Kristelle's POV.
"Kristelle, sure ka?" Kumunot ang noo ko sa sinabi--tinanong pala ni Giann. Hanggang CR ba naman naninigurado siya kung papayag ako mag-isa? Natawa tuloy ako sa kanya. "Anong gusto mo Giann,sumama ka sa CR?" Inis kong tanong sa kanya. "What?! No! Pede naman kitang pasamahan sa iba nating classmates eh!" Nag papanic niyang sagot. Tawa tuloy ako ng tawa.
"No need. We're not that close. Ahm-- I can handle my self Giann. Hindi na ako bata para diyan." Sabi ko and gave him my sweet smile. "Fine. Bilisan mo, sabay tayong mag la lunch. Okay?" Sabi niya. Tumango lang ako tsaka umalis na papunta sa loob ng CR. Limang lakad nalang nasa CR na ako pero ayaw niya pa din akong pag isahin. Ang labo niya.
Nag tataka ako sa inaasal ni Giann simula kahapon pagka tapos ko siyang makasalubong. May pupuntahan daw siya tapos pag katapos nung pupuntahan niya bigla niya akong hinanap. Hindi niya na ako nun hinayaang mag isa. Yung ginagawa niya sa student council pinasa niya sa secretary niya. Hanggang ngayon ganyan pa din si Giann.
Pag tapos kong mag CR nakita ko siyang may kausap sa phone kaya hindi muna ako lumapit sa kanya. Konting layo lang.
"Ngayon na ba yan?...Sige....Oo papunta na ako...ngayon na..bye."
Pumunta ako sa pwesto na pinag tatayuan niya. "Okay na." Sabi ko. Tumingin siya sakin saglit. "I need to go sa office. May meeting kami ngayon eh. Sama ka?" Hanggang sa office ba naman nila isasama niya ako? Baka mag muka naman ako dung chismosa. Tsaka office nila yun. Officer lang dapat yung kasama sa meeting meeting nila.
Umiling agad ako sa kanya. "Hindi na Giann. I can handle my self. Sabi ko naman sayo kanina, hindi na ako bata. Kayang kaya ko na mag isa." Sabi ko tsaka tumawa. Laugh that saying 'okay lang ako oh! Kayang kaya ko.' Huminga siya ng malalim tsaka ngumiti. "Sige, basta tawagan mo ako kapag may kailangan ka." Tumango lang ulit ako sa kanya. "Aalis na ako." Sabi niya tsaka nag lakad pataas.
Umalis na din ako dun. Meron pa akong isang oras at sampung minuto. Tagalog na tagalog, eh? So kamusta naman ako diba? Anong gagawin ko sa ganong kahabang oras? Hindi ko pa naman nadala yung laptop ko. Ayaw ko naman i lowbatt yung phone ko. Mamaya mag karon ng emergency eh hindi nila ako makontact. Kumain nalang kaya ako? Ay wait! Sabi pala ni Giann sabay kaming mag lunch. Itetext ko muna siya. For sure wala pa siya sa office nila.
To: Giann
Giann sabay pa ba tayo mag la lunch?
Binulsa ko ulit ang phone ko at nag lakad. Naisipan kong pumunta sa tambayan namin ni Ally. How I miss her. Bakit nga ba kasi lumayo sakin si Ally? Hays. Sana mapag-usapan naman namin to ni Ally. Bahala na, i tetext ko nalang siya.
Kukunin ko palang sana yung phone ko pero nag vibrate na agad siya. Baka si Giann na yung nag reply. Tinignan ko yung phone ko at nagulat ako nung si Ally yung nag text sakin. Mag babati na kaya kami?
From: Ally
Mag usap tayo ngayon sa cafe. Hinahantay kita
Nag vibrate ulit yung phone ko kaya napatingin naman ako sa bagong message.
From: Giann
Oo, hintayin mo nalang ako sa tambayan natin. 20 minutes daw to. Okay lang?
--
To: Giann
Sige.. hintayin nalang kita.
And.. sent! Nag madali akong pumunta sa cafe expecting na makikita ko si Ally na masaya. Nakangiti at bibigyan ako ng warm hug. Olaf! Pero hindi. Pag dating ko sa cafe ang cold ng muka niya. Hindi ko mabasa yung iniisip niya. Tinignan ko siya sa mata pero hindi ko pa din malaman kung ano bang merong expression siya.
"Ally?" Napatingin siya sakin. Binigyan ko agad siya ng mahigpit na yakap. Wala na akong pake sa tao sa paligid ko. Nasa dulo naman kami ng table eh. "Ally.. I-I miss you." Na iiyak kong sabi at boom! Bumagsak na ng tuluyan yung luha ko.
"Bakit mo ba ako iniiwasan? Ally, ang hirap ng ganito. Wag ka namang selfish oh. Pag hatian natin yung problema mo. Baka naman makatulong ako." Sabi ko sa kanya. Humigpit ng humigpit yung yakap ko sa kanya. Pero hindi niya man lang ako niyakap pabalik.
Umupo ako nung umupo din siya. Nakatingin lang siya sakin ngayon. "Ally kausapin mo naman ako." Sabi ko at patuloy padin ang pag bagsak ng luha ko.
"Si Andrei." Napatingin ako sa kanya nung nag salita siya. "Ginawa ko lang siyang panakip sa nararamdaman ko." Sabi niya pa. May lungkot na ngayon sa mata niya. Konting galaw na lang babagsak na yung luha niya.
"Hindi naman talaga si Andrei ang gusto ko eh. Si Murvyn." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya sakin. Si M-murvyn? Bakit? Kumirot bigla yung puso ko sa sinabi niya. Ang sakit. All this time si Murvyn pala yung gusto niya? Ano ako dito? Muka akong naki agaw sa bestfriend ko. Ang sakit pala ng ganito. Hindi ko alam na si Murvyn ang gusto niya.
"B-bakit hin-di mo si-nabi sakin, Ally?" Sabi ko habang pinupunasan yung luha ko. "Pano ko masasabi sayo Kristelle?! Kung una palang ikaw na yung may gusto kay Murvyn! Pano ko masasabi sayo kung inunahan mo ako?" Lalong sumakit yung nararamdaman ko nung binitawan niya yung mga salitang yon.
"Pinilit kong kalimutan siya Kristelle. Hanggang sa nakilala ko si Giann. Close kayo, pero si Murvyn naman yung gusto mo. Tama?" Tumango lang ako sa kanya. Bakit ganon siya? Bakit? "Pero nung nag simula akong mahulog kay Giann. Niligawan ka naman niya. Ano bang problem Kristelle? Lahat ba ng gusto ko aagawin mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kasabay ng pagpatak ng luha ko.
"Hindi ko ginusto to Ally. Hindi ko naman alam na gusto mo pala si- G-Giann." Sumasakit ang ulo ko sa sinabi niya. "Hindi mo alam kasi hindi mo naman inaalam! Wala kang pake sa nararamdaman ng iba. Ikaw ang selfish satin Kristelle! Can you blame me? Can you blame na gusto ko si Giann pero ikaw ang gusto niya? Ang selfish mo para hindi alamin ang nararamdaman ng iba." Sabi niya dahilan para unti unti na naman bumagsak ang luha ko. Basang basa na yung blouse na suot ko. Ang sakit. Hanggang ngayon pala gusto ni Ally si Giann. Ang sakit sakit.
"Sorry Ally. Hindi ko alam." Yan nalang ang nasabi ko sa dami ng sinabi niya. Hindi ko alam yung gagawin ko. Hindi ko alam yung sasabihin ko sa kanya. Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko man lang inalam kung sino talaga ang gusto niya. Hindi ko man lang alam na si Murvyn yung gusto niya. At ngayon naman si Giann. Anong gagawin ko? Kung alam ko lang sana una palang umiwas na ako kay Murvyn at hindi ki na binigyan ng chance si Giann.
"I think this friendship will never work any longer." Napatingin ako sa kanya. Sinasabing wag ituloy ang sunod niyang sasabihin. Ayaw kong marinig yung sasabihin niya. Maayos naman yun diba? Hindi naman pedeng ganito lang. Hindi naman pedeng ako lang yung lalaban sa friendship na to. Hindi naman pedeng dahil sa lalaki tatapusin na namin ang friendship na to.
"Lets end this conversation, Kristelle. Lets end this friendship." Umiling ako sa kanya at iyak ako ng iyak. Tatanggi palang sana ako pero umalis na siya at iniwan ako sa cafe na yun. Umalis na siya na hindi man lang pinapakinggan ang sasabihin ko.
Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Pano ako aasa sa pangakong binitawan niya? Siya na mismo ang nag wasak ng pangakong binitawan niya.
"Hindi ako susuko sa friendship natin kahit anong mangyari Kristelle, ikaw lang ang bestftiend ko. Wala ng iba. You're my bestfriend. My other half. My best buddy. My best twin sister!"
Pano? Pano na yung best friend ko? Yung other half ko? Yung best buddy ko? Yung best twin sister ko? Wala na ba talaga? Wala na ba talaga yung friendship na matagal ko ng pinang hahawakan? Wala na ba? Tapos na ba talaga? Tapos na?
--
Authors note:
HATERS GONNA HATE! HATE! HATE! HATE! HATE! HATE! HATE! HATE! HATE! HATE! FREE KAYO, KUNG AYAW NIYO NG STORY KO. THEN, REMOVE IT! 😘
P.S: Napadami ata yung hate? 😂😂✌
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Fiksi RemajaNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...