XIV

60 2 0
                                    

B L O O D, S W E A T & T E A R S

Ryle's POV

After driving for almost 2 hours nakarating na ako sa Illaio's Paradise at nagtungo agad ako sa mismong white sands. Napakaganda ng beach na ito. You can feel the cold breeze kahit na tanghaling tapat at mainit. Nakaka-relax.

Luminga-linga ako sa paligid at napakaraming tao. May mga foreigners na nakahiga sa buhangin and tanning their skins. I roamed around again at sa kanang bahagi at may mga malalaking umbrella at sa ilalim nito ay may mga nagtatawanang tao. Buti pa sila walang malaking problema.

I deeply sighed. Wala rito ang hinahanap namin kasi kung nandito malamang pinulot na 'yon ng mga naglilinis ng beach kung isa 'yong uri ng bagay at tingin ko hindi ilalagay ng kidnapper dito 'yon dahil maraming tao. And something is weird with this kidnapper. I mean, bakit kailangan pa niyang maglaro? Ang isang typical kidnapper kasi ay palaging humihingi ng ransom money but this psycho is weird and childish.

I dialed Lance's number. It rang twice bago niya ito sinagot.

"Wala rito sa Illaio's Paradise."

"Wala rin akong nakita rito na kahit anong kahina-hinala."

"Anong balita sa iba? May nakita ba sila?"

"Hindi pa sila tumatawag. Go to where Dylan is at pupuntahan ko naman si Quinn. Contact me if you found anything."

"Okay!"

I hanged up the call at nagmadali nang pumunta sa assigned beach ni Dylan. After 30 minutes of driving ay nakarating na ako roon. Luna beach is a small beach compared to Illaio's Paradise pero pagdating sa ambience, they are the same.

Nagbayad ako ng entrance fee at pumasok na sa loob. May swimming pools din dito at pagpunta mo sa dulo ay may pababang hagdan. To my surprised, makikita mo ang isang open at napakalawak na buhanginan. Hindi siya white sand kung hindi redish-brown pero maganda pa rin naman.

4:00PM

I spotted Dylan na tinitingnan ang bawat sulok nang isang malaking bato na nasa buhanginan-baka siguro may nakatago roon na kakaibang bagay.

I called him and caught his attention.

"Hey! Did you find anything?"

He just shook his head as sign of none. It means that the remaining 3 beaches that Lance, Quinn and Era could have the Genie in the bottle.

"Wala rin akong nakita roon. Maraming tao ang nasa paligid at sa tingin ko hindi itatago roon ng kidnapper. Pwede siyang makita o may makakapansin sa kakaibang kinikilos niya." I said at luminga-linga sa paligid na baka sakaling may makita akong kakaibang bagay.

"Kanina pa rin ako naghahanap, talagang wala rito. Sabi rin ni Era wala raw siyang nakita. And I think, kailangan na natin puntahan sina Lance and Quinn. Possible na nasa kanilang dalawa ang hinahanap natin."

*Bzzt*

*Bzzt*

*Bzzt*

Kinuha ko ang phone na nasa aking bulsa and Lance name flashed on my phone's screen. His call were just in time.

"Go to the plaza right now. Key, just found something. I'm on my way to Kenji Beach."

Hindi na ako nakasagot dahil pinatay na niya ang tawag. He said "something" and not a name, so it means the game is not finish yet. We have only 4 and a half hours left and we still don't know how many levels this stupid game have. I will punch that kidnapper's face if I saw him.

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon