W A R O F B L O O D S
PART FOUREra's POV
ANG HULING natatandaan ko ay ang mainit na liwanag na biglang tumama sa amin ni Aranea. Paggising ko nandito na ako sa isang kwarto. Kulay puti lahat ng dingding, halos lahat ng bagay ay gano'n ang kulay.
Baliw na yata ako kaya dinala nila ako sa isang mental hospital.
Pero... Nakakapag-isip pa naman ako ng tama. Hindi pa ako baliw. So, nasaan ako?
Bumangon ako at naglakad papunta sa pinto. Nakasuot ako ng white shirt at pants. If I remember, hindi ito ang suot ko last time.
I sighed.
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng sahig habang papalapit ako sa may pinto. Napansin ko agad ang tali na may card sa doorknob. Lumuhod ako't tiningnan ito, baka sakaling may nakasulat.
Release me.
'Yan ang nakasulat sa card. Hindi ko alam ang ibig sabihin no'n. Iginala ko ang aking tingin sa paligid pero wala namang ibang tao rito bukod sa 'kin.
Sino ang pakakawalan ko?
Pinihit ko ang doorknob. Baka naman nasa kabila siya. Pero hindi ito mapihit. Nakailang pihit pa ulit ako pero ayaw talaga mabuksan. Nawalan na ako ng pasensya kaya sinipa ko na ito pero hindi man lang gumalaw o nagasgasan.
Idinikit ko ang aking tainga sa pinto. Pinapakinggan kung may tao o ano ang nasa kabila nito. Wala akong naririnig na kahit ano.
"May tao ba diyan sa kabila?" sigaw ko.
Walang sumasagot.
"May tao ba diyan? Magsalita ka! Tutulungan kita! Anong kalagayan mo diyan?"
Wala pa ring sumasagot. Sumandal ako sa pinto at dahan-dahang bumaba hanggang sa nakaupo na ako sa sahig.
"Hehehehe."
Nanlaki ang aking mga mata. That weird, demonic laugh. Naiintindihan ko na kung nasaan ako.
"Long time, no see."
"Na-miss mo ba ako? Hehehehe."
"Hindi. Ilabas mo na ako sa kwartong ito."
Naalala ko na. Bakit ba nakalimutan ko na ang kwartong ito. Noong bata pa ako palagi akong nandito kada paggising ko mula sa mahimbing na pagkakatulog.
"Alam mo namang hindi ka makakaalis dito ng basta 'di ba? He-he-hehehe."
"Bakit ngayon ka na lang ulit nagparamdam?"
Sa simula, akala ko masamang panaginip lang ito kaya sabi nina mommy mag-isip lang daw ako ng happy thoughts. Pero... Kahit anong masasayang bagay ang isipin ko pilit sumusulpot siya hanggang sa nasanay na ako. Hindi ko na lang siya pinapansin hanggang sa...
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.