Kristelle's point of view.
Napaupo nalang ako sa bench na nasa harap ng pool nila Mica. What the? Ano nalang yung sinabi sakin ni Murvyn?
Stop it Kristelle. Nakita ko yung pangyayari. Sino ka ba? Ha? Sino ka para mag paliwanag? Ibang iba yung Kristelle na nakita ko ngayon..
Hanggang ngayon, nag e-echo padin yung sinabi niya sakin. Yung boses niya. Yung itsura niya kung pano niya yun sinabi sakin. Ang sakit, simula dun sa kiss. Sa pag suntok niya sa humalik kay Marielle. Siguro nga mahal na mahal niya talaga si Marielle, mahal na mahak.
May point naman si Murvyn eh. Sino nga ba ako? Sino ako para mag paliwanag? Eh ano naman kung ako yung tumulak kay Marielle? Ano naman kung hindi niya ako pansinin? Ano naman kung magalit siya sakin? Buhay niya yon kaya hindi na dapat ako ng hihimasok pa.
Oo mahal ko siya, pero ako ba mahal niya? Oo mahal ko siya, pero iba yung mahal niya. Oo mahal ko siya, pero wala akong karapatan diktahan yung buhay niya. Oo mahal ko siya, gusto ko ako yung nag aalaga sa kanya. Ako yung babaeng nag papatibok ng puso niya. Ako yung babaeng susuyuin niya sa tuwing nag tatampo ako. Pero hindi, hindi ako yun. Si Marielle yun.
Nagulat ako sa tumabi sakin. Pinunasan niya yung luha sa mga pisngi ko. Umiiyak na naman ako sa lalaking yun, b na naman ako.
"Shhh. Wag kang umiyak, sige ka papangit ka niyan."
Napatingin ako kay Giann. Alam ko yung gusto niyang gawin, patahanin ako at patawanin? Tinignan ko lang siya. Ang sakit padin. Ang sakit sakit.
Tumayo ako at paalis na sana pero hinila niya ako. "Umuwi na tayo." Seryoso niyang sabi at hinila ako paalis dun.
Minsan naiisip ko, bakit hindi nalang sa kagaya ni Giann ako nag mahal? Na fall. Bakit? Bakit kailangan kay Murvyn pa? Kung pede lang sana utusan yung puso, nagawa ko na.
Bakit ba kasi lagi nalang nag tatalo yung puso at yung isip ko? Bakit? Ang sakit. Ang sakit sakit malaman na ganon pala yun. Akala ko sa mga love story lang may ganito. Pati ba naman sa totoong buhay?
Ang sakit sakit Murvyn, sobra.
--
"What?! Its too much Kristelle!"
"Yes ate! Hindi naman pedeng ganun ganun nalang yun!"
"Haliparot talaga yang Marielle na yan eh"
"Bwisit na Marielle yun. Kung alam ko lang na gagawin niya yon, hindi ko na dapat pinayagan si kuya na ganon ang gawin niya!"
Salitang nag sasalita si Ally at si Mica na galit na galit. Nandito kasi kami ngayon sa kusina nila Ally at kumakain ng chocolate cake na bake ni Tita Madison.
"Easy girls."
"What? Anong easy don ha Kristelle Villela?" -Ally.
"True that! Anong easy sa ginawa ng haliparot na yun?" -Mica.
"Hayaan niyo na siya, masaya na naman sila. Patahimikin nalang natin."
"No."
Nag katinginan kami ni Mica nung naging seryoso si Ally. Hindi galit, hindi malungkot,hindi takot at mas lalong hindi masaya. Seryoso. As in, seryoso.
"I have a better plan."
Napakagat ako sa ibabang labi ko at naningkit ang mata ko nung sinabi yun ni Ally. Eto nanaman sa plan thingy. Hindi ko nga pinayagan yung kay Mica tapos eto pa?
"No Ally, wag natin silang paghiwalayin--" Hindi natapos yung sasabihin ko dahil nag salita na agad siya. "Sinong nag sabing pag hihiwalayin mo sila?" Tinaas pa niya ang kanang kilay niya at umirap.
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...