a/n: Sorry po :( Eh kasi naman nag susulat ako ng chapter 27, apat na beses na. Na se-save ko naman eh kaso nabubura. Badtrip eh -__- o siya, sorry po for the slow update.
Kristelle's point of view.
"Dont tell me your pregnant?" Nahampas ko ng malakas si Kyrie sa tanong niya. Porke ba sinabi kong I need to tell you something eh buntis agad agad? Hindi ba pedeng nag confess lang sakin si Giann? Hindi ba yun alam ni Kyrie? Hindi niya ba ma gets? O gusto niyang ako pa ang mag sasalita? Imposible namang hindi niya yun alam eh tropa nga sila, diba?
Pero bakit parang ang bilis? Bakit ganon? Hindi agad siya nag pa process sa utak ko. Ang bilis. Amin, agad? Mahal, agad? Bakit ang bilis bilis naman yata? Bakit biglaan naman ata? Nang bibigla? Wala man lang sign-- sign?
"Ang sakit sa puso nun, mag mamahal ka ng taong hindi ka napapansin. Hindi nararamdaman yung pinaparamdam mo. At lalo na yung.. may gustong iba yung mahal mo."
"Magiging ganon din tayo, sa tamang panahon."
"Kristelle,"
"I love you."
"Ang torpe mo! Anong sabi mo?"
"I love you."
"Wag ka matakot, kayang kaya mo yan. Handa akong saluhin ka,kung mahulog ka man."
Ibig sabihin ba non matagal niya na akong mahal? Pero bakit ang bilis kung hindi niya pa naman ako sobrang kilala? Ang manhid ko masyado. Masyado na akong nag fo-focuss kay Murvyn. Kinulong ko na ata yung sarili ko sa kanya.
Awtomatik na napatingin ako kay Kyrie. Napangisi siya at mukang alam na kung ano yung tanong na nasa isip ko.
"Matagal ko ng kilala si Giann. Pinakilala pa kita, kaso sa picture lang. Yea! He likes you--no! He loves you."
Nag katinginan kami ni Mom tsaka ni Dad. Napangiti nalang si Mom tapos si Dad biglang napaisip.
"Giann? You? Nag confess si Giann sayo, baby?" Napatingin ako kay Mom na nag tanong ngayon. Nahiya tuloy ako bigla. Bakit ganon? Hala!
"Yes mom. Giann told me he loves me."
"Sabi na nga ba eh! So what did you say?"
"I dont know what to say. He even cut off my words and left me to think about his confession."
[Flash back]
"I love you Kristelle, I love you."
Totoo ba to? Bakit ang bilis naman yata? Nananaginip ba ako? Ang manhid manhid ko para hindi malaman na may gusto--mahal ako ni Giann. Anong sasabihin ko? Kahit sasabihin ko hindi ko na din alam.
"Kristelle, palagi lang akong nakabantay sayo. Tatlong taon kong tinago to. At ang masakit don, limang buwan ko hinanap ang pag kakataon na to."
Wala ba siyang balak na umamin sakin dati? Bakit ganon niya ako katagal kilala? Saan at pano niya ako nakilala? San siya humugot ng lakas ng loob para harapin ang bagay na to?
"Iiwan muna kita, kausapin mo ako pag napag isipan mo na ang pag amin ko sayo. Handa akong mag hintay sayo Kristelle. Just give me a chance na pumayag kang ligawan kita."
Ligaw? Agad? Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko, isa lang ang nasa puso ko. Si Murvyn yon. Tama nga sila, promises are meant to be broken. Hindi ko mapapanghawakan ang pangako kong si Murvyn lang ang mamahalin ko at hindi ako susuko sa kanya. Lalo na sa ganitong sitwasyon.
"Bye for now, Kristelle. Mag hihintay ako. Mag hihintay ako araw-araw. Handa akong palitan yang nasa puso mo, hinding hindi kita sasaktan Kristelle. Pinapangako ko yan sayo. I love you Kristelle, mahal na mahal kita."
[End of flashback]
"He's right Kristelle, why dont you think for his confession?" Suggestion ni Dad. Actually, pinag iisipan ko naman talaga yung confession ni Giann sakin. Hindi ko palang talaga alam kung ano yung gagawin ko.
"Ive heard, your loving someone. Am I right?" Napatingin ako kay Dad. Kinabahan ako sa sinabi niya. Oo meron nga akong ibang mahal. "Yes dad." Pag amin ko.
"Giann is better." Napatingin ako kay Kyrie na napaka seryoso ng muka at binaling ulit ang tingin kay Dad.
"He can't love you back. I want you to be happy, Kristelle." Kumumot ang noo ko. Ano ba ang ibig sabihin ng sinasabi nola? Ano bang gusto nila iparating sakin?
"Why dont you give Giann a chance? Think carefully about it Kristelle. Someday you'll realize what love is." Umalis na si Dad at pati nadin si Kyrie at Mom sa kusina. Naiwanan akong nag iisa dito sa dining table namin.
Hinilamos ko ang kamay ko sa muka ko sign of.. i dont know? The thing is, i dont know if i will stay to Murvyn or should i let him go and be happy with Marielle?
Hindi ko naman maisipang mabuti, I like Giann. But I dont love him. Its different.
Like and love is different. Its just like flowers. If you like a flower, you'll jusy pick it. But if you love a flower, you'll water it everyday.
Tama nga ba na buksan ko ulit ang puso ko para sa taong handang mahalin ako? Haay. Nalilito na ako.
--
"Alam ko naman yan eh. Kasabwat nga kami jan sa plano planong yan eh. Pero, the question is.. Do you accept Giann as your suitor?" Natawa ako sa tanong ni Ally sakin.
"Ano yan ikakasal lang?"
"Oy hindi! Pero seryoso, ano ng plano mo?"
"Yun nga eh. Kaya nga kita pinapunta dito sa bahay for that thingy."
Ininom niya yung juice na hawak niya tsaka nag salita. "Kung ako yang nasa sitwasyon mo, I'll give Giann a chance. Thats the only thing na maging malaya naman ako at sumaya sa iba."
Napaisip ako sa sagot ni Ally. Siguro nga tama sila. Bakit ba kasi parang nag dadalawang isip akong bigyan ng chance si Giann? Sa katunayan nga pedeng pede naman talaga. Dahil kahit mahal ko si Murvyn eh wala naman akong pag asa. 2 years, for 2 years ko na din siyang hinahantay na mapansin ako. Nakapag confess na din ako sa kanya. Wala namang epekto diba?
Naawa tuloy ako bigla kay Giann. Ang tagal niya na kasi akong gusto. Mahal na nga. Pero kahit iparamdam niya sakin na mahal niya ako hindi ko man lang maramdaman. Bakit ba ganon? Masyado ko ng kinukulong ang sarili ko kay Murvyn. Hindi ko man lang naramdaman na pinaparamdam na sakin ni Giann na gusto niya ako. Na mahal niya ako. Ang dami ng signs na binigay sakin ni Giann. Hindi lang lima, madami na.
Kung pano siy mag alala sakin sa tuwing nasasaktan ako. Pag nasusugatan ako. Kung pano niya ako ihatid sundo para lang maging safe ako. Kung pano niya akong alagaan. Kung paano siya mainis sa tuwing nag susuot ako ng kapos telang damit o short. Para ngang boyfriend ko na siya eh. Pero hindi ko yun namalayan. Dahil si Murvyn yung pinag tutuunan ko ng pansin.
Si Murvyn yung lagi kong naisip. Hindi man lang ako tumingin sa ibang lalaki kundi kay Murvyn lang. Wala akong pake sa ibang lalaki kundi kay Murvyn lang.
Awang awa na ako sa sarili ko at kay Giann. Maybe its time to choose between Giann and Murvyn. Kailangan kong piliin kung sino sa kanila ang mamahalin ako-- mali pala. Mahal na nga pala ako ni Giann. Tama na. Lagi ko nalang isinasama si Murvyn dito. Ayaw ko na. Pagod na din naman ako.
Alam kong wala na akong pag asa kay Murvyn, hindi man lang siya mag salita o mag paramdam sakin na tigilan ko na siya. Hindi ko na alam. Bahala na.
__
a/n: Murvyn o Giann?
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...