XLIX

39 1 2
                                    

W A R   O F   B L O O D S
PART FIVE

Quinn's POV

MARAMING NANGYARI na ang hirap i-process kaagad ng utak ko. Nagising na nga lang ako na nandito sa teritoryo ng kalaban. Ang huling pagkakaalala ko nasa Nami Pier ako at sinusundan si La—

Kunot-noo akong lumingon sa lalaking kalapit ko. Parang wala siyang kasalanan sa amin, ah?

"Ehem," pagtikhim ko para makuha ang atensyon niya. Lumingon siya sa akin nang bahagya pero ibinaling niya ulit ito sa mga kalaban na nasa harapan namin. Aba't, siraulo 'to ah? Manhid ba siya o sadyang wala siyang pakialam sa ginawa niya?

"What?" tanong niya nang hindi lumilingon sa akin. Napansin niya sigurong hindi naaalis ang tingin ko sa kaniya.

"Ang bilis mo naman yatang makalimot?"

"As far as I know, wala akong naging utang sa iyo. Kung meron man, bayad na 'yon matagal n"

Siniko ko siya gamit ang kanan kong siko. Nakakainis! "Bakit kasama mo 'yong babaing 'yon kanina?"

"Bakit kung magtanong ka para kang selosang girlfriend?"

"Ugali mo talagang sumagot sa tanong nang isa pang tanong, ano?" singhal ko sa kaniya. Gusto kong baliin lahat ng daliri niya sa kamay at paa. "Sagutin mo na lang kaya?"

"Talagang ngayon ka pa nagtanong ng mga walang kwenta bagay?" sagot niya, may pagkairita sa tono ng kaniyang pananalita. Talagang siya pa ang may ganang magsungit sa akin? At paano naging walang kwenta ang bagay na 'yon?

"Let say... ginawa ko 'yon para sa Last Wish." dagdag niya.

"Gano'n? Salamat, ah?" sarkastikong sagot ko. "Congrats! Pinagmukha mo na naman kaming mga tanga."

"Para kang sina Dylan kung magsalita," sabi niya. "Tapusin na muna natin 'to. After this, I will explain everything. Siguradong magbabago lahat ng perception mo sa mga nangyari."

"Siguraduhin mo lang," banta ko. "Kapag hindi ako na-convince sa mga paliwanag mo, bibigyan kita ng tig-isang pasa sa mga mata mo hanggang sa maging panda ka."

"Ang brutal mo talaga," naiiritang sabi niya. "Babae ka ba?"

"Seryoso ako."

"Ibuhos mo na lang ang galit mo sa kalaban. Kasalukuyang nakikipaglaban na ngayon ang mga kasama natin sa mga higher ranks ng Elementz kaya dapat tulungan natin sila."

Sabay-sabay sumugod ang maraming members ng gang ni Z papunta sa direksyon namin. Hinakbang ko paunahan ang kanan kong paa at instantly nag-switch sa offensive stance.

Bawat sumusugod ay isa-isa ring tumutumba. Pumunta sa may bandang likod ko si Lance at nagbibigay lang ng suporta kapag may umaatake mula sa likuran. Hindi nga pala siya sanay makipaglaban lalo na't marami.

Naririnig sa buong kwarto ang sigaw na dulot ng sakit. Hindi ko alam kung sa mga kasama namin 'yon o sa kalaban. Gustuhin man namin ni Lance tumulong ay wala rin kaming magagawa. Marami rin kaming kalaban ngayon at kapag nawala kami sa focus maaaring ikapahamak namin ito, or worst madamay pa sila. Tanging tiwala na lamang ang maitutulong namin para sa isa't isa.

Napansin ko na pakaunti na nang pakaunti ang sumusugod sa akin. Nakikita ko na kung saan nakapwesto sina Z at Kira. After ko dito sa limang sumusugod, didiretso ako sa kanila at babatiin sila ng mga kamao ko.

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon