R O U T I N E
King's POV
Nakarating kami sa isang liblib na lugar dito sa Khan Subdivision, Metroville. Mga 20 minutes bago kami nakarating dito, pataas pa ang daan at maputik kaya mahirap marating. Napansin ko rin na wala ng bahayan sa paligid at puro puno na lang, malayo na talaga kami.Hindi ko alam na may nag-e-exist palang ganitong bahay dito.
Huminto ang aking sasakyan sa isang malaking white gate na may dalawang golden lion na statue sa gitna. Ibinaba ko ang bintana ng aking kotse at nang makita ng guard na kasama ko siya ay agad kaming pinapasok.
Dumaan kami sa isang red brick road na may mga iba't ibang kulay ng rose sa tabi hanggang makarating kami sa puting mala-palasyo nilang bahay. Umikot pa ang sasakyan ko sa isang malaking fountain bago kami tumapat sa mismong unahan ng bahay nila.
Bumaba kami sa sasakyan at talagang napapatingala ako sa laki at taas ng bahay nila. Parang White House na ito sa laki, eh. Tss. Nahiya naman 'yong bahay namin.
"Tuloy ka." masiglang wika niya. Wala akong reaction sa sinabi niya at tumango lamang ako. At hindi rin siya ang ipinunta ko rito kung 'di ang mga sinabi niya sa amin kanina sa canteen.
Bumukas na lang ang pinto ng bahay nila at nakita ko sa gilid ang isang matandang lalaki na puti na ang buhok at may puti ring bigote, hawak niya ang doorknob ng pinto at naka-bow. Base sa suot niyang tuxedo ay malamang siya ang butler ng pamilya nila.
Pumasok kami sa loob. Iginala ko ang aking tingin at napakalaki talaga ng bahay nila, parang palasyo sa laki.
Masigla kaming binati ng matanda. Nag-bow ako sa kanya at bumati rin pero ang kasama ko ay parang walang narinig.
"Sabihin mo kay Lucing ikuha kami ng makakain at dalhin niya sa kwarto ko. Ngayon na." utos niya. Natataranta namang umalis ang matanda at pumunta sa isang silid na sa palagay ko'y ang kusina ng bahay nila.
Ibang-iba ang ugali niya rito sa bahay nila kaysa kapag nasa school siya. Masayahin siya at bitchy sa school samantalang bossy naman siya rito sa bahay nila. Baliktad kami, hindi ako palaimik sa school at sa ibang tao tapos sa bahay umiimik naman ako lalo na sa kasambahay namin.
Naglakad pa kami papasok sa bahay nila at makikita ang mga iba't ibang mamahaling paintings. Marami ring mga mamahalin na vase at mga halaman sa paligid.
Umakyat kami sa isang malawak na hagdan hanggang makarating kami sa ikalawang palapag at huminto kami sa isang elevator. May butler din sa may katabi ng elevator at ang isa pa ay nasa loob.
"Good evening, ma'am. Good evening, sir." bati ng butler na nasa labas ng elevator at nag-bow siya sa amin. Bumati rin ako sa kanya samantalang ang katabi ko ay tinaas lamang ang kanang kamay at pumasok na sa elevator.
"Bukod sa mga kasambahay n'yo, ikaw lang ba ang nakatira dito?" tanong ko sa kanya habang papasok kami sa elevator.
"Good evening, ma'am. Good evening, sir." masiglang bati sa amin ng butler na nasa loob ng elevator kaya bumati rin ako sa kanya. Medyo bata pa, mga late 20s, ang parehong butler na nandito na nakasuot ng white long sleeve at black bow. "Where do you want to go, ma'am?"
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.