G A M B L E
King's POV
My guess, three out of eleven boxes that have guns with loaded bullets are; box number one, ito sana ang pipiliin ko since nasa top rank ang gang nina Z, malamang walang staff na maglalagay ng baril na may bala ro'n dahil maaari itong piliin ni Z pero naisip ko na maraming mag-aagawan sa number one box dahil ang iisipin ng iba ay kagaya nang iniisip ko at maaring ito rin ang naisip ng kung sinuman ang naglalagay ng baril na may bala. Next is box number seven, iisipin ng normal na tao na swerte ang number na ito kaya pipiliin niya ito nang walang pagdadalawang-isip kaya hindi rin ito ang pinili ko. And lastly ang box number eleven, simple logic, nasa huli ang pagsisisi.
Alam kong naisip ni Key na gamitin si Fly pero hindi na niya ito nabanggit sa akin dahil na-realized din siguro niya na it will took so much time para lang ma-scan lahat ng box. So, nag-rely na lang ako this time sa instincts ko at pinili ang box number ten.
At syempre, sure ako sa box number ten dahil habang namimili ako ay nilagay ko na si Fly para ma-scan niya ang box. Tinagalan ko talaga ang pagpili para malaman ko kung may lamang bala 'yong baril o wala. Kailangan ding gumamit ng mga cheats at power-ups sa ganitong laro.
Paano kung na-scan ko nga ang baril na nasa loob ng kahon tapos may laman pala itong bala? Then I will accept it. 'Yon na talaga ang nakatadhana sa aking mangyari.
But my instincts will never fail me. I know walang bala ang mapipili kong baril-
BANG!
I heard gunshots all over the place and the last thing I know ay napaluhod ako hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na sahig.
Fly was wrong? It says in the result of the scan that there's no bullet in the gun! What the hell just happened?!
"R-Red!" Key shouted as her voice cracked, patakbo siyang lumapit sa kinaroroonan ko.
How can I be wrong? How can Fly be wrong? May technical glitch bang nangyari?!
"I'm sorry, Red!"
"S—" Pumikit na ang mga mata ko at hindi ko na natapos ang aking sasabihin. Pero bago ito sumara ay napansin ko ang isang lalaki sa likuran ni Key, nakangiti siya sa akin na parang demonyo habang umuusok pa ang muzzle ng kanyang baril.
Could it possible be-
†††
Iminulat ko ang aking mga mata, blurred pa ang nakikita ko sa paligid kaya kailangan kong pumikit muli hanggang sa bumalik na sa normal ang paningin ko. I saw white walls and green curtains as my eyes roamed around, may mga prutas at bulaklak din sa tabi ng malamig kong higaan. Naaamoy ko rin ang gamot at disinfectant sa paligid. Great, I'm in a hospital.
To be honest, ayaw ko pang magising muna, mas gusto ko pang mahimlay at mag-isip nang matagal about sa mga nangyayari. Lately, ang daming bumabagabag sa isip ko. Tss. Kailangan ko nang sagot. Kailangan kong malaman ang katotohanan!
Sa gitna ng aking pag-iisip I heard a familiar voice outside my room. Yeah, it's her. Bumukas ang pinto at hindi nga ako nagkamali. Sa footsteps pa lang niya kilala ko na agad siya e; tahimik at maingat lagi ang kanyang bawat hakbang.
Gaano ba ako katagal nandito? Tss. Gusto ko na umalis sa lugar na 'to, I felt more sick when I'm here.
"Lance!" gulat niyang sabi, nakita niya sigurong gising na ako. "Mabuti gising ka na!"
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Fiksi RemajaLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.