VI

55 3 0
                                    

J E L L    O U S T

Quinn's POV

6:05AM

*BZZT*

1 message received...

From: Mr. Sungit 👽

Hoy! 9:30 tayo ngayon. Kapag wla ka pa iiwanan kita!

'Yan nga pala ang name ni Lance sa phone ko. Hahaha! Pero, kahit sa text ang sungit pa rin niya! Psh.

Pupunta nga pala kami ngayon sa Metroville Mall para bumili ng materials para sa project namin sa Science.

9:16AM

Nakita kong lumabas ang magandang kotse ni Lance, tumapat ito sa kinatatayuan ko at bumukas ang pintuan ng kotse, "Sakay!"

"Sungit mo umagang-umaga!" hindi siya umimik kaya sumakay na lang ako sa kotse niya.

May inabot siya bigla sa 'king isang papel, "Ano 'yan?"

"Listahan ng mga bibilhin para sa project."

"Okay." may plano na naman pala siya, hindi na niya kailangan siguro ang suggestion ko about sa project.

***

After 30 minutes nakarating na kami sa mall at halos kabubukas lang nito. 10AM kasi ang bukas ng Metroville Mall.

"Sungit, kabubukas lang ng mall!"

"Ayaw ko nang maraming tao dahil hassle sa pagpila sa counter at hassle rin sa pagpila sa pagbili ng pagkain."

"Magtayo ka kaya ng sarili mong mall?"

"Tss."

Hindi na lang ako sumagot dahil lalo lamang akong maiirita sa kanya. Naglalakad kami ngayon papuntang National Boookstore.

"Ang bagal mo naman maglakad!" Lance said at biglang hinawakan niya ang aking kamay.

"Chansing ka lang!"

"Mabagal ka lang!"

"ANG LAKI KASI NANG HAKBANG MO!"

"MALIIT LANG TALAGA ANG HAKBANG MO!"

"PANGIT MO!"

"TSS!"

Nagtitinginan ang mga tao habang nagsisigawan kami, nakakahiya tuloy. Nakakainis kasi 'tong si sungit!

11:30AM

Nabili na namin ang mga dapat naming bilhin at nagpahinga muna kami sa isang bench.

"Sungit, uuwi na ba tayo?"

"Gusto mo ba?"

"Huwag mo nga sagutin ang tanong ng isa pang tanong!"

"Ayaw ko pa."

"Ako rin, eh. Saan na tayo pupunta ngayon?"

"Sa mga arcades, maybe. Pero, mamaya na, kumain muna tayo ngayon."

"Sabagay, nagugutom na rin ako. Saan tayo kakain, sungit?"

"Any suggestions?"

"Jollibee~!"

Matagal na ako hindi nakakakain sa Jollibee!

"Tss. Hindi ka naman bata!"

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon