XXXIII

54 2 0
                                    

F A C E-O F F

Quinn's POV


Kanina pa kami nag-aabang sa kung ano ang nangyari kina Lance at Mike sa pagharap nila kay Zero, ang leader ng LD-13. Hindi man lang sila sumasagot sa mga tawag namin, sabi ni L hindi niya ma-contact sina Lance mula pa no'ng makabalik kami rito sa HQ hanggang sa mga oras na ito. Nasa kamay na kasi ni Dylan si Bee at Fly noong nasa van na kami kaya hindi na namin nasundan ang nangyari sa kanila. Nakikita lang namin sa iWatch at sa monitor ng van ang location nila, legends lang nila ang naka-flashed sa screen. Psh. Ano kayang nangyari?

Nawala na lang bigla ang mga bumabagabag sa isipan ko nang aking makita sa monitor ang mukha nina Lance at Mike at pababa na sila rito. Mukhang exhausted ang mukha ni Lance samantalang normal lang as usual ang expression ng mukha ni Mike.

Nang makarating sila rito sa table kung nasaan kami'y hindi ko na talaga napigilang magtanong. "Anong nangyari?" Napatayo pa ako at sinalubong sila.

"He's already dead." Lance responded dryly.

Napataas ang isang kilay ko sa sagot niya. "Pwede n'yo ba ikwento?!"

"Not in the mood. I'm tired. Magpakwento na lang kayo sa taong walang ginawa kung 'di um-order ng pizza. Tss." Nilagpasan ako ni Lance, hindi siya tumitingin sa akin at parang may malalim siyang iniisip. "I'll be in the leisure room. If ever there's an emergency... Hmm... I don't care. Don't dare to disturb my rest."

Pumasok na siya sa room at lahat kami ay napatingin kay Mike.

"What's his problem, Mike?!" naiinis kong tanong. Ano na naman kaya ang problema ni Lance at nagsusungit na naman siya?

Mike shrugged. "King is right, Zero is already dead. He killed himself though."

"Then?!" Bakit ba bitin sila magkwento? Naiinis na ako!

"Hindi ko alam ang nangyari sa taas, I mean, naghabulan kasi sila sa bubong ng mga bahay. Sinundan ko naman sila mula sa baba—initially that's our plan na tutol pa si Lance noong una—pero napatigil ako nang may makita akong Pizza Hut, I ordered pizza pero monitored ko pa rin ang galaw nila. Bigla silang tumigil sa isang building kaya nagmadali akong pumunta roon. Pagliko ko sa isang eskinita, nakita ko ang isang taong nahulog mula sa mataas na palapag. Some of his body parts splatter onto the pavement at bago pa ako makalapit sa katawan no'ng nahulog ay alam ko ng si Zero ito dahil naka-leather jacket siya at may suot na maskara. My conclusion, nagpakamatay siya dahil hindi ko nakita si King na nasa edge ng building kung nasaan nahulog si Zero. Kung itinulak siya dapat nasa malapit lang si King at makikita ko siya mula sa ibaba, nasa gitna siguro siyang part or nasa kabilang dulo. After a while, bumaba si King sa building, kinakausap ko siya pero hindi siya nagsasalita. Napansin kong malalim ang iniisip niya. My guess? May sinabing importanteng info si Zero kay King."

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon