Kristelle's POV
"In all fairness huh? Antaray mo friend!" Natawa ako kay Ally. Pano naman kasi kung ano ano yung sinasabi. Hindi daw siya nakapag salita nung nag away kami ni Marielle dun sa soccer field. Hindi talaga sila makakapag salita, dahil sagutan lang namin ni Marielle ang mangyayari.
Sasakit lang ang pisngi niya pag hindi niya ako pinatahimik. Mabait ako sa mabait sakin. Ibahin mo ako sa masama sakin.
"So, whats your next plan?"
Napaisip ako sa tanong ni Ally. Whats my next plan nga naman? Eh wala naman talaga akong plano. Im just thinking na maasar si Marielle. Nakakatawa kasi yung itsura niya pag galit na galit. Pero may gusto akong mangyari, for sure.. mas lalong maiinis si Marielle dun.
"Wala. I dont have my plan. Bahala na ang oras at ang future kung ano ang mangyayari." Sagot ko sa kanya. Tumango tango lang siya tsaka biglang humawak sa tiyan.
"Gutom na ako Kristelle. Tara mag ice cream?"
Ice cream? Gutom? Anong trip neto? Abnormal talaga tong si Allison Cruz eh. Gutom tapos ice cream? Wait! Something reminds me when i heard that.. Ice cream. Sabi nila, pang pagaan daw yun ng loob ah? Tsaka napansin ko lang, bakit parang ang hilig ni Ally sa ice cream eh minsan nga lang yun kumain ng ice cream.
"Spill it." Utos ko sa kanya. I know na may problema siya. Hindi niya lang masabi. Pero kung private, okay. I understand. Hindi porket bestfriends kami ay lagi nalang kaming mag sasabihan kahit pribadong sikreto. Minsan kasi, may mga bagay talaga na sarili mo lang yung nakaka alam.
"Yun na nga eh, ang sakit kasi nito." Sabi niya tapos nakahawak siya sa dibdib niya. Dun sa may puso. "Nakakainis si Andrei." Drama niya.
"Whats with Andrei?" Tanong ko sa kanya. "Girlfriend." Tipid na sagot ni Ally. "Dont tell me--" naputol ang sasabihin ko dahil nag salita agad siya. "Oo Kristelle, gusto ko si Andrei. Ay hindi- mahal ko na pala siya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Parang kailan lang nag lolokohan lang kami na fafabels niya yun tapos seryoso to. As in, umiiyak na siya ngayon. Nahulog na nga talaga. Paasa din tong si Andrei eh. Mag papakita ng sweet gestures kay Ally tapos mag kaka girlfriend naman pala. Kakausapin ko nalang nga yun. Tsk.
"Akala ko hindi ako mahuhulog, kasi alam kong ganyan yung mga lalaki eh. Sa una lang magaling. Mga paasa sila." Niyakap ko si Ally. Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno. Yung tambayan namin. Palagi kaming natambay sa ilalim ng puno. Masarap kasi tong pag tambayan. Malilom. Bukod dun, madaming tao sa ibang lugar. Atleast dito tahimik. Back to reality, yakap yakap ko pa din siya.
"Ang sakit sakit Kristelle. Sana hindi ko nalang siya nakilala." Hinarap ko siya sakin tapos pinunasan ko yung luha niya. "Wag kang umiyak, wag mo siyang iyakan. Who knows bitawan niya din yang babaeng yan, diba?" Pag comfort ko sa kanya.
"Hindi Kristelle. Sa tingin ko ayaw niya na sakin, bakit hindi niya ako pinansin kanina kung gusto niya ako diba? Bakit?" Kahit nag da drama siya kinakausap ko pa din siya.
"Think possitive Ally. Everything will be okay. Not now, but soon." Tinapik ko siya bigla niyang pinunasan yung luha niya tapos hinampas ako. "Ang drama ko na!" Bigla siyang tumawa kaya tumawa nalang din ako. Tumayo ako nung makita kong time na. May klase pa kami. Values. May dalawa pa kaming subject pagkatapos nito. Ang boring kaya ng Values. Pakiramdam ko kasi para lang kaming nasa simbahan pag values ang subject namin.
"Time na." Sabi ko sa kanya. Pag akyat namin ay umupo na kami sa upuan namin. Napansin ko lang wala pa si Giann. Hindi ko na yun masyado nakakasama eh.
"Hi Kristelle." Speaking of, umupo siya sa tabi ko tsaka nilagay ang bag sa lamesa. "Hello." Bati ko sa kanya. "Anong pinag kaka abalahan mo, minsan nalang tayo mag kasama ah?" Napatingin ako lalo sa kanya. Buti pansin niya!
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...