TSBM 56: Now they know

539 11 0
                                    

Kristelle's point of view.

Nag hahantay kami ng sasabihin ng doktor pero kanina pa ako hindi mapakali. Pabalik balik lang ako sa pwesto ko. Pupunta sa kanan tapos pupunta sa kaliwa. Vice versa.

"Nakakahilo ka, Kristelle." Napatingin ako kay Ally na nag reklamo sakin. "Seriously? Chill ka lang tapos ako nag papanic na! Pano kung ano yung mangyari sa kanya? Hindi niyo ba nakita yung lagay niya kanina?!"

Lumapit sakin si Ally at Giann. Kay Ally lang ako naka focus. Wala akong pake kay Giann. I dont give a damn. Hindi ako nakikipag laro ng damdamin nila pero bakit kailangang pag laruan nila ako?

"Hintayin nalang natin yung sasabihin ng Doktor Kristelle. Kumain ka muna. Kanina ka pa hindi kumakain." Hindi ko pinansin si Giann. Humarap ako kay Ally tsaka hinila siya palayo dun.

"Ally, nasa operation room si Murvyn. Pano kung hindi maging succesfull? Kaninang kanina pa tayo nag hahantay." Nag aalalang sabi ko. Babalik na sana ako dun pero hinila niya ulit ako.

"We need to calm down, lets just pray for him. Think positive. Okay? Everything is going to be fine. Just trust God." Ngumiti ako sa kanya tapos ay sumunod sa pupuntahan niya.

Siguro nga masyado akong over acting mag react. Pero hindi, importante padin sakin si Murvyn kahit na kaibigan man lang. Nanlambot talaga ako nung makita ko siya kanina. Sobrang sirang sira yung kotse niya. Nabangga siya sa isang malaking truck. The car was full of blood. Yung salamin ng kotse niya basag na basag even the car. Sirang sira.

"Tara na." Napatingin ako kay Ally. Dinala niya ako sa isang maliit na chapel. May mga nag dadasal din. So ayun. Umupo na ako at sinimulan ang pag dadasal ko. Nakatingin ako sa taas.

God, kayo na po ang bahala kay Murvyn. Wag niyo po siyang pabayaan. Madami pa po kaming mga kaibigan niya ang nag mamahal sa kanya. God, wala naman po sanang mangyaring malala sa kanya. Sana po maging sucessful ang operasyon niya. Sana po sa pag gising niya, maayos na yung mga problemang gumugulo sa kanya ngayon. Sana po wag niyong hayaang mag hirap siya. Alam ko pong wala kayong ginawang problema na hindi kayang lutasan, sana po ay gabayan niyo siya. Yun lamang po, amen.

Pag katapos naming mag dasal ni Ally dumeretso naman kami sa canteen tapos nag hantay na naman kami. Nilapitan ako ni Giann pero hindi ko man lang siya kinikibo o kahit tinitignan man lang.

"Kristelle mag usap tayo." This time tumingin na ako sa kanya at ngumiti ng mapait. "For what? Congrats nga pala sa new car mo ah? Wow." Sabi ko at lumipat sa tabi ni Andrei. Lalapit pa sana siya pero good thing, lumabas na yung doktor. Nag tayuan naman kaming lahat.

"Whos the family of the patient?"

"Doc, kaibigan lang--"

"Where's my son?" Naputol ang sinabi ni Andrei at nalipat lahat ng tingin namin kay Tito Eric. "Nasaan si Murvyn?!" Nag papanic na tanong ni Tita Mae. "Ayos lang po ba si kuya? Ano pong nangyari?" Nag mamadaling sabi ni Mica.

Napatingin kaming lahat sa doktor. Seryosong seryoso yung muka niya. Kinabahan tuloy ako sa sasabihin niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ako umarte. Hindi ko alam kung bakit umaarte ako na parang kadugo niya. I dont like this feeling. Baka mamaya bumalik na naman yung--sht. No.

"The patient is in a coma now. Napuruhan ang ulo niya dahilan para mag karon ng problema sa utak. Sa lakas ng impact ng aksidente, na coma siya. If you have any question you can ask it."

What? Murvyn is in a coma? I dont know pero bigla akong nanginig. Kinabahan ako ng sobra. Hindi ko alam kung tama ba yung pagkakarinig ko. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba to. May problema ba siya? Akala ko ba susundan na niya si Marielle? Bakit nangyari pa to?

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon