XXII

27 2 0
                                    

T R A N S F E R

Quinn's POV

Nang marinig namin ang kwento kung bakit naging Elementz si kuya at ang naging laban nila sa Phoenix ay tila natahimik ang lahat. Dahil wala nang nagsasalita ay napagdesisyunan na namin umuwi. Hindi ko alam kung pare-pareho kami nang iniisip at nararamdaman sa narinig namin.

Para sa 'kin; galit at lungkot.

Galit dahil sinamantala ni Z ang emotional stress ni kuya at ni Ice para isali sa mundong dapat ay hindi naman sila kabilang. Imbes na tulungan sa magandang paraan pero mas pinili niyang ilagay sa masamang hukay ang kuya ko. Nakakalungkot. Dahil ang mga taong itinuring kang pamilya at kaibigan ay siya pang magwawakas ng buhay mo. Matapos kang tulungan umangat sa lupa at mapunta sa pinakamataas upang maligtas sa paglubog ang kapalaran ng lahat. Sa halip na tulungan ka ay ilulugmok ka pa sa lupa upang hindi ka na magkapagsalita pa habang buhay.

At gusto ko iparamdam sa kanya 'yon, kung paano bawian ng buhay sa dahan-dahan na paraan at makita ang dugo niyang ipinanghuhugas sa mga kasalanang ginawa niya.

Hindi ko raw dapat pakialaman ang kapalaran ng buhay ng iba. Pero bakit sila, nagagawa nila 'yon nang malaya? Sasabihin no'ng iba, dahil halang ang kaluluwa nila? Pero sino sa palagay mo ang gagawa? Kung ang mismong inaakala mong batas ay ang mismong bumuo ng walang kwentang mundo na 'yon.

Kaya kami ang tatapos sa mundo nila at baguhin ang bulok na sistema.

"Hahanap ako ng life vest dahil ang lalim ng iniisip mo. Baka mamaya tuluyan ka ng lumubog niyan."

Napalingon ako sa nagsalita. It's Lance. Nakabalik na pala siya agad? Hindi ko manlang napansin dahil sa lalim ng iniisip ko. Yeah, I'm spacing out. At dahil 'yon sa mga sinabi ni Mike kagabi!

"Ano iniisip mo?" he asked and sipped on his chocolate drink. Kaya pala siya lumabas para bumili no'n. Hindi ko nga lang makita ang brand dahil natatakpan ito ng kanang kamay niya. At kaya ko nasabi na chocolate, dahil sa lumalabas na brown liquid mula sa transparent straw.

And yeah, we are back in school at sa pagbalik sa Imperial Academy ay sasalubungin kami ng aming Fourth Quarter Exam. Napakagandang salubong sa 'min pero ayos na rin dahil when we're done with our exam, quarter presentation na lang and then waiting na para sa graduation.

Speaking of quarter presentations ang binigay sa 'min na task noong first quarter presentation ay gagawa kami ng band and in the end, we get the best group dahil sa unplanned concept. At hanggang ngayon wala pa akong clue kung sino ba 'yong masked singer na 'yon.

Second quarter presentation namin is gagawa kami ng isang short film at ang napili namin ay horror film kung saan ang napiling main cast ay sina Ryle, Ellise, Dylan at Era—ang mga magagaling na actors and actresses sa group namin. Kasali rin si Mike sa group namin and he's our director. I'm in charge with the script and props. And for Lance, he's in charge for the special effects and sounds. In the end, naging best group ulit kami dahil kahit kaunti lang kami still parang pang-MMFF ang ginawa namin dahil sa acting, script, production, at ang cool na effects at sounds ni Lance. Base 'yan sa comment ni ma'am sa 'min.

"Tingin mo Lance ano kaya ang fourth quarter presentation natin ngayon?" tanong ko kay Lance na kasalukuyang inuubos ang iniinom niya.

"I don't know. Sana hindi kagaya noong last time." napasimangot bigla ang mukha niya. Muntik ko na malimutan buti sinabi ni Lance.

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon