R I V A L R Y
Quinn's POV
Lance and Mike have a tension between them because of me!
Erase... Erase... Erase!!!
Dapat hindi muna ako mag-isip ng kahit ano.
Monday na ngayon, I'm excited but I'm feeling nervous also! That's why, medyo late na ako natulog kagabi dahil sa kung anong mangyayari sa dalawa nina Mike at Lance ngayon at idagdag pa ang pagre-review ko for our first quarter examination.
Ayaw ko ma-stress ngayon kaya dapat relax lang ako and focus on our exams.
6:00AM
To: Mike
San kna?
Message sent...
Nandito na ako sa labas ng bahay at hinihintay ko si Mike. I sighed. Balak ko sana umagap nang pasok, eh.
"Para kang t*nga diyan!"
"Palaka!"
Nagulat ako sa biglang nagsalita! Grr!
"Bakit ka ba nanggugulat Lance?!"
I chided. Bigla-bigla na lang kasi siyang sumusulpot na akala mo kabute!"Tara na papasok." sabi niya at hinigit ang kamay ko.
"Ano ba?!" inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya, "Hindi pa ako pumapayag kung magpapahatid ako sa 'yo! At may maghahatid sa 'kin!"
"Parang wala naman." tumingin siya sa paligid, "Matatagalan pa 'yon. But, okay. Bahala ka. Ikaw din, baka ma-late kayo niyan."
Lance is such a control freak!
And since ayaw ko ma-late papayag na ako. Psh. Gusto ko kasi nasa school na ako nang maagap para relax na lang ako.
I have no other choice. I sighed. "I'll just text Mike na nauna na ako pumasok, kaya, tara na!" pumasok na ako nang dali-dali sa kotse niya.
†††
I texted Mike na nauna na ako pumasok sa school at nag-sorry agad ako sa kanya.
Humarap ako kay Lance na seryosong nagmamaneho at tahimik na naman, "Noong nakaraang buwan, sobrang taray mo sa 'kin tapos ngayon hinatid mo ako? Ano ba talaga problema mo?!"
"Don't get this wrong, para ka lang talagang t*nga kanina tsaka kababae mong tao ikaw pa 'yong naghihintay?"
Gano'n?
"Masama na ba maghintay? Big deal na ba kapag babae ang naghihintay? Hindi ba pwedeng napaagap ako?"
"Dapat nag-text siya sa 'yo na 'I will be late', eh 'di sana, hindi ka na naghintay doon."
He has a point but kasalanan ko naman dahil maagap lang talaga ako at kalalabas ko lang naman ng bahay no'n, hindi pa ako gano'n katagal naghihintay!
"Paano mo naman nalaman na matagal akong naghihintay doon? Wala ka naman alam!"
"May alam ako, at matagal na para sa' kin ang 3 minutes."
"Pag-aawayan pa ba natin 'yong 3 minutes? Gano'n?!"
"Tss."
After nang ilang months, I just realized that I missed his 'tss'. Hindi kasi kami masiyadong nakakapag-usap dahil lagi kong kasama si Mike at dahil do'n dumidistansya na si Lance sa 'kin na hindi ko naman maintindihan kung bakit gano'n ang nangyayari sa kanya.
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.