"Congratulations Graduates!!"
Iyan ang huli kong narinig na sinabi ng MC at nag dere-deretso na kami paalis dun. Usapan naming mag kakaibigan na pupunta kami sa tambayan at mag sasabi ng goodbye sa isa't isa.
Pag dating ko dun ay umupo ako katabi ni Giann at nakipag apir sa kanilang lahat at nakipag batian ng congratulations.
"Mag kakahiwa-hiwalay na pala tayo ng school e!" Napatingin ako kay Ally na nag tatampong nag sasalita. Oo nga, mag kakahiwalay na pala kami. Bakit?
Ako kasama si Giann at Murvyn sa Michael High Academy. Si Ally at Andrei naman mag kasama sa University High, pero mag kaiba sila ng course. Si Marielle naman, sad to say.. sa Australlia na siya mag aaral.
Ang saya lang na kahit madami kaming pag subok na napag daanan ay eto pa din kami, mag kakaibigan. Yes, madami dami din yon. Mula sa pag aaway namin ni Marielle, sa pag aaway ni Marielle at ni Ally. Sa relasyon ni Ally at Andrei. Sa relasyon namin ni Giann at sa relasyon ni Marielle at Murvyn. At sa aksidente ni Murvyn.
"So pano ba yan? Lets say goodbye to Marielle." Sabi ko tsaka tumingin sa kanila. Niyakap nila bigla si Marielle at nakisali na din ako. Except sa boys na tinapik si Marielle sa ulo, sa balikat at pasimpleng mahinang suntok ni Andrei sa braso ni Marielle.
"Uy wag naman kayong OA! Dito pa din ako mag babakasyon, duh!" Nag tawanan nalang kami kay Marielle. Minsan nag tataray padin to eh. Pero okay na samin yun, basta totoo kami sa isat isa.
"Nanjan na ang family natin." Napatingin kami kay Andrei at bumaling ang tingin namin sa direksyon kung san siya nakatingin. Nandun na nga sila. Nag group hug kami at nag hiwa hiwalay na. Nag goodbye na din ako sa beloved boyfriend ko, hindi naman ultimate dahil nabisita naman siya samin.
Umalis na ang mga kaibigan ko at napatingin ako kay Mom and Dad, pati nadin kay Kyrie na poker face. "Uwi na tayo, ma." Sabi ko tsaka aalis na sana ako pero hinila ako ni mom. "We'll go on a date." Sabi niya at kumapit sakin.
"Una na ako sa inyo, nasa parking lot ang kotse." Sabi ni Dad at umalis. "Sama ako, dad." Sabi ni Kyrie at iniwan kami ni Mom dito. Jusko ka Kyrie! Porke lumalablayp ka lang e! Edi kayo na ni Chloe! Napatingin ako kay Mom. "Mom, sumunod na tayo sa kanila."sabi ko at hinila si Mom pero bigla siyang napahinto sa pag lalakad.
"Ay anak, nakalimutan ko pala yung sinabi sakin ng teacher. May ibibigau daw siya sa bawat mommies eh. Sunod ka nalang sa kanila at i explain mo ko. Bye!"
Aangal pa sana ako pero tumakbo na si Mom. Hays. Ano na naman yan, mom? Tsk. Nilibot ko ang tingin ko sa campus. Ang saya din ng naging buhay ko dito. Kagaya ngayon, may memories na naman akong maitatago.
Tumutugtog ngayon ng malakas ang music dahil bawat speaker dito ay konekta sa hall. Iba din e no? Nag mu-music lang kung kelan patapos na ang school year! T^T
Lumipat ang tingin ko sa may mga puno at napatongin ako dun. Natawa nalang ako ng maalala ko dito yung badtrip na badtrip ako at nagawa kong sabunutan si Marielle. Dito din yung lugar kung san ako pinagtulakan ni Murvyn sa iba. Dito yung lugar na sinabi ni Murvyn na bigyan ko ng pag kakataon si Giann.
"Kristelle?"
Napalingon ako sa likod at nakita ko si Murvyn. Nakangiti siya sakin at nakatitig pa. "Ah, Murvyn. Bakit nandito ka?" Tinaas niya ang isa niyang kamay. "Naiwan ko." Naiwan niya lang yung year book namin.
"Aalis kana ba?" Lumapit ako sa kanya ng konti at umiling. "Hindi pa." Sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at lumapit din sakin ng konti.
"Na-alala mo pa ba nung pi-nag tulakan kita p-palayo kay Giann? Sa lugar na to." Napatalikod ako sa tanong niya at napapikit ang mata. Kinagat ko din ang labi ko sa ibaba ng inalala ulit ang pang yayaring yon.
"Kristelle, why don't you give him a chance?"
Sariwa padin sa utak ko yung sinabi niya. Nag mulat ako ng mata at nag lakad ng konti papa layo.
"Oo na-man. B-bakit mo tina-ta-nong?" Sa totoo lang naguguluhan na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit binabalik niya pa ang araw na yun. Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko alam kung ano yung pumapasok sa utak niya.
"Yung araw na yon.." hindi niya pa tinutuloy yung salita niya at ramdam ko ang pag akad niya papalapit sakit. Pinikit kong mabuti ang mata ko at hinahantay na sabihin ang susunod niyang sasabihin.
🎶Does he love you the way I can?
Did you forget all the plans that you made with me?
Cause baby I didn't🎶Kanta nalang ata ng campus ang naririnig ko pati ang pag hinga naming dalawa.
"Iyon yung araw na pinag sisisihan ko."
Lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Nag tayuan din ng konti ang balahibo ko sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya? Bakit pinag sisisihan niya ang araw na yon?
"Kristelle, That should be... ME."
🎶That should be me, holding your hands
That should be me, making you laugh
That should be me, this is so sad
That should be me
That should be me
That should be me
That should be me, feeling your kiss
That should be me, buying you gifts
This is so wrong, I cant go on
Till you believe? That..
That should be me🎶Hindi ko alam ang nangyari sakin pero unti unting tumulo ang luha sa mga mata ko. Kung kelan iba na yung gusto ko, yung mahal ko. Dun niya naisip na mahalin ako pabalik.
Tadhana, bakit ba sobra mong mapaglaro?
Niyakap niya ako mula sa likod at pinatong ang baba niya sa balikat ko. Naramdaman ko ang pag basa ng balikat ko at narinig ko ang pag hikbi niya. Umiiyak siya. He's crying hard.
"That should be me, Kristelle. Ako dapat ang nasa pwesto niya. Ako dapat ang yumayakap sayo ng ganito. Ako dapat ang nag aalaga sayo. Ako dapat, Kristelle. Ako dapat."
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ulit. Yung puso ko. Ang lakas lakas na ng tibok ng puso ko.
"Mahal kita Kristelle, mahal na mahal kita and I'll do everything just to bring you back.. back to me."
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...