Napairap ako kay Giann na ngayon ay katabi ko sa tent. Bakit kasi ganito yang lalaking yan? Ang likot matulog -__-
"Giann?"
"Oh?"
Tignan mo tong lalaking to! Hindi pa naman pala tulog eh! Bakit naman ganito yan maka git git?!
"Giann, isod." Utos ko sa kanya dahilan para humarap siya sakin at manglaki ang mata ko dahil mag kalapit na mag kalapit ang muka namin. "Beautiful." Lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napalunok nalang. Anong trip na naman to?
Bigla siyang tumawa tapos nilagyan ng unan ang tabi niya. May naka harang na samin ngayon. "I know na hindi ka sanay." Sabi niya at tumalikod na sakin. Namula nalang ako sa kahihiyan dito. Ang init dito. Grabe.
Lumabas ako ng tent tapos napatingin ako sa mga tent ng iba kong ka grupo. Ang lamig na. Mukang tulog na silang lahat. "Kristelle." Napatingin ako kay Murvyn na papalapit sakin ngayon. Tinignan ko ang relo sa kamay ko. 10:00 PM na din pala.
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at papasok na sana ng tent nung bigla ulit siyang humarap. "Matulog kana." Utos niya sakin.
Totoo ba to o baka nananaginip lang ako. Kelan niya pa inutos na matulog ako? Diba yung mga ganon pang mag syota at mga family lang? Tss. Ewan. Ang labo din kasi nito paminsan minsan eh.
"Kristelle." Napatingin na naman ako sa kanya nung tinawag niya ako. Hindi pa din nag babago yung itsura niya. Gwapo pa din siya. Napatingin ako sa mata niya. Muka siyang seryoso. Parang kay Marielle, seryoso din siya. Fck this feelings. Ayaw man lang kumawala sa puso ko. Bakit si Marielle? Bakit hindi ako? Gusto kong iparamdam sa kanya yung sakit. Ang sakit Murvyn, umasa ako. Ang tagal kong umasa.
"Hmm?" Mag sasalita palang sana siya nung biglang hinila ako ni Giann papasok sa tent.
"Gia--"
"Jan ka lang." Seryoso niyang sabi tapos lumabas ng tent namin. Humiga nalang ako at nag talukbong ng kumot. Kung hindi kaya dumating si Giann, ano kayang sasabihin sakin ni Murvyn? Kung hindi kaya dumating si Giann masasabi ko ba sa kanya yung gusto kong sabihin?
Nag tulugtulugan ako nung maramdam ko ang pag pasok ni Giann sa tent tsaka humiga tapos ay nanahimik. Bahala na siya. Matutulog nalang ako dito..
--
"Campers! This is our hall.." nilibot namin ang buong hall na kahapon ay pinuntahan namin. Maunti lang kami at solo namin ngayon ang buong hall. As in kaming school lang. Etong nag sasalita ay ang assigned teacher na mag to tour dito sa place na pinuntahan namin. Sa Amadeo tong place na to.
Pag katapos namin dun ay nilibot niya naman kami sa swimming pool na katabi lang nung hall nila. Dalawa yung pool na meron sila, isang maliit na mababaw at isang malaki na malalim.
Sunod naming pinuntahan yung big maze. Pumasok nga ulit kami sa loob nito at madali lang kaming nakaalis. For sure ay kabisado ito nung assigned teacher samin.
Pag katapos sa maze ay tinuro niya ang 5D which is nasa tapat lang ng place namin. Umikot ikot pa kami, at nakita ko ang gusto kong makita. Zipline, wall climbing at rapel ba yun o repel? Basta ewan.
Nakita kong madaming tao na din sa part na yun. Iisang building lang kasi kaya medyo crowded. Napatingin ako kay Giann na umupo sa tabi ko. I dinidiscuss kasi ngayon yung mga gusto mong style if nag rapel ka. Napairit yung mga babae sa likod namin nung nag mala butiki yung lalaking naka pulupot sa rapel. Nakakatakot naman nga. Ang taas ba naman nun tapos gaganon ka? Duh!
Matapos dun ay dumeretso na kami sa unang activity na gagawin namin. Hindi daw kami pede sa pool dahil hindi naman daw yun kasali. Yung maze naman daw, hindi na daw. Kung gusto, mag laro pero not now.
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...