E N G A G E M E N T
Dylan's POV
I know it's hard for the both of us to face this kind of problem in our age. Engagement and wedding? Seriously?It's a huge responsibility. You must be physically prepared, mentally conditioned and emotionally ready. And most importantly, it should be for the one you love.
"This is a major problem. Tsk." sabi ni Ryle habang nakahawak sa chin niya na nag-iisip din nang paraan para sa problema namin.
After what I said in my room nagulat sina Ryle at Lance sa mga nasabi ko. Hindi nila akalain na ganito ang dinadala kong problema.
Nandito na kami sa living room para pag-usapan ang gagawin namin. Tonight should be a fun panjama party but it turns out na naging pagpaplano 'to para bukas.
"Bago ang lahat kayo na ba ni Era?" excited na tanong ni Quinn sa 'kin. Parang nasa hot seat tuloy ako. At hindi ko rin alam kung kami nga or hindi.
"We just said 'I love you' to each other, so I assumed that as a yes?" I guess it's a safe answer since hindi ko pa natatanong kung pwede ko ba siya maging girlfriend. But, I just said "I love you" and we just kissed. It's already enough, I guess? She's my girl now.
"KYAAAAAHHH~!!!"
Nagtilian na 'yong dalawa nina Quinn and Ellise. Si Ryle hawak ang laptop niya at si Lance naman naglalaro yata ng games sa phone niya.
Wala silang kahit anong interest sa sinabi ko.
Alam na naman kasi nila kung ano ang status namin ni Era kasi halata naman. Gusto lang siguro nina Quinn na manggaling sa 'kin kung totoo nga or hindi.
"Nag-kiss na ba kayo, Era?" nakakalokong tanong ni Ellise na tumataas pa ang dalawang kilay.
Napatingin kami lahat kay Era, maging sina Ryle at Lance. Kahit ako curious ako kung itatanggi niya or sasabihin niya ang totoo.
Tumingin si Era sa 'kin na parang humihingi nang sagot or iligtas ko siya sa tanong ni Ellise. I just smiled at her at tumango. A sign na sabihin niya ang totoo.
She blushed and smiled on us, "Yes."
"KYAAAAAAAAAHHHHHHH~!!!!!"
Lalo nang umingay sa living room dahil sa tili nina Quinn at Ellise. Halos sapakin na nilang dalawa sina Ryle at Lance sa sobrang kilig.
Natatawa na lang ako sa dalawa nina Lance at Ryle dahil kung makikita n'yo lang ay gulo-gulo ang mga buhok nila sa sabunot no'ng dalawang babae. Hahaha!
Wala naman magawa 'yong dalawa at naka-poker face lang.
"Magkwento ka naman sa 'min, Era!" sabi ni Quinn na nakatutok ang mukha kay Era at sumunod naman si Ellise na parang mga batang sabik sa isang bedtime story.
Nagkwento si Era about sa kung paano napunta sa engagement, sa mga nangyari sa hotel, 'yong hindi expected na nangyari sa park at 'yong ginawa namin kay Mark sa kanyang Bar.
Nagkaroon sila lahat ng mixed emotions at kanya-kanyang saloobin sa mga nasabi ni Era ngayon. At isa lang ang malinaw sa 'min ngayon...
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.