Kyrie's POV
Maaga palang, nakapasok na ako sa school. Umupo ako sa ilalim ng puno at sinubukang matulog pero letse. Hindi ako makatulog. Bahala na.
"*sob* Kaya ko to, magagawa ko to. *sob*" napatingin ako sa nag salita. Nagulat ako nung nakita ko si Chloe.
Naiyak siya. Bakit siya naiyak? Eh amazona nga yan? Tss. Labo! Bahala na. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Inabot ko yung panyo ko.
"Kyrie?" Gulat niyang sabi sa pangalan ko. "Oo, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya tapos kinuha yung panyo ko tsaka pinang punas sa luha niya.
"Wala to." Sabi niya sabay alis. Tss. Labo talaga ng mga babae. Naiyak tapos wala lang? Ano yun gaguhan? Yung tipong trip lang umiyak? Labo!
Umalis ako dun sa kinatatayuan ko at dumeretso sa room, first subject ang boring agad. Values? Psh.
"Goodmorning class." Nakatingin lang ako sa teacher ko na nag sasalita. Matapos niyang bumati ay nag discuss na siya pero hindi ako nakikinig. Ang boring naman kasi talaga dito.
Pag katapos ng subject niya ay pumunta naman ako sa iba pang subject hanggang sa, last subject. Ang bilis lang ng oras, kanina first subject palang.. ngayon last subject na.
Parang kami lang ni Mica, parang kanina lang nasakin pa siya. Ngayon, nasa iba na. Habang nag lalakad ako sa hallway ay napatingin ako sa dalawang aso't pusa nag nag haharutan sa hagdan.
Si Mica at si Matthew. Tsk. Ka bwisit tong mga to. Sa lahat ng pedeng pag landian dito pa. Bakit nga ba pinatulan ni Mica to? Eh bawal nga siya mag boyfriend. Tss.
"I said stop Matthew!" Napahinto ako at napatago sa likod nila. Akala ko nag lalandian, nag aaway pala. LQ ata. Psh.
"Bakit ba? Diba sabi mo you like me?" Laki ng ulo neto. Oo gusto nga siya, pero ano naman?
"Yes, i like you. But i dont love you and hindi pa ako pede!" Naiiyak na sabi ni Mica. "What?! Then, lets have a secret relationship."
Nanlaki ang mata ko. Ganyan ba? Makikipag pilitan ka sa isang taong alam mo namang hindi pwede? Nag pakita ako sa kanila. Hinila ako si Mica papalayo kay Matthew. "Hey! Bro!" Hindi ko siya pinansin.
Dinala ko si Mica sa may bench tapos pinunasan ko yung luha niya. "Shhhhh." Pag papatahan ko sa kanya.
"You dont have to love him back if he loves you." Napahinto siya sa pag iyak tapos tumingin sakin. "Bakit ganon Kyrie?"
"Hmm?"
"Bakit? Mapipilit sila, hindi man lang nila naisip na hindi naman dapat yun minamadali."
"Hindi nga, try to ask him why?"
Takte! Yan lang ang gagawin mo Kyrie? Shit! Im on the way to hug her when i heard someone yelling.
"HINDI MO BA SIYA NARINIG?! UMALIS KANA!"
Napatingin ako sa sinisigawan nung babae. Nakita ko si Chloe. Bakit ganon? Bakit niya sinigawan si Chloe? Napatayo ako pero nagulat ako nung tawagin ako ni Mica.
"Kyrie." Nakahawak pa siya sa kamay ko ngayon. Sino? Sino sa dalawa? Shit! Bakit ko ba tutulungan si Chloe? Ano namang pake ko diba? Kahit nga kaibigan ay hindi kami ganun.
Napatingin ako kay Chloe. Iyak siya ng iyak. Shit! Ako yung nasasaktan sa nakikita ko. Bakit ako masasaktan? Hindi ko naman siya gusto? Malamang ayaw ko lang makakita ng babaeng nihihirapan, oo yun. Yun na nga yun.
Umupo nalang ako sa tabi ni Mica pero hindi ko mapigilang tumingin kay Chloe. Hanggang ngayon nag mamakaawa padin siya sa dalawang tao na nasa harap niya.
Tumingin ako kay Chloe. Hindi ko na kaya to. "Chloe." Tumingin siya sakin. "Hmm?"
"Sorry, i need to go somewhere." Sabi ko at tuluyan ng umalis ng hindi siya tinitignan. Alam kong pag tinignan ko siya, hindi na ako makakatuloy sa pupuntahan ko.
Nasa likod ako ng dalawang hayop na to. Mga hayop sila. Hindi man lang ba nila isipin yung nararamdam ng iba? Puro nararandaman nalang nila.
"Please... give me a second chance Chris." Pag mamakaawa ni Chloe. "No! She has a girlfriend Chloe, dont be a slut!" Sabi nitong maarte na to. Kanina pa to sigaw ng sigaw ha?
"No. Stop Chloe! Masaya na ako sa bago ko. Umalis kana. Iwan mo na kami." Sabi nitong Chris na to.
Lalong umiyak si Chloe, this time hindi na ako nakapag pigil. Dumaan ako sa gitna nung dalawang hayop na nanakit sa kanya dahilan para ma out of balance sila tapos tinayo ko si Chloe mula sa pag kakaluhod niya.
Hinila ko siya sa pinag tatambayan namin kanina. Umiyak na naman siya ng umiyak. Binabato niya yung bagay na nakuha niya sa tabi niya.
"Si Chris at yung babae, sino sila?" Tanong ko kay Chloe. "Sila yung taong.. nag taksil sakin." Sagot niya tapos umiyak na naman.
"Yung babae, siya si Tiana. She's my bestfriend for 2 years hanggang sa maging boyfriend ko si Chris..."
Tumango ako sign na nakikinig ako at i continue niya ang sasabihin niya. "Pinakilala ko sila sa isat isa. At first, akala ko okay lang. Pero nagulat ako isang araw, nakita ko sila. Mag kasama. Ang sakit eh. Ang sakit Kyrie. Ang sakit sakit." Umiyak na naman siya.
"Nung araw na nag kita tayo sa mall, yung mga sinabi ko sayo. Natamaan din ako. Yung kaibigan mo, susulutin pa yung taong gusto mo. Ang sakit Kyrie. Ang sakit sakit."
Pinunasan niya yung luha niya gamit yung panyo na binigay ko pero walang epekto. Tulo padin ng tulo yung luha niya.
And with that niyakap ko siya. Shit! Hindi ko alam pero may nag tulak sakin na gawin ang bagay na to. "Tahan na." Pag papatahimik ko sa kanya.
Mas nagulat ako nung niyakap niya ako pabalik tapos dun siya umiyak sa balikat ko. Maya-maya tumahan na siya. Napagod na din siguro sa pag iyak niya.
"Tama nga sila, pag niyakap ka ng isang tao.. pakiramdam mo sobrang comfort mo. Salamat Kyrie, salamat sa yakap."
*DUG.DUG.DUG.DUG*
Shit! Bumitaw ako sa pagkayakap sa kanya. Bakit kasi ganon yung sinabi niya? Nailang tuloy ako bigla. Pero kasalanan ko din eh.
Bakit ba niyakap ko pa?
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...