P I E D P I P E R
Quinn's POV"Hmm-hmm-hmm... hmm... hmm-hmm... hmm-hmm-hmm..."
A familiar hum woke me up. Parang narinig ko na dati ang kantang 'yo-—Bigla akong bumangon, pero agad akong napahawak sa aking ulo dahil bigla itong sumakit.
Na-Nasaan ba ako?
Tumingin ako sa paligid, wala na ako sa lobby ng hotel. Nasa isang kwarto ako na bukas ang isang bintana.
"E-Era..." Nanghihina pa rin ako at hindi pa makatayo dahil sa nangyari. Two o'clock na sa relo ko, ilang oras na rin pala akong walang malay.
"L, contact Verde." Pumunta ako sa may pinto at nakita kong wala itong doorknob. Pero naka-lock? Someone locked me from the outside?
Sino?
Ang natatandaan ko nasa lobby kami ng hotel tapos nawalan ako ng malay... At nang magkamalay ako nandito na ako sa kwartong ito... Sino ang nagdala at nagkulong sa akin dito?
"Sorry, Scarlet, I can't contact Verde at this moment because of signal issues. Please go to an area where my system can't be affected by any interferences."
"Where am I right now, L?"
"I can't find your coordinates, but I do know is that you're in a ten-storey building."
WHAT?! Anong ginagawa ko rito?!
"How can I get outside? Can you give me directions or something?"
"I'm working on it..."
Habang naghahanap pa si L ng daraanan ko pumunta muna ako sa may bintana na kanina pa nakabukas. Umaalon pa ang mga kurtina dahil sa malakas na hanging pumapasok galing sa labas.
Kanina ko pa napapansin ang mga kakaiba sa kwartong ito. Una, sino ang maglalagay sa akin dito? Kung kakampi siya, bakit niya ako iiwan sa lugar na ito? Hindi siya maaaring sina Mike dahil may misyon kaming dapat tapusin... hindi kaya si Lance? Mukhang malabo. Kapag galit ang taong 'yon sarili lang niya ang kaniyang pakikinggan at hindi ka niya kakausapin o lalapitan kahit kailan, at malabo niya akong dalhin dito dahil wala naman siya sa paligid ng hotel no'ng nawalan ako ng malay. Pangalawa, naka-lock ang mga cabinets at pinto, wala ring mga keyholes ito kaya hindi ko mala-lockpick, ibig sabihin ginagamitan ng censor code, remote control or fingerprint ang mga 'yon para mabuksan? At ang huli, nakabukas ang bintana: Hindi pwedeng ako ang nagbukas no'n dahil ngayon lang ako nagkamalay. Siguradong 'yong nagdala sa akin ang may gawa no'n... at bakit niya bubuksan ang bintana kung air-conditioned naman ang kwartong ito?
Pumunta ako sa may bintana at sumilip sa labas. Makikita ang iba't ibang ilaw ng mga buildings, establisments, stores, at mga sasakyang na-stuck sa mahabang traffic. Sunod naman akong tumingin sa ibaba at makikita ang mga punong kasing liit ng mga langgam, ibig sabihin nasa mataas nga akong palapag.
Hindi ako pwedeng dumaan dito.
I need to think a plan. I don't have much time left.
Isinara ko ang bintana at bigla akong natigilan. May nakasulat sa bubog ng sliding window:
You have 60 minutes to escape this building before IT explodes. Your time will start once you close the window. Remember: Becareful of your actions, it can be lethal. Caesar××
I need to get out of this place... fast.
Pakana pa rin pala ni Caesar ito. For sure kinuha niya kami noong wala kaming malay at inilagay sa lugar na ito—Which means nandito rin sina Era at Aranea?
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.