W A R O F B L O O D S
PART ONEDylan's POV
ONE THING is sure; mas pinili ni Lance makipagkampihan sa iba kaysa sa amin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya. Wala ba siyang tiwala sa amin?
"Iliko mo sa kanan—"
"Paano mo pa nakukuhang maging kalmado matapos ng mga nagawa mo sa 'min?" Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nagsasalita siya. Gusto ko pang dagdagan ang pasa sa kaniyang mukha.
"Ang importante mailigtas natin si Key. Wala akong pakialam sa kahit anong sasabihin n'y—"
At walang ano-ano'y awtomatikong sinuntok ko siya sa mukha. Magkatapat kami sa table tablet kaya kailangan ko pang itukod ang kaliwa kong kamay para maabot ng aking kanang kamao ang nakakaasar niyang pagmumukha.
"Ellise, awatin mo nga 'yang mga 'yan!" sigaw ni Ryle. Siya ang nagmamaneho ng van namin ngayon. Mas mabuti. Walang aawat sa amin ng katapat ko.
Kaya lang naman ako nagkakaganito ay dahil kay Era. Nang mahanap ko kung nasaan siya—which is sa St. Lucas General Hospital, hindi ko alam kung paano sila napunta ro'n, pero sabi ng nurse may nagdala daw sa kanilang isang misteryosong lalaki—ay halos mabali ang lahat ng buto sa aking kamay sa kakasuntok sa pader. 'Yan lang ang paraan para mailabas ko ang aking galit at sama ng loob.
Wala akong nagawa para mailigtas siya!
Nakarating ako sa location ni Era at Aranea. Nakapagtataka na napunta sila sa St. Lucas General Hospital, samantalang mas malapit naman ang MMH kaysa do'n. Something's odd.
"Wala pa silang malay hanggang ngayon, dahil siguro sa impact ng pagsabog o baka sa pagtama ng ulo nila sa isang solid na bagay. Kailangan pa namin suriing mabuti ang mga pasyente para makasiguro. But I'll be honest, hindi malayo ang posibilidad na ma-comatose silang dalawa," paliwanag ng doktor. "At mabuti na lang naagapan ang pagsagip sa kanila dahil kung tumatagal pa nang thirty minutes baka mauwi sa third degree burn ang mga balat nila."
"Sino pong nagdala sa kanila rito?" tanong ko habang nakatingin sa walang malay na si Era. Nasa kabilang higaan naman sa kanan niya ay ang walang malay rin na si Aranea.
"Misteryoso 'yong nagdala sa kaniya dito, tsaka ayaw niyang sabihin ang pangalan niya. Naka-face mask siya kaya hindi namin mamukhaan. Pero ang alam ko lalaki siya." sagot ng nars.
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.