II

110 6 0
                                    

G I R L    F R I E N D

King's POV

BIGLA akong nagising sa hindi ko malamang dahilan. Tiningnan ko ang aking relo at 3AM pa lang.

"Sh*t!"

Kahit anong pikit ng mata at taklob ng unan sa aking mukha ay hindi na talaga ako dalawin ng antok!

I sighed.

Bwisit na 'yan!

In the end, napagdesisyunan ko na lang bumangon at maligo.

Sumakay ako sa 'king itim na motor, kumain sa mga kainan sa tabi-tabi at nag-stroll na lang.

Bigla kong naalala 'yong bahay na lilipatan namin mamaya kaya pinuntahan ko na lang ito.

†††

Nakarating na ako sa subdivision at nagtanong na ako sa mga guards na nandito kung dito talaga 'yong bahay, "Dito po ba 'yong kinuhang bahay nila Mrs. Alonte? Anak niya po ako, pinapasabi niya po na kunin ko na lang daw po sa inyo 'yong susi." pinakita ko ang aking I.D. at sinabi nilang dito nga ang bahay na 'yon.

Binigay sa 'kin ang susi pero hindi ko kinuha 'yong dalawa pang susi dahil sabi ko na may dadating pa na ibang may-ari ng bahay, kaya isang susi lang ang kinuha ko. Sinabi ko rin na 'wag sasabihin na kinuha ko na 'yong isang susi—para makita ko ang mga epic na mukha ng mga kumag na 'yon—at tumango naman sila. Nag-thank you ako at pinapasok na ako sa loob.

Ilang minutes lang ay nakarating na ako sa bahay. Malapit lang naman pala.

Pinagmasdan ko ang labas nito. Meron siyang 2 floors, parang ordinary na bahay lang. Hindi siya gano'n kalaki, tama lang para sa 'ming tatlo. Meron din kaming kapitbahay na puro mansion. Kakahiya naman!

Binuksan ko ang gate, may maliit na pathway bago pumasok sa mismong bahay, may magandang lawn sa paligid, mga wooden bench and table. Magandang tambayan kapag gabi.

Pumasok na ako sa loob at lumingon-lingon sa paligid. Maganda ang loob at airconditioned ang bahay.

Unang bungad sa loob, sa kaliwa is kusina at sa right side ay sala. Sa sala may 80 inches na TV, na sa tabi nito ay may malalaking speakers, may couch at lamp, and sa mga kulay cream na walls ay may maliit na bookshelf.

Pumunta na ako sa favorite kong place ng bahay, at ito ay ang kusina. Hobby ko na ang magluto simula noong tinuruan ako ni lola Beth. Gaya nang sala, maganda rin at kompleto ang gamit. Nasa gitna ang sink, may fridge, oven, etc.

The rest ng mga makikita sa 1st floor ay isang guest room sa gitna nang sala at C.R., malapit sa kusina. May backdoor din at may magandang lawn na makikita, sa kabilang side, sa kaliwa nang labas ay may part na parang sampayan ng damit, at sa kabilang side, sa kanan, ay may pathway. Sa dulo naman no'n ay may isang tree house na may duyan sa ilalim nito.

Sa may kabilang wall naman ng kusina at bago pumunta ng C.R. may hagdan pataas papuntang 2nd floor.

Umakyat ako sa 2nd floor.

Sa paglibot ko sa 2nd floor may tatlo itong kwarto—tig-iisa kami siguro. Wala pa itong design pero may kama na at walk-in closet, dahil siguro baka kami na ang bahala sa pagde-design ng sari-sariling rooms namin.

Pipili na sana ako ng room ko dahil nauna ako gaya nang pustahan ay may napansin akong isa pang hagdan. Pag-akyat ko ay papunta pala itong attic pero kakaiba ang nasa loob ng room, hindi siya mukhang attic na tambakan ng mga lumang gamit.

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon