TSBM 1: The Start

3.5K 48 4
                                    

Maaga akong pumasok sa school dahil palagi naman akong maaga pumapasok. Napatingin ako sa orasan na nasa kamay ko.

6:27 palang. Masyado atang maaga ang pag kaka pasok ko sa school. Napatingin ako sa classroom at wala pa ang mga ka klase ko. Kahit si Ally na bestfriend ko ay wala pa din.

Ally, short for Allison. Allison Cruz. Umupo lang ako sa upuan ko at nag hahantay ng mga ka klase kong papasok na. Pero nagulat ako nung lumagapak ang pintuan. At mas nagulat ako kung sino ang nakita ko.

Si Murvyn, Murvyn Maliff.

Kinabahan ako nung umupo siya sa pinaka dulong upuan at nakita kong puro pasa siya at may dugo pa ang gilid ng labi niya. Tumayo ako at tumabi sa kanya.

"Anong nangyari sayo?"

"Tss."

Napasandal ako sa pinag uupuan ko. Lagi nalang, araw araw nalang ganito. Kakausapin ko siya. Pero ang matatanggap ko lang ay "Tss"/"Tsk."/"Psh". Kung hindi naman ay ngingisi lang siya.

"Nakipag bugbugan?"

"O kaya.. binugbog ka talaga?"

Nangulit ako ng nangulit sa kanya at hanggang ngayon ay wala pa talaga ang mga ka klase ko. Tsk. Ang babagal nila -__- pero okay lang yun, solo ko si crush. Hihi *^_^*

"Ano ba tala--" hindi ko na ituloy ang sasabihin ko nung itinayo niya ako at sinandal sa pader. Sobrang lapit niya sakin na halos mag didikit na ang dalawang muka namin.

"Pede ba Kristelle Villela wag kang maingay?"

Napalunok ako. Ngayon lang ang araw na nang yari to. Siguro ay pulang pula na ang muka ko. Nakaramdam kasi ako ng init kahit malamig naman ang panahon.

Ngayon lang to. Ngayon lang din niya ako tinawag sa pangalan ko. Ngayon lang. Mag sasalita na sana ako pero..

"Ehem!"

Napaalis kami sa pwesto namin. Sino ba kasi-- si Ally? Tsk. Panira talaga to eh. Maayos na sana. Umalis ako sa pinag tatayuan ko kanina at lumapit sa kanya.

Binaba niya ang bag niya at hinila ako palabas. Nung makarating kami sa labas ay hinarap niya ako sakanya. 

"Ano yung nakita ko?" Tinaasan niya pa ako ng kilay. Tsk. May pag tanong pa to eh. Nakakainis kaya yung.. yung pag epal niya dun sa... ihhh. Pag naiisip ko talaga yun pakiramdam ko namumula alo.

"Ano nasa movie ba kayo? Yung tipong naka pwesto kayo sa kissing position? Ooops! Dont tell me.. Ako yung epal sa kwento niyo?!"

Oo. Nasa movie kami. Kissing position at ikaw yung epal. Epal ka! Epal!!

Pero syempre hindi ko yun masasabi. -__- kung pede ko lang sabihin edi sana sinabi ko na. Kaso hindi eh.

"Hindi naman." Sagot ko sa kanya. "So ano nga? Bakit nasa kissing position kayo?"

Kung may hawak lang ako ma-i hahampas ko sa kanya yun eh. Ulit ulitin ba naman? Malamang pulang pula na ako. May pag ulit pa siya ng KISSING POSITION blah blah.

"Eh kasi nga.." kinuwento ko lahat ng nangyari simula nung pumasok ako sa school hanggang sa umepal siya sa.. sa nangyari.

.

Maya maya ay pumasok na kami ng room ng dumating ang teacher namin. Binati niya kami ng good morning kaya binati din namin siya.

Habang nag di discuss siya ng boring naming lesson. Ang boring kaya dahil science agad ang first subject namin.

"You learned earlier that rocks contain crystals. Each crystals is actually a mineral. A rock consits of one or more kinds of mineral..."

"Boriiiiing!" Napatingin ako kay Ally na ang likot likot sa tabi at mukang antok na antok pa. "Shhhh. Wag kang maingay!" Bulong ko sa kanya.

"Pano kasi ang boring."

"Sinusubukan kong makinig, Ally." Suway ko sa kanya.

Sinunuod niya ako at sinubukan ko ding mag focus sa dini discuss ng teacher.

"Scientist have found and examined about 2000 different minerals. Only few minerals are common in the earth's crust."

Pumapasok at lumabas lang sa tenga ko ang sinasabi nung teacher namin. At eto na nga, naka titig lang ako sa kanya. Pero etong si Ally ang kulit -__- dinaldal lang ako.

"Ally, shhhhhh!" Inis kong suway sa kanya. Tumahimik na naman siya pero dinaldal niya ulit ako.

"Oy alam mo ba Kristelle, kanina may naka bunggo saking lalaki."

"Hindi ko nga pinansin nung una, pero nabunggo niya ulit ako."

"Tapos napag alaman ko na mukang adik. Ayun nag tatakbo ako dito."

Salita siya ng salita pero hindi ko siya pinansin hanggang sa..

"MS. ALLISON CRUZ!!"

Napahinto siya sa pag daldal at napatingin siya sa lahat ng ka klase namin na lahat ngayon ay nakatingin na sa kanya.

"Ang ingay ingay mo jan. Sa tingin mo ba gusto kang kausapin ni Ms. Kristelle?"

Napayuko si Ally sa mga pinag sasabi ni Maam Christy. "At dahil madaldal ka,"

"Kristelle, lumipat ka don sa tabi ni Mr. Murvyn."

O_____O

"What?" Hindi ko ako nakapag salita ng kung ano ano at  sadyang what nalang ang lumabas sa bibig ko.

"I said--" mag sasalita palang sana si maam ay kinuha ko na ang bag ko at agad na naupo sa bakanteng upuan katabi si Murvyn.

Nag simula ng mag discuss at mag pa lecture si maam. Sa sobrang saya ko, naintindihan ko na ang mga sinasabi ni maam.

Maya maya ay natapos na ang klase pero bago yun ay may iniwan na salita ang teacher namin.

"Mr. Maliff and Ms. Villela, gumawa kayo ng report sa mga na disscuss ko ngayong araw. Present it, on monday."

Napatingin ako kay Murvyn na ngayon ay nakatingin sakin.

"Pag aralan mo, hindi ka ata nakinig kanina."

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon