Special Chapter 2

18 2 0
                                    

Elementz VS Phoenix


September 3, 20XX
7:00 p.m.
Elementz HQ

Pyro's POV

"We are in top 2 now matapos natin maubos ang member ng Roses last week and now we will make a plan to destroy Phoenix." wika ni Ice. Siya ang pinakabata sa grupo pero sa kanya kami umaasa sa pagpaplano. That's because, he's a genius. "Kailangan natin pumasok sa HQ ng Phoenix at maubos natin sila, pero ang main target natin ay si Cloud, ang leader ng Phoenix."

'Yong mahihina na natalo namin hindi naman sa pagmamayabang ay isang araw lang namin pinagplanuhan.

Pero ngayon 3 weeks na kami nagpaplano para mapabagsak ang Phoenix at maging number 1 na kami. Medyo maingat ang galaw namin ngayon at sobrang detalyado nang bawat kilos.

"Bakit hindi na lang natin sila puntahan? Kayang-kaya naman natin sila." wika ni Geo.

"Huwag ka ngang mayabang! We need to plan. Marami ang members ng Phoenix kaya kailangan natin magplano." sagot ni Ice. Kahit kailan hindi talaga magkasundo itong dalawang 'to.

Nilabas ni Rain ang laptop niya at tumambad sa 'min ang blueprint ng Phoenix HQ.

"Saan mo nakuha ito?" tanong ni Z.

"I hacked Phoenix's system." sagot ni Rain. Yeah, we have a hacker on our team.

"Good. So ano ang plano?" tanong ko.

"Maraming bantay ang first floor ng HQ, lagi akong umikot sa paligid no'n para mag-surveillance and confirmed na nasa 10 - 15 ang mga tao lagi do'n. Mahihirapan tayo pumasok dahil sa mahigpit na security at baka kapag nalaman nilang hindi tayo members ng Phoenix, lalapit pa lang tayo pinaulanan na tayo ng bala. Kaya hindi tayo basta-basta susugod ng gano'n na lang." wika ni Light.

"So what is the plan master strategist?" pang-asar ni Geo. At ginantihan naman ni Ice nang masamang tingin si Geo. Para silang mga bata.

"Tss. The plan is, kailangan makapunta tayo sa third floor kung saan nando'n ang training room ng Phoenix, which is lahat ng newbie nila ay nag-eensayo do'n. Kakaunti lang ang nando'n na talagang member. Based on my source nasa 5 lang sila para mag&train at magbantay sa mga newbie. Then, proceed tayo sa fourth floor kung saan nando'n naman 'yong mga ibang members na ginawa nilang tulugan, inuman, at dalahan ng mga babae." wika ni Ice habang nagdo-drawing sa isang papel ng plano namin.

"Nasa 5th floor ang leader ng Phoenix at ang kanyang top members para pag-usapan ang gagawin nila?" tanong ni Rain.

"Tama. Kaya kailangan natin makapunta do'n without them knowing na ubos na pala lahat ng nasa baba." sagot ni Ice.

"What about the 2nd floor? Hindi mo yata nabanggit?" tanong ni Geo.

"Hinuli ko ang 2nd floor dahil ang gagawin natin ay magpapanggap tayong mga barista. Ang 2nd floor ay isang newly open Bar. Ginawa nila 'yon for their guest and allied gangs." sagot ni Ice.

"Paano tayo magiging barista? Paano mangyayari 'yon?" naguguluhang tanong ni Light.

"Ayon sa nabasa ko sa website nila, they urgently need bartenders." si Rain na ang sumagot.

"For sure madaming interested applicants do'n dahil popular gang sila and number 1." dagdag naman ni Z. "At may kinausap na akong tao. Siya ang owner ng mga sikat na bars and clubs sa buong Asia at sinabi ko na mag-a-apply tayo sa sinabi kong bar. And also, sinabi ko rin na gawing fake ang resume, pictures, personal info and names natin."

LAST WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon