TSBM 28: Kiss

658 21 1
                                    

Kristelle's point of  view.

Nag lalakad lakad kami ni Ally papunta sa soccer field. Paboritong tambayan naming dalawa. Kung papapiliin talaga ako mas gusto kong tumambay sa tambayan namin ni Giann o kaya naman sa likod ng building. Hindi lang ako makatambay sa likod ng building dahil ang daming tao na don. Tapos baka makita ko lang si Giann sa tambayan namin.

Sa totoo lang kasi, iniiwasan ko na si Giann. Naiilang ako pag nakikita ko siya. Pakiramdam ko kasi ibang iba yung tingin niya sakin. I think more than friends talaga yung gusto niya. Pero hindi naman ako pedeng mag salita ng basta basta kailangan ko din siyang kausapin sa bagay na yon. Hindi naman pedeng buong school year ay iiwasan ko siya. Hello?! September palang ngayon! Ilang buwan pa ang kailangan namin para sa march at gumraduate?

"Pero alam mo, siguro kailangan mo din i confirm yang feelings mo kay Murvyn." Napatingin ako kay Ally tapos sa mga nag sa soccer.

May point naman dun si Ally. I need to confirm my feelings kay Murvyn. Yes. Alam ko naman na mahal ko talaga siya eh. Pero kaya ko bang kalimutan siya? Haaay. Gulong gulo na ako. Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong gawin eh.

Bibigyan ko ba ng chance si Giann o mag papakulong lang ako kay Murvyn? Siguro para sa ib madali lang to. Pero hindi naman sila yung nasa sitwsyon ko. Maiintindihan din nila to pag sila na yung mismong nag kaganito.

Kung pede lang  sanang mamili ng basta basta pipiliin ko talaga si Murvyn. I love him. Susuko pa ba ako? Hindi na ako susuko pa sa kanya. Kung kelan hindi na siya suplado at snobber sakin tsaka ko pa ba susukuan? Pero hindi eh. Ilang araw ko na ba tong pinag iisipan? Gulong gulo na ako. Kung hindi ako makakasakit ng damdamin ng iba edi si Murvyn ang pipiliin ko.

Lets go back to reality. Kahit piliin ko si Murvyn, dalawa yung masasaktan ko. Si Giann at ang sarili ko. Bakit ba ako napili ng taong alam ko namang hindi ako kayang mahalin pabalik? Nanjan naman si Giann eh. Sigurado na akong mahal niya na ako. Hindi ko na kailangang mag pakahirap pa sa kanya. Pero hindi! Ang gulo ko, oo na! Magulong magulo na din ang isip ko.

Bakit hindi mo nalang kasi pag bigyan si Giann?

Why dont you give Giann a chance. Come to think of it. Giann is the man of your dreams!

Giann?

Almost perfect.

Matalino. Mabait. Gentleman. Gwapo. Mayaman. Maasahan. Masipag. Malambing. Maalaga. Matiyaga. Basta. Giann is almost perfect. Nag kakamali siya pero naitatama niya yung mga mali niya. Para nga sakin perfect na siya. Ano pa bang hahanapim mo sa Giann Peñaflorida na yan?

Pero isa lang kasi yung ayaw ko eh, mag mahal ng sapilitan. Diba parang ang sama ko naman kung mapipilitan lang ako? Ang sama sama ko naman siguro. Baka mas lalo ko lang siyang masaktan.

"Hindi ba masama yun?" Tanong ko sa kanya.

"Alin yun?"

"Yung mamahalin ko siya ng sapilitan?--Awww!"

Guess what? Binatukan niya ako. "Para san yun?!" Inis kong tanong. "Matalino ka sa academics bobo ka naman sa love!"

Ang hard niya sakin ah? Bestfriend niya ba talaga ako? Parang hindi niya ako bestfriend eh! Ano bang problema niya sakin? Pake niya ba kung bobo ako sa love? Eh sa first time may mag confess sakin? Duh!

"Alam mo Kristelle, matututunan naman yang love na yan. Isa pa, bakit masama? Eh si Giann na nga yung mismong nag confess sayo para malaman mo na handa siyang mag hintay o kaya naman baguhin yang nasa puso mo, diba? Tsk. Jan ka na nga. Ayan na oh! Speaking of."

Nanlaki ang mata ko dahil papalapit na dito si Giann tapos tinakbuhan ako ni Ally. Aalis na sana ako pero bigla akong hinawakan ni Gianm sa wrist ko.

Kinabahan ako ng sobra. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Pano ko sasabihim yung dapat kong sabihin kung hindi pa ako handa?

"Kristelle.." tinawag niya ako at hinarap niya ako sa kanya pero hindi ako tumitingin sa kanya. Hinawakan niya yung ilalim ng baba ko tsaka tinunghay ako. Hawak niya padin yung kanang kamay ko gamit yung kaliwang kamay niya.

"Alam kong iniiwasan mo ako." Umiling ako sa kanya. Baka masaktan ko lang siya pag inamin kong oo. Pero bahala na. Mag papakatotoo nalang ako sa kanya.

"Sorry Giann, hindi ko kasi alam yung sasabihin ko sayo. Hindi ko alam kung ano ba yung mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matuwa ba ako? Kung malungkot o kung ano man. Litong lito na ako--" hindi niya pinatapos yung sasabihin ko. Niyakap niya agad ako. Nakapatong yung baba niya sa balikat ko. Ang higpit ng pagkakayakap niya sakin.

"Shhhhh. Hayaan mong yakapim kita ng ganito." Hindi padin siya bumibitaw sa pagkakayakap niya sakin.

"Sa totoo lang, nasasaktan ako. Mahal na mahal kita Kristelle. Pero ang sakit, hindi ko alam kung ano yung pagkukulang ko." Niyakap ko siya pabalik. Ramdam na ramdam ko yung sakit na pinapadama niya.

"Gusto kong dumating yung araw, ako naman yung nanjan.. sa puso at isip mo. Oo alam ko, mahirap nga yun. Ang hirap palitan ni Murvyn jan sa puso mo. Sobra. Hayaan mo, mag hahantay ako Kristelle. Hihintayin kita. Hihintayin ko yung araw na kaya mo na akong mahalin. Sa ngayon, sana bigyan mo ako ng pagkakataon na subukang mapalitan ng pwesto si Murvyn jan."

Humigpit lalo yung pagkakayakap niya. Ramdam kong basa na yung balikat ko. Umiiyak na siya. Dahilan para mapaiyak nalang din ako.

"Sorry Giann, sorry kung nasasaktan kita. Hindi ko gustong saktan ka. Sana hayaan mo akong pag desisyunan to. Sana bigyan mo ako kahit isang araw lang para pag isipan to."

Bumitaw siya sa pag kakayakap niya at ganon din ako. Basa na yung muka niya. Iyak siya ng iyak. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Pag bibigyan kita Kristelle."

"Salamat."

"Saranghae, Mahal kita Kristelle. I love you."

And with that, he kissed me.. on my forehead and walk away.

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon