I

121 7 0
                                    

E P I C   D A Y

"K-kuya? KUYAAA?!" hindi siya sumasagot at nakapikit na ang kaniyang nga mata pero nakangiti siya. Inaasahan mo ba na mangyayari 'to sa 'yo, kuya?

Dumating na ang isang puting ambulansiya at isinakay na si kuya sa loob kasama ako. Binagtas na namin ang daan papuntang hospital.

Dinala si Kuya sa Emergency Room at naiwan na ako sa labas. Dahil sa nangyari napasandal na lang ako sa pader at napaupo.

"Kuya..." minasdan ko ang dugo sa kamay ko na galing kay kuya. Huminga ako nang malalim. Napa-ubub na lang ako at nagsimula nang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Biglang lumabas ang doctor galing sa loob ng E.R. at napatayo agad ako.

"Kaano-ano mo ang biktima?"

"Kapatid po niya ako, kamusta po ang kuya ko?"

"I'm sorry iho, there's nothing we could do to save your brother's life. Masyadong malakas ang impact nang pagkakabangga sa kaniya; nakalasug-lasog ang mga buto niya at marami siyang nawalang dugo. I'm sorry. Excuse me iho."

Tinapik ako sa balikat ng Doctor at nag-thank you ako sa lahat ng ginawa nila. Tumango lamang ito at umalis na. Nasa state of shock pa rin ako at hindi makapaniwala sa nangyayaring 'to. Parang panaginip. Bakit ba kailangan 'to mangyari dahil lang sa lumayas ako ng bahay? Dahil ba sa 'kin?!

Sinuntok ko ang pader ng hospital at wala akong pakialam kung matigas 'to or mabutas 'to. Ilang beses kong sinuntok ang pader hanggang sa maramdaman ko ang sakit sa aking kamay. Kulang pa 'to sa kasalanan ko! Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko magwala. Gusto ko na rin mamatay!

Nag-vibrate bigla ang phone ko at tiningnan ko ang tumatawag...

Mom is calling...

I answered the call immediately.

"Hello? Anak? Bakit hindi sinasagot ng kuya mo ang mga tawag ko? I just received his text at gusto ko malaman kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Kanina pa ako tumatawag sa inyo at may sasabihin ak—"

"Mom, so... SORRY!" biglang pumatak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Hindi kita maintindihan, anak. Ano bang nangyayari? Bakit umiiyak ka?"

"Si-Si kuya po kasi, na-naaksidente siya kanina, nabangga po siya ng sasakyan!"

"I'm currently at the airport now pauwi na ako riyan ngayon dahil tapos na ang business trip namin at magpapasundo sana ako sa inyo. 'Yan sana ang sasabihin ko, but, God anak! Ayos lang ba ang kuya mo? Ano ang sabi ng doctors?"

"Pa... patay na po si kuya." Halos mapaupo ako sa sinabi ko. Hindi ko matanggap. Masakit sa 'kin dahil nawalan ako ng kapatid pero mas lalong masakit para kay mommy dahil nawalan siya ng anak.

Tahimik sa kabilang linya at alam kong gano'n din kagaya ng reaction ko ang mararamdaman niya about sa nangyari. Naririnig ko ang biglang pag-iyak sa kabilang linya.

"M-mom? Sorry wala po akong nagawa. Kung hindi po ako umalis ng bahay hindi ako susundan at hahanapin ni kuya. Hindi sana po ito nangyari. Kasalanan ko po ito!" Sinisisi ko ang aking sarili kasi kung hindi dahil sa 'kin ay buhay pa sana si kuya.

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon