D E A T H M A T C H
Dedicated to user51185867 at AinaCervantes dahil matagal daw ako mag-update. Hahahaha! Ito na po... Enjoy!†††
Quinn's POV
This is it. Ang matagal ko ng hinihintay. After two years finally makakaharap ko na ang grupo ni Z. Mabibigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ni kuya.
"Ayos lang ba ang necktie ko?" out of the blue at walang buhay na tanong ni sungit sa akin. Bumalik ako bigla sa reyalidad. Nandito na nga pala kami sa waiting area sa ground floor ng Napoleon Circle, dito gaganapin ang inauguration.
"Iyan talaga ang pinakamalaking problema mo ngayon? Necktie? Psh." Lumapit ako sa kanya at inayos nang kaunti ang tagilid niyang necktie.
"Big deal talaga kay Red ang mga minor details lalo na sa pananamit. Gusto niya laging maayos at symmetrical. Hahaha!" singit ni Ryle na may pagtawa na naman nang malakas tapos umakbay siya kay Lance, the latter immediately removed his arms and rolled his eyes.
"Hindi ka namin kinakausap, ah?!" Pagsusungit ni Lance at humarap siya sa akin. "K—Scarlet, kausap ba natin 'to?" And he jerk his thumb towards Ryle.
Tumingin sila sa akin pareho. Blanko ang mukha ni Lance samantalang naka-puppy eyes naman si Ryle. I rolled my eyes. Heto na naman tayo. Inilagay na naman nila ako sa isang sitwasyon na mahihirapan akong sumagot, kasi naman mga isip bata itong mga 'to, kapag may kinampihan ako may magtatampo. Psh.
"T—"
"Ehem!"
Naputol ang sasabihin ko at napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng pagtikhim. Nakita ko si Mike, suot ang black tux niya with matching white long sleeve at naka-black mask rin siya gaya ng suot naming lahat, actually pare-pareho kaming naka-tux ngayon at white long sleeve except sa pambaba dahil naka-black pencil skirt kaming mga girls. Napansin ko rin ang lalaking nasa likod niya na may suot na black sunglasses at may earpiece sa kanang tainga niya.
"It's time. Let's go." seryosong wika ni Mike, tumalikod na siya sa amin at naglakad palayo. Tumayo naman agad ang iba ko pang kasama na nakaupo sa couch.
"Finally. Inaantok na ako, eh." Lance murmured while yawning. Napakamainipin talaga niyang tao. Psh. Naglakad na rin siya papunta sa direksyon kung saan pumunta si Mike at sumunod na rin kami.
After a couple of minutes ay nakarating kami sa isang elevator. Sumakay kaming lahat kasama 'yong lalaking nasa likod kanina ni Mike, para tuloy siyang bodyguard namin.
Pagkasara ng pinto ay nagtaka ako kasi ang pinindot no'ng lalaki na button ay "Gr. Flr." Meaning pababa kami?
Hindi ko alam na mas may ground floor pa pala sa Napoleon Cirle kaysa sa pinaghintayan namin kay Mike kanina.
"Weird. Hindi ko alam na sa ground floor pala gaganapin ang inauguration?" pabulong na tanong ko kay Mike na katabi ko sa aking left side.
"Ngayon lang din ako nakarating dito." sagot niya nang hindi lumilingon sa akin. Nakatingin lang siya sa unahan. Kahit nakasuot siya ng maskara nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Gaya nang sinabi niya noon, kinakabahan siya sa mga possible na mangyayari dahil in the first place ayaw niya na madamay ang iba naming kasama sa giyera na ito. At bilang leader, nasa kanila ang pananagutan at sisi sa lahat ng mangyayari sa buhay namin.
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Novela JuvenilLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.