XVI

31 2 0
                                    

P R O M   N I G H T


Quinn's POV


Katatapos lang ng aming 3rd quarter exams last week and as always top na naman si sungit sa mga exams namin.
And since, it's the second week of february, friday to be exact, it's our Seniors Prom tonight and currently nandito kami sa bahay ni Ellise kasi dito namin napagdesisyunan na magpaayos at magbihis.

After nang nakakabiglang plot twist na pinagdaanan namin sa daddy ni Ellise, na realized ko na dapat pala hindi lang physical skills ang meron ka kung hindi dapat meron ka ring deduction prowess gaya ni Lance. At pwede siyang maging detective someday dahil sa dami ng alam niya; like may malaking library, scientific calculator at google sa loob ng utak niya. Minsan nga iniisip ko na baka kinuha ang totoong Lance at pinalitan ng isang alien na Lance. Ugh! What am I thinking?!

7:00PM


"I can't really believed until now that Dad used some of the codes and ciphers just to test Ryle. He included his novel; The Town's Secret. And Red's novel; 'Hide on Bush' and 'The Tale of a Thief (3T)'. He's so childish!" Ellise exclaimed and rolled her eyes. Naikwento na rin kasi namin sa kanya ang pinagdaanan namin sa kamay ng daddy niya. Kung wala si Lance ay hindi namin alam ang mangyayari sa 'min, malamang failed sa test ni Tito Alex si Ryle at possible na ilayo si Ellise sa 'min. Ayaw kasi ni tito na masasaktan ang kanyang pinakamamahal—kahit sino naman. At crime novelist nga rin pala si tito Alex kaya naging mystery ang test tapos nahalo pa ang novel ng isang sikat na writer na si Red—na nalaman namin na daddy pala ni Lance. Ang daming revelations!

Anyway, dahil seniors prom, we have to wear a pink gown. Katatapos lang kasi ng juniors prom kahapon at naka-blue gown sila. Sa guys naman is kahit ano basta may touch of red sa seniors and blue naman sa juniors. Pinili ng seniors bumukod ng prom for the first time sa juniors, sabi kasi nila, 'Ang kay Juan ay kay Juan at ang kay Pedro ay kay Pedro' na ang ibig sabihin para sa 'kin ay; walang eepal na juniors sa mga seniors at bumukod sila ng prom. Pero, kahit ano naman ang mapagdesisyunan nila dahil wala naman akong pakialam.

"Hindi n'yo ba napapansin na merong pattern ang mga nangyayari?" Era said. Out of the blue?

Kasalukuyang pababa na kami ng stairs palabas ng bahay nila Ellise. Nang marinig ko 'yon ay napataas ang aking isang kilay, "What do you mean?" sana related to kay kuya. Since nang may malaman kami sa room ay doon na din natigil ang pag-iimbestiga namin. Wala na kaming lead.

"Una, nakilala mo si Lance nang hindi inaasahan at siya pa ang nakakuha ng sapatos mo at the same time si Dylan at Ryle ay nakilala rin namin, nakuha rin nila ang mga sapatos namin."

Coincidence?

"Pangalawa, after that day, nakilala na naman natin sila at classmates pa natin. Simula noon naging close na tayo sa bawat isa."

"Then, pangatlo, mas naging close tayo sa mga boys. Even kayo ni Lance ay palagi na rin magkasama or magka-group sa mga activities. He even protected you so many times. Plus, inamin niyang admirer ka niya. Kyah~"

"Kailangan may tili talaga?"

"Sorry, kinilig kasi ako bigla~"

Nag-peace sign siya at napa-irap na lang ako. Psh. Dahil sa sinabi niya nagkaroon tuloy ako nang panandaliang flashback sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Kagagawan 'to ni Era!

"Kahit naka-makeup ka Casey, nakikita ko pa rin ang pamumula mo. Hahaha!"

"NEXT NA! PWEDE NAMAN LAKTAWAN 'YON, EH!"

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon