TSBM 8: Friends

1K 27 0
                                    

Kristelle's point of view.

"Hello."

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at napalunok. Omyghad! Hulog ng langit oh! Ang fafa niya.

"Ah,eh-- Hi?" Weird kong sabi. Pano ba naman kasi hindi ko naman siya kilala. Mahirap na mag tiwala sa panahon ngayon, kahit gwapo manloloko.

"Hey! Dont be afraid. I wont bite you. By the way, Im Giann Peñaflorida." Inabot niya ang kamay niya sakin as if naman makikipag shake hands ako sa stranger na to.

Nilapgpasan ko lang siya at nag lakad na ulit. Pero wala akong takas dahil sinusundan niya pa din ako. -__- stalker ba to o ano? Nag patuloy lang ako sa pag lalakad ko pero etong Giann patuloy din sa pag sunod.

"Kristelle" Nagulat ako nung tawagin niya ang pangalan ko. Napahinto ako at napataas ang kilay ko sa pag tawag niya ng pangalan ko.

"How did you know me? Stalker kita?!" Automatic na nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Hmm. Tinaas niya pa yung dalawang kamay niya sabay turo sa bag ko.
"Name tag." Napatingin ako sa bag ko. May name tag ko nga. Inalis ko yun tsaka nag lakad ulit. Kainis talaga yun! Sino ba kasi yung lalaking yon? Tsaka bakit siya makikipag friends, hindi niya nga ako kilala eh.

"Uyyyy! Mag pakilala kana kasi." Pilit niya sakin. Hinarap ko siya tsaka inirapan. Bwisit talaga tong lalaking to eh. Sarap i untog dito sa punong nasa kanan ko.

"Kristelle Villela. Happy?" Inis kong sabi.

"Nope. Friends please?"

"No! Hindi nga kita kilala eh tapos makikipag friends ako sayo? In your dreams!"

Sabi ko at nag tatakbo na paalis dun. Sasakay na sana ako dun sa taxi na nakita ko pero hinila ako ni Giann sa wrist ko.

"Im Giann Peñaflorida, kilala ako ng kapatid  mo. And for your information, tropa niya ako at tropa ko din siya."

"Talaga ba?" Paninigurado ko. "Oo, tara! Hatid kita sa inyo."

Mag sasalita palang sana ako pero hinila niya na agad ako papunta sa kotse. Sinakay niya agad ako dun tapos pinaandar niya na agad yung kotse.

Hinampas ko yung nasa harap ko. Ano bang tawag dito? Ah basta! Yun na yun. "Itigil mo nga to! Bababa ako!"

"Ayoko."

"Sabing itigil eh!"

"Sabing ayoko eh."

"Itigil mo ngaaaaa!!!"

"Ayaw ko nga eh. Bakit ba ayaw mo nalang mag tiwala?"

Npatingin ako sa kanya. Anong klaseng tanong yun? Ayaw mag tiwala?! Malamang! Mag titiwala kaba agad sa taong kakakita at kakakilala mo palang? Hindi diba! Hindi ko pa nga siya kilala ng tuluyan eh! Bwisit na to!

"Sabing hindi pa nga kita kilala. Hindi mo ba  maintindihan?" Irap ko sa kanya. Wala na din akong nagawa kundi ang mapasandal at ipatong ang siko ko sa bintana ng kotse niya. Bwisit kasi.

Tumawa siya-- oo tumawa siya!! Wow! Oy sano lang! Pero kasi, si Murvyn, tsaka si Kyrie puro ngisi lang ang ginagawa. Diba?

"Sinabi ko din namang tropa ako ni Kyrie, diba?" Sabi niya habang nakangiti. Pero inirapan ko lang siya. "Whatever."

Hindi ko siya pinansin. Hindi pa din naman kasi ako naniniwala na tropa siya ni Kyrie! Eh ang tanda na ata ng mokong na to no! Tapos si Kyrie tropa siya? Duh!

*BEEEEP*

Napatingin ako sa kanya maski sa pinag hintuan namin. What?! Bakit maski nga ang bahay namin ay alam niya? Stalker talaga tong lalaking to eh!

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon