TSBM 44: Half sisters

558 16 0
                                    

Kristelle's point of view.

"Sigurado kaba talaga sa gagawin mo Kristelle?" Napatingin ako kay Ally na mukang takot na takot. Whatever. Nakalimutan ko, half sisters nga pala sila.

"Oo, kakausapin lang naman natin. Anong masama dun?" Tanong ko. Sinabi ko kasi na kakausapin lang namin si Marielle about sa pakana niya. Pero alam kong hindi siya matitinag sa simpleng salita lang. Sa simpleng usapan lang.

She's so desperate that she wants to kill someone just for her to be with Murvyn. "Tara na." Sabi ko at hinila siya. Dismissal na at baka hindi pa namin maabutan yung Marielle na yun. "Wait lang." Napatingin ako sa kanyang huminto sa pag papanic. She let out a deep sigh and hold my hand.

"Sorry Kristelle. But, ako nalang ang kakausap sa kanya. Im her half sister. Hayaan mong ako ang mag ayos ng problemang ginuko ng... ate ko." Sabi niya at tatalikod na sana sakin pero hinarap ko siya sakin. I gave her my sweet smile and nodded. "Sure." Sabi ko at hinila na siya paalis ng campus.

Ally's point of view.

Umuwi ako ng bahay at nag pahinga muna saglit. Kailangan kong ayusim yung gulong ginawa ng kapatid ko.

[Calling: Marielle]

[Hello?!]

Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko. Nakakabingi yung pag sigaw niya. Well, I know na alam niya na.. naayos na namin ang problema naming mag kakaibigan. Siya nalang ang kulang. Myghaad! 2 months nalang at christmas na. Ayaw niya pa ba ayusin yung problema nila ni Kristelle?

"Lets talk. Meet me at cafe near the hospital." Sabi ko at binabaan siya ng cellphone. Gusto ko lang maging maayos yung pamilya ko at ang mga taong nakapaligid sakin.

Pagod na din siguro ako sa pag aaway. Isa pa, tanggap ko naman na ako yung anak sa labas. Hindi na bale, basta buo naman kaming pamilya namin. Siguro mas mabuti kung tanggapin naming mag kapatid na mag kahati kami sa tatay. Na mag kahati kami sa atensyon.

"Anak." Napatingin ako kay Mom. She's wearing her sweet smile. "Our flight is on Monday. Pack your things up." Nahuluhan ako sa sinasabi niya. "Ano, Mom?" Tanong ko. Flight? Aalis kami?

"Aalis tayo. Pupunta tayo sa Korea for our own sake. Mas makakalayo tayo sa gulo ng pamilya natin." Mabilis akong umiling kay Mom. "No Mom, hindi natin tatakasan yung problema natin. We will fight for this. Kung ano man yung mangyari, well. Lets just accept it." Sabi ko at tinalikudan siya paalis ng bahay. Kailangan ko ng makausap si Marielle. Ayaw kong mag hiwalay si Mom at Dad.

"Ally!" Tawag sakin ni Mom pero hindi ko siya pinansin. "Ally?" Napatingin ako kay Dad na nasa harap ko ngayon. "May pupuntahan ako Dad, talk to Mom. Nag babalak siyang umalis ng bansa." Sabi ko at tinalikudan na din siya. Pumara ako ng taxi tapos ay nag madali akong pumasok sa cafe. Nakita ko sa dulong table si Marielle kaya umupo na din ako.

"Anong pag uusapan natin?" Tanong niya sakin using his sad voice. Bakit naman siya malulungkot? Tinignan ko siya sa mata muka siyang sincere pero kailangan ko pa din siyang makausap. "We need to fix this mess. Ayaw ko na ng gulo, hayaan mo nalang tanggapin natin ang isa't isa." Sabi ko at tumingin siya sakin. "Alam kong mahirap. Kayo naman yung tunay eh, pero hindi ko kakayanin pag walang mangyayati satin. Kahit baliktadin mo pa ang mundo, mag kapatid pa din naman tayo. Tanggapin na nating may kahati tayo sa atensyon." Sabi ko ulit sa kanya.

"Am I selfish? Na ayaw kong ipaubaya sa inyo si Dad? I know, wala na akong karapatan kay Dad. Nasa inyo siya eh. Sa inyo siya nauwi. Sa inyo siya natutulog. Ang swerte mo nga Ally eh, kahit anak ka lang sa labas halos nasayo na ang buong atensyon niya." Sabi niya sakin. Umiiyak na siya ngayon. Kahit ako napaiyak na din. "Hindi totoong nasakin lahat ng atensyon niya, alam mo bang simula nung araw na malaman kong mag kapatid tayo palagi ka niyang na ku-kwento sakin. Palagi ka niyang kinakamusta sakin. Siguro nga sakin na siya nawalan ng atensyon. Kasi lahat nalipat na sayo. Kaya siguro mas selfish ako, kahit samin siya natutulog, kumakain at umuuwi.. nasayo parin naman ang atensyon niya. Wala yun sakin, nasayo yun."

Napatingin siya sakin. Tingin na nagulat. Na naguluhan. "Totoo ba yan?" Tanong niya sakin. May naalaa ako bigla. Yung picture. Yung nakita kong picture sa drawer ni Dad. Nilabas ko yun sa bag ko. Simula nung nakita ko yun hindi ko na siya binitawan pa. Palagi lang nasa bag ko.

Inabot ko sa kanya yun tapos napatingin siya bigla sakin at lalo siyang umiyak. Umiyak na din ako ng tuluyan. Naiinggit kasi ako sa kanya eh. All these years, si Marielle padin. Si Marielle padin yung paboritong anak ni Dad. Ewan ko ba, akala ko nasakin lang ang atensyon niya.. nasa iba pala.

Kung ano yung inabot ko kay Marielle? Nakatingin padin siya dun. Picture niya nung bata. May sulat pa sa likod.

Marielle, Miss kana ni Daddy mo. Hindi mo alam na kahit nandito ako sa ibang bahay naiisip pa din kita. Siguro pag nalaman mong may kapatid ka matutuwa ka. Diba sabi mo sakin gusto mong mag karon ng kapatid? Pero hindi ko alam kung ganun padin ngayon. Nasa tamang pag iisip kana. Alam mo na ang tama at mali. Kaya siguro pag nalaman mong may kapatid ka, magalit ka kay Daddy mo. Magagalit laba sakin Anak? Miss kana ni Dad mo eh. Miss na miss. Pag nakita ulit kita, sana hindi kana galit sakin. Pag nakita ulit kita, sana yakapin mo ako kagaya ng ginagawa mo nung bata ka palang. I miss you baby Marielle. I love you. Daddy loves you.. forever.

Yun yung naka sulat sa picture ni Marielle. Matagal na base sa nakita ko sa date. I think its 4 or 5 months ago. Pero kahit na, alam kong iniisip isip padin ni Dad si Marielle.

"Tama ka Ally, we nees to fix this things up." Nagulat ako sa sinabi niya. Naka ngiti na siya ngayon. "Kailangan kong tanggapin na may kahati ako sa atensyon ni Dad." Sabi niya pa ulit. Inabot niya sakin yung kamay niya. (Shake hands)

"Sisters?" Tanong niya sakin. Using her real sweet smile.

"Sisters." Sagot ko sa kanya at inabot ko ang kamay niya. Nag shake hands naman kami.

May mga bagay na nagugulo, pero pag ninais niyong ayusin maaayos padin. Hindi mo maaayos ang isang bagay kung ikaw lang mag isa ang gagawa ng paraan para mag kaayos ayos kayo. Kaya kailangan niyong pag tulungan ang mga bagay para maayos ng tuluyan.

Sa ngayon, pamilya ko ang naayos ko. Pero sa susunod.. alam kong maayos ko din ang lahat. Mag kaka ayos din lahat ng tao sa paligid ko. Soon..



--

Authors note: Whaaaaaaa! Sorry. :< Sorry kung mabagal yung update ko, busy kasi akez. Tapos yun, sorry kung maikli tsaka panget. Hindi ko kasi alam kung pano pagandahin eh. Hindi ako maalam mag pagulo ng story tsaka ng madaming pag subok cherlavush. Basta yun. Sana maapreciate niyo. Nga pala, konti nalang 1K reads na! Thank you sa mga sumusuporta. Yung mga nag vo-vote. *^_^* Thank youuuuuu! *bow*

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon