ilapag ng waiter ang mga order namin sa mesa. Tiniyak kong nakaalis na siya sa harapan namin bago ako magsasalita ulit. "Magagawa mo ba?"

"Sino ba 'yang kakilala mong 'yan at napaka-special naman yata niya para gawan mo ng pabor?"

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon