TSBM 50: Mahal na mahal

517 11 0
                                    

Kristelle's POV.

Natatawa akong lumabas ng kotse ni Kyrie. "I fell inlove with my bestfriend. Hahaha!" Pang aasar ko sa kanya. "Ay nako ate!" Naiinis niyang sabi sakin.

Papasok na ako sa entrance nung park pero bigla siyang sumunod sakin. "Hoy! Anong gagawin mo dito?" Tanong ko sa kanya. "May bibilhin lang akong pag kain, balita ko kasi masasarap yung pagkain dito eh." Sabi niya at iniwan ako. Ang takaw talaga ni kyrie. Pag birthday niya nga dadalhin ko siya sa isang eat all you can buffet restaurant.

Pag pasok ko sa park nakakita ako ng mga ice cream vendor pati mga cotton candies. May konti ding street foods. May mga nag titinda din ng balloons, flowers at kung ano ano pa. Malaki laki din pala itong park na to.

"Ate, pinapabigay po sa inyo nung lalaki dun sa may pond." Napatingin ako sa batang lalaki na nasa harap ko ngayon. May hawak siyang isang pirasong red rose. Kinuha ko naman yun tapos umupo ng kapantay niya.

"Alam mo kung anong pangalan?" Tanong ko sa kanya. "Hindi po. May sulat po ata jan. Bye ate!" Sabi niya tsaka tumakbo. I was about to pinch his cheeks pa naman. Ang cute nung bata.

Tumayo na ako at tumingin sa red rose na pinaabot daw dun sa bata. Si Giann lang to. Mga pakulo nun eh. Pero infairness, nasurprise pa din ako sa kanya. Giann is so sweet.

I

Letter I. Yan yung nakalagay sa flower na binigay nung bata. Nag lakad na ako papunta dun sa pag tatagpuan namin. Which is sa pond. Teka, akala ko ba sila Ally lang yung nandito? Baka nauna lang talaga si Giann. Nahihiya lang siya kasi mukang excited. Hahaha!

"Ate, ikaw po ba si 'prinsesa ko'?" Napatingin na naman ako sa nag tanong sakin. Siguro nasa 7-9 years old na yung age niya. "Ako nga. Bakit?" Tanong ko. Mula sa likod, inabot niya sakin yung isa pa ulit red rose. "Pinapaabot po ni kuya Giann." Sabi niya sakin. Sabi na eh. Si Giann ang may pakana nito.

"Thank you." Sabi ko tsaka kinuha yung red rose. Love naman yung naka sulat dito. Kinilig tuloy ako bigla. I know, you ang sunod na ibibigay niya. Sa six months na panliligaw sakin ni Giann. Hindi nawala yung sweetness niya. Sobrang dami ko ng memories na nagawa together with Giann.

Nang makarating na ako sa pond ay naabutan ko dun sa Marielle at Murvyn na nag uusap. Si Ally at Andrei naman na nag babangayan. "Ehem." Pekeng ubo ko. Nakuha ko yung atensyon nilang apat.

Nagulat ako kasi bigla akong niyakap ni Ally at ni Marielle. "Bakit parang galing naman akong ibang bansa?" Tanong ko. Bumitaw naman sila sa pagkaka yakap sakin. "Hindi ah! Na miss lang kita," napatingin ako kay Ally.

"Na miss? Grabe! Kakasimula palang ng Christmas break natin oh!" Sabi ko tsaka tumawa. "Abnormal yan eh. Sanay na akong nang yayakap, di ka paba nasanay?" Nag agree ako kay Marielle. Pag nag kikita kita kami galing school o kaya king saan mang lupalop ng mundo nag yayakapan kami.

"Asan si Giann?" Tanong ko sa kanila. Nag shrug lang sila sakin. Nilingon ko yung dalawang lalako sa likod.

"Hi Murvyn, Hi Andrei." Bati ko sa kanila. Tinanguan lang ako ni Murvyn tapos kumaway si Andrei. "Hello." Bati niya pabalik. Bumalik na sa pwesto yung dalawang babae at tatabi sana ako sa kanila nung may humila sa kamay ko mula sa likod dahilan para mapaharap ako sa kanya.

I saw him smiling. I can't help but to smile too. He gave me the last red rose with you written on it. "Thank you, Giann." Sabi ko. Hindi ko muna masasagot ang I love you niya. Whaaaa! >.< Gusto ko kasi personal niyang masasabi sakin yun eh.

"Tara na?" Tanong niya saming lahat. Nah tanguan lang kami tsaka sumunod sa kanya. Dun daw kami pupunta sa may river side. May mga nag babangka daw dun eh. Try daw namin.

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon