XXXVII

52 3 1
                                    

D N A

Quinn's POV

Iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang nakapikit na si Lance at nakasandal ito sa bintana. My eyes roamed around at nakita ko si Mike na nagmamaneho. I guess, I'm on a car.

Teka...

Bigla akong bumangon na ikinagising naman ni Lance. I'm sleeping in his lap this whole time?!

"Why? What happened?" he asked, worried.

"Where are we?" I asked, hindi ko kasi makita kung nasaan kami dahil madilim sa labas. "Ano bang nangyari?" At biglang sumakit ang ulo ko habang inaalala ang nangyari, ang huli kong natandaan ay 'yong nangyaring pagsabog ng sasakyan ni Dante tapos namawalan na ako ng malay.

"Nawalan ka ng malay kanina, binuhat kita tapos dinala sa sasakyan." Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin. "Thanks for saving my life. I owe you one."

"Ayaw ko lang na mamatay ka—bakit?" Bigla kasi siyang tumingin sa akin at nanlaki ang mga mata.

He cleared his throat. "Wala ka ba talagang natatandaan sa mga nangyari kanina? Hindi mo ba naalala 'yong mga sinabi mo sa akin?"

"Hindi, e. Ano bang sinabi ko?" Umiwas na naman siya ng tingin. Nakahalumbaba siya sa bintana at tila may malalim na iniisip.

"Wala. Nevermind what I said." sabi niya gamit ang kanyang signature cold, emotionless voice.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko kay Lance kahit hindi siya tumitingin sa akin.

"Pupuntahan natin sina Dylan at ang iba pa." Mike replied. Siya na ang sumagot, naramdaman niya sigurong wala ng balak magsalita si Lance. Kapag talaga wala siya sa mood hinding-hindi ka niya kakausapin. As in nakatingin lang siya sa malayo o sa ibang lugar para iparamdam sa 'yong wala kang kwenta sa kanya. Asar!

"Bakit? Hindi pa ba sila nakakabalik sa HQ?"

"Dylan and the others was kidnapped and held a few hours ago... And they want us in return."

Napatingin ako kay Mike. "Sigurado ba kayo?!"

"Someone sent us an e-mail. See it for yourself."

I immediately check my phone. Biglang nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

"What? Is there another e-mail?" tanong ni Mike, nakita niya siguro sa rearview mirror na bigla akong natahimik habang hawak ang phone ko. Maging ang attention ni Lance ay nakuha ko dahil napatingin din siya sa akin.

"No."

"Then what?!" sabay nilang tanong.

"Dead battery."

Sinamaan ako ng tingin ni Lance. "Tss. Nagbibiro ka ba?!"

"Hindi. Pahiram ng phone mo." Binuksan ko na lang basta ang bagpack ni Lance at kinuha ang phone niya na parang ako ang may-ari no'n.

"Tss."

Binuksan ko ang e-mail na pinadala sa amin. It's from a someone named "anonymous," the letters were typed in italicize font. I scroll down to see the message but to my surprise, it was only a photo: Four people are sitting sideward in a chair with their arms tied in their backs, as well as their feet. Their heads are covered with black cloth na akala mo ay bibitayin na sila. Makikita rin ang word na "Akira" na naka-cursive pagkatapos ng photo.

"Ano 'to?! Sina Ellise ba ito?" tanong ko kay Lance.

"I'm not sure. Baka trap lang 'yan para mahuli nila tayo. Maraming maghahabol sa atin ngayon lalo na't mabilis ang balita. Siguradong alam na nilang buhay ako at nanggaling tayo sa casino."

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon