XXXII

56 1 0
                                    

F I R S T    O F F E N S E

Quinn's POV

"L—LANCE! I... CAN'T SWIM—PLEASE HELP M—"

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, kung ano-ano na rin ang sinisigaw ko habang pabagsak kami ni Lance sa tubig. Hindi ako takot sa tubig pero takot akong mamatay sa masakit na way. I mean, paano kung bumagsak kami sa isang bato? Paano kung may mga pating palang gumagala rito? Sobrang nagpa-panic na ako ngayon!

"I got you." bulong ni Lance sa tainga ko, yakap niya ako at malapit na kami sa tubi—

SPLASH!

Dumilim ang palagid at ang nakikita ko lang ay ang mga bubbles na lumalabas sa bibig ko papunta sa reflection ng buwan sa ibabaw ng tubig.

Full moon.

Bigla namang may nag-flash na isang alaala habang papalubog ako sa ilalim ng dagat.


"Lagi mong tatandaan na kaya mo ang lahat ng bagay. Malakas ka. Pero kung hindi mo na kaya... Nandito lang palagi si kuya."

"Binigo kita kuya... Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang ituloy ito..."

Bago pumikit ang aking mga mata at hayaang lamunin ako ng kadiliman ng tubig ay may nakita akong isang tao. Hinawakan niya ang kamay ko at may sinasabi siya sa 'kin. Slow motion.

"Nandito lang ako." Iyan ang nababasa ko base sa pagbuka ng bigbig niya.

"Kuya..."

†††

"ACKK! ACKK!"

Napabangon ako at isinusuka ang tubig alat sa aking bibig. My lips suddenly felt numb, hindi ko alam kung sa tagal kong nasa tubig o dahil sa malamig na simoy ng hangin o baka naman—hindi kaya?

Iginala ko ang aking tingin sa paligid, nakita ko siya sa may malapit sa dagat at tinatamaan ng alon ang kanyang mga paa. Nakatitig lang siya sa kawalan at tila may malalim na iniisip.

Ngayon ko lang na-realize na nakahiga pala ako sa buhanginan suot pa rin ang basang damit ko kaya medyo maginaw pero salamat na lang sa bonfire na kalapit ko dahil nakakawala ng lamig.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"I'm glad that you're alive." wika ni Lance nang hindi tumitingin sa akin. Nakatingin siya sa dagat. "Akala ko sea sick lang 'yong nararamdaman mo but I'm afraid you have a Thalassophobia."

"Thala—WHAT?!"


"Thalassophobia... A fear of the sea or ocean and sea travel." he replied, nakatalikod pa rin siya sa akin. "Even hindi naman malalim 'yong tubig, abot pa rin ng paa ko, eh. But still, nag-panic ka pa rin and it indicates fear."

"Let's say mayroon nga akong Thalassophobia, how can I rid of it?"

Tumayo siya at humarap sa akin. "I'll help you to overcome that fear, but I need to fully study it. Next time, I'll make sure na mai-enjoy mo na ang peaceful na dagat." sabi niya nang walang reaction sa kanyang mukha. "Don't worry, hindi lang ikaw ang may phobia. Even I have fears, too."

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon