Kristelle's POV
Matapos kong makita si Murvyn sa corridor ay hindi ko na siya nakita. Napa upo nalang ako sa upuan sa harap ni Giann. Napag usapan kasi naming sabay na kaming umuwi.
Naisip ko lang, bakit ganom na yung inaakto ni Murvyn ngayon? Kelan lang ang sungit sungit niya pa sakin. Tapos ngayon ganun na? Maybe he need friend? Or he just realized that hindi pedeng buong taon niya akong pag initan at pag sungitan. Pero pakiramdam ko hindi parin kaibigan ang turing sakin ni Murvyn. Diba dapat close kayo kung mag kaibigan kayo? Eh bahala na. Basta yun na yun, kaibigan padin ang tingin ko sa kanya. Pero sa totoo lang, mahal ko na talaga siya.
Iba yung pakiramdam ng kasama ang kaibigan kesa sa taong minamahal ko. Parang si Giann at Murvyn lang. Si Giann wala lang sakin. I like him, as my boy bestfriend. While Murvyn, i want him. I like him. Not just a friend, but more than a friend.
Minsan naiisip ko, ano kaya kung sumuko nalang ako sa nararamdaman ko para kay Murvyn? Dahil nandun yung posibilidad na kahit gano ko siya mahalin. Iba pa din ang gugustuhin at mamahalin niya. Iba yung taong gusto niyang pakasalan at samahan sa araw araw. Sa kasamaang palad, hindi ako yun. Walang iba kundi si Marielle.
Ang sakit din palang isipin na sa kabila ng pag ka gusto ko kay Murvyn, masasaktan ako. Akala ko kasi wala lang. Wala lang na i just like him and thats it! Hindi ko alam na mamahalin ko pala siya to the point na halos durugin na yung puso ko nung malaman kong may iba siyang gusto.
"Finally! Its finish!" Napatigil ako sa pag iisip ko ng kung ano ano nung mag salita si Giann. Napatingin ako sa room. Wala na yung iba niyang ka officer. Siya nalang at yung secretary yung natitira dito. Ngumiti lang ako sa kanya at napatingin sa phone ko. Uuwi na din pala kami ni Giann. Uwian na eh. Good thing, nakatapos agad siya ng paper works. Taray pang may sariling office lang.
Pinauwi na ni Giann yung secretary niya tapos umalis na din kami ng room na yun. Habang nag lalakad kami ni Giann ay nag uusap kami sa kung ano anong mga bagay. Like, anong ginagawa namin if boring kami. Ganun ganun.
**
Buong biyahe namin ay nag uusap pa din kami. Hindi ko nga alam kung hindi ba nangangalay ang panga niya. Ang daldal kasi namin pareho eh. Pag dating namin sa bahay ay sinalubong agad ako ni Mom at ni Dad. Eh? Parang galing lang sa ibang bansa ah?
"Hello Giann." Bati ni Mom kay Giann. Si Dad naman, as usual. Tinapik lang sa braso si Giann.
Umupo na si Giann sa sofa ng bahay namin tsaka nakipag kwentuhan ay Kyrie. Dumeretso naman ako sa kusina kasama si Mom. "Anak, bukas na pala yung SAMC?" Napatingin ako kay Mom at inalala yung date ngayon. Oo nga, bukas na.
"Oo nga mom eh. 3 days din yun." Sabi ko tsaka kumuha ng makakain sa ref. Umupo ako sa ding table habang si mommy inaayos yung lulutuin niya mamaya.
"Hindi ka pa nag aayos. Maski ang mga kakainin mo ay hindi mo pa inaayos." Sabi ni Mom tsaka tumingin sakin. "Mag ayos kana." Utos ni Mom. Tumayo ako at inubos na yung kinain ko. Ano naman kayang snack yung dadalhin ko?
Binuksan ko yung cabinet na pinag lalagyan namin ng snacks pero pag minamalas ka nga naman, wala ng laman. "Mom." Tawag ko sa kanya. "Hmm?"
"Wala na pong snacks?"
"May nakita ka ba?"
"Sabi ko nga. Bakit hindi kayo namili?"
"Hindi naman namin namalayan. Akala ko nga madami pa eh. Kasi kain ng kain yang kapatid mo."
Napairap ako sa sinagot ni mom. Lintek talaga yun si Kyrie. Ang takaw takaw. Ang masama pa, ang takaw takaw nga hindi naman tumataba. Kainis eh.
"KYRIEEEEE!" tinawag ko siya ng malakas. Ganito yung gawain ko eh, ang sigawan siya para marindi. Good thing, effective naman. Umalis ako ng kusina at nag punta sa salas namin.
Nakita kong dumretso si Dad papunta sa Bedroom nila ni Mom. May aasikasuhin nanaman yun. Pero hindi ko na pinansin at tinignan ko si Kyrie ng masama. Tapos siya naman poker face ang muka. Amba to! May gana pang mag paka ganon? Siya na nga yung umubos ng snacks tapos mang gaganyan pa siya?!
"Bakit inubos mo yung snacks?" Hindi ko maiwasang ma pa pout at mapa padyak sa ginawa niya. Muka akong bata dito na hindi binilhan ng gusto niyang bilhin.
"Pabebe nito, paki mo ba?"
"Hoy hindi ako pabebe! Pake ko? Syempre kailangan ko nun bukas eh. Kainis to."
"Edi bumili ka."
"Bakit ako? Diba dapat ikaw? Ikaw yung umubos eh."
"Eh ano kung ako yung umubos? Ako ba may kailangan nun bukas? Isa pa, hindi kaba mabubuhay ng walang snacks?"
"Hindi ba obvious?" -__- bwisit talaga to. Arghh! Ang sarap niyang sapakin eh.
*Ehem*
Napatingin kami kay Giann na naka upo ngayon sa salas. "Pede ko namang samahan si Kristelle, kailangan ko din ng snacks eh." Napangiti ako sa suggestion na sinabi ni Giann. Ohmy! Ang bait bait talaga ni Giann. ^__^
"Sige. Isama mo. Ibalik mo yan ha?" Napakunot ang noo ko nung makita ko si Kyrie. Kanina lang inis na inis. Ngayon nakangiti. May period ba to? Daig pa babae sa bilis mag palit ng mood eh.
"Sure, tara Kristelle?" Napatingin ako sa suot ko. Suot ko pa din ang uniform ko. Ang uniform ng Saint Luke Academy. (SLA)
"Ahm.. pedeng mag bihis muna ako?"
"Sure. No problem."Umakyat na agad ako sa kwarto ko at nag madaling mag bihis, nag dala na din ako ng extra money. Pag katapos kong mag bihis ay dumeretso na ako sa Living Room. I wearing simple plain black T-shirt and shorts. Then black vans shoes for my foot wear. Okay na siguro to.
"Tara na?" Napatingin ako kay Giann na nakatingin sa suot ko. "Tara." Sabi niya at umalis na kami dun. Pag dating namin sa labas ay napatingin ako kay Giann na nakatingin padin sa suot ko.
"Hindi mo ba papalitan yang shorts mo?" Tanong niya sakin. Napatingin ako sa suot ko. Anong meron kung naka shorts ako?
"Hindi na. Okay lang to. Tara na." Sagot ko at hinila siya papunta sa kotse. Sumakay na agad ako dun peri siya hindi pa din sumasakay.
Binuksan ko yung bintana nung kotse niya tapos sinilip siya. "Ano, hindi ka pa sasakay?" Irita kong sabi. Napabuntong hininga naman siya tapos walang nagawa kundi sumakay na din.
Habang nakasakay na siya ay sinarado ko na ang bintana ng kotse ko pero hindi niya padin pinapaandar yung kotse niya. Pinatay niya pa nga ang makina.
"Hey! Whats your problem? Bat pinatay mo yung makina?" Tanong ko sa kanya. "Mag palit ka muna ng short mo. Pede namang pants diba?" Napairap ako sa suggestion niya.
"Okay na to, Giann. Wala namang lamok sa Save more diba?"
"Pero masyadong maikli."
"Maikli ba to? Eh halos umabot na nga ng tuhod eh."
"Just change it."
"Okay, pag hindi mo pa pinaandar yung kotse hindi na ako sasama sayo." Panakot ko sa kanya. Napabuntong hinimga naman siya at napatingin sakin. "Fine."
Pagkatapos nun ay pinaandar niya na yung kotse. Good thing. Wala naman kasing problema sa suot ko eh. Ano namang meron sa suot kong short diba?
Pag baba namin ay hinubad ni Giann ang jacket na suot niya. "Mainit ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya tapos lumapit siya sakin.
Mula sa likod, pinulupot niya yung jacket na hinubad niya sa bewang ko. Muka tuloy na niyakap niya ako. Napalunok nalang ako sa ginawa niya.
Dederetso na sana ako sa loob pero nakita ko si Murvyn. Nakatingin siya samin pero nag iwas siya ng tingin. Tapos sinipa niya yung basurahan na nasa harap niya.
Seriously? Anong problema ng mga tao ngayon?
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...