"Choose."
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at hawak padin nila yung kamay kong pareho. Walang gustong mag paraya. Walang gustong bumitaw. Dahil walang gumawa nun, binitawan ko sila pareho. Walang nauna at wala ding nahuli.
"Pareho nalang muna." Sagot ko sa kanila dahilan para mag titigan sila ng masama. "Hindi ako pedeng mamili ng basta basta." Sabi ko pa. Lagi ko namang kasama si Giann at mukang wala naman siyang sasabihin. Pero si Murvyn. Lately nag tataka na ako sa mga kinikilos niya. Minsan sinasaktan niya ako, dahil sa kasama niya si Marielle at pinapamuka niyang mahal niya yun. Minsan naman biglang mang hahawak sa kamay tapos tatawagin ako pero wala lang daw. Ang gulo niya.
"Ano bang problema mo Murvyn?" Tanong ko sa kanya at tinignan ko pa siya deretso sa mata. "Ikaw." Awtomatikong tumaas ang kilay ko at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano? Ako yung problema niya? Dont tell me alam na niya na mahal-- no. Wala namang mag sasabi sa kanya nun. Tama?
"At bakit ako?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya kay Giann tapos sakin. "Can we talk in private?" Napaawang ang bibig ko sa tanong niya. Private? Bigla tuloy akong kinabahan. Ano nanaman ba tong pag uusapan namin?
Napatingin ako kay Giann tapos bigla siyang umalis. Pero bumalik ulit siya. "Hintayin kita sa tent natin." Sabi niya at tuluyan ng umalis.
"Tungkol saan yung pag uusapan natin?" Tanong ko kay Murvyn. Bumuntong hininga siya tapos pumikit tsaka nag salita. "I'm sorry for this Kristelle. The thing is," hininti niya yung sinabi niya at iniling ang ulo.
"No. I mean, sorry kung maabala kita. Pero pede bang humingi ng favor?" Nag isip ako sa kinilos niya. Anong meron sa no? Parang may binawi siyang sasabihin pero bahala na.
"Sure. Basta madali." Sagot ko. Kahit papaano ay nawala na din ang kaba ko. Ang kanina kasing seryosong si Murvyn ay napalitan ng nahihiyang Murvyn. Ang cute niya padin.
"Mom invites you on her birthday, this coming Saturday. 7:00 PM. Mica missed you already. Please come."
Napaisip ako sa sinabi niya. Ang tagal ko na din nga palang hindi nakakapunta sa kanila. Saturday, okay lang naman. Wala naman kasi akong lakad sa araw na yun. "Sure." Sagot ko sa kanya. Napangiti siya. Oo ngumiti siya! "Thanks." Sabi niya. Ngumiti ako at umalis na.
Pag dating ko sa tent namin nakita ko si Giann na poker face at naka ngisi. Nakakatakot naman siya pero pumasok pa din ako sa loob. "Giann." Tawag ko sa kanya.
"Oh? Tss."
What the?! Anong nangyari sa kanya. Buamaliktad na ba yung mundo? Ang dating Giann na naka ngiti ngayon naka ngisi? At ang dating Murvyn na nakangisi ngayon naka ngiti?! Okay. Over acting na ako sa "bumaliktad ang mundo"
"Why youre acting like that?" Tanong ko sa kanya as if naman he will answer my question nicely. Eh puro ngisi nga lang ang ginagawa ng lalaking to.
Napatingin nanaman ako dun sa sumigaw na adviser namin. "Labas officers!" Nag silabasan kami nung marinig ang sigaw na yun. Nakita ko na din ang ibang school na nag labasan din tila tinawag ng kanilang sariling adviser.
Nauna na ako kay Giann at sumunod naman siya. Fine. Kung ayaw niya ako kausapin edi wag. No one is forcing him to talk to me.
Nakatayo kami ngayon kaharap ang adviser namin. Napatingin ako sa tabi ko nung maramdaman ko na may sumanggi sa balat ko. "Sorry."
Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo ko. Sorry his face! I mean-- sorry for what? "Sorry for what?"
"Sorry kasi naging suplado ako. Nagse- Nagsermon kasi yung adviser ng SSC."
"Hmm. Okay lang. Its not your fault. Paminsan minsan ay ganiyan din naman ako."
"Yea. So, bati na ulit tayo?"
"Hindi naman tayo nag away."
Tumawa kami at nakinig na sa sinabi ng teacher samin. May orientation pala ngayon kaya dumeretso kami sa hall nila. Ang laki ng hall nila at napatingin ako sa pintuan. Nandito kasi kami ngayon sa may bandang pintuan. Dito ang assign namin na pwesto, swerte pa kami at mahangin dito.
Kinulbit ako ni Giann. "Hungry?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong hungry yang sinasabi niya? Eh kakakain ko lang kanina. "Ha?"
"I mean, kain tayo pag katapos nito." Sabi niya tsaka binaling na ang tingin dun sa nag salitang teacher sa unahan. Sa itsura nito, Im sure siya ang pinaka leader ng camp na to.
"Good morning everyone.." sabi nito na tila kinukuha ang atensyon naming lahat na nakuha naman niya. Nag simula na siyang mag salita ng opening remarks at kung ano-ano pa.
Hindi na ako nakinig pa sa walang kwentang orientation na yan. Kung ano an lang naman ang sasabihan niyang speech eh. Salitan ng mag sasalita tapos ipapasa yung microphone sa iba tapos ayun mag da drama at matatapos na.
"Thats all, thank you campers! Hope you'll enjoy all the activities and the place. Goodbye and see you around!"
Napaunat ako sa sinabi ng teacher na yun. Nag labasan na kami at dumeretso sa tent namin. Mainit na yung panahon. Napatingin ako kay Giann na hinila ako papasok sa tent.
"I to tour tayo sa place pag katapos ng 30 mins. may pupuntang assigned teacher dito. So, kain na agad tayo."
Naka indian seat siya pero ang cool niya pa din. Nag indian seat ako at nakaramdam ng gutom lalo na nung ilabas niya yung nasa tupperware. Wow!
Binuksan niya yun. Kulang nalang ay maging hugis puso ang mata ko nung makita yung nasa loob nun. Italian spaghetti. Yung isang tupperware naman ay fries at yung isa ay sandwhich.
Binigyan niya ako ng paper plate at spoon and fork. "Kain na tayo." Sabi niya. Mag sasandok na sana ako pero biglang may pumasok sa tent. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko si Murvyn. Umupo siya sa tabi ko tapos may dalang mga tupperware din.
"Kristelle, kain kana. Spaghetti." Napatingin ako kay Giann na nag hahantay sa pag sandok ko. Pakiramdam ko ay ilanh siya sa presensiya ni Murvyn. Maski naman ako ay ganun din. Kung bakit nga naman kasi ganyan ang inasal ni Murvyn ng basta basta.
Pasandok na sana ako nung gustong gusto ko na kainin na Itallian spaghetti nung biglang hilahin ni Murvyn yon at inamoy amoy. Awtomatikong napataas ang kilay ko sa ginawa niya.
"Bakit ganito yung spaghetti Giann? Ang asim ng amoy. Hindi ba panis to?" Napatingin ako kay Giann at mukang kumunoy ang noo niya. Anong panis? Eh mukang kakaluto palang naman.
"Ha?" Tanong ni Giann sabay inagaw kay Murvyn ang tupperware at inamoy din to. "Hindi naman maasi--" hindi natapos ni Giann yung sasabihin niya dahil nag salita na agad si Murvyn.
"Eto nalang--" naputol yung sasabihin ni Murvyn dahil nag salita na agad ako. "Sandwhich nalang ang kakainin ko." Sabi ko at hinuha yung sandwhich nung agawin na naman ni Murvyn yon. Naiinis na ako kay Murvyn ha? Ano bang problema niya sa pagkain na niluto at pinrepare ni Giann?!
"Bakit ganito Giann? Hindi fresh yung gulay na nilagay mo. Tignan mo oh, parang may kumain na." Sabay abot ni Murvyn nung sandwhich kay Giann. Tsk. Magugutom na ako eh.
"Oo nga, pasensiya na. Hindi ko na kasi nakita." Nginitian ko lang si Giann. Kinuha ko nalang yung fries ni Giann tapos kakagatin ko na sana yung fries pero inagaw na naman ni Murvyn. This time nainis na talaga ako.
"Ano bang kalokohan to Murvyn?! Anong sasabihin mo sa fries? May amag?!" Inis kong sabi tsaka umalis na dun. Kainis na ha? Imbes na makakain ako ay kinontra niya pa lahat. Kung pumunta lang siya dun para mang insulto edi sana hindi ko nalang siya pinapasok at pinalabas ko oa siya dun sa tent tutal akin naman yung tent eh.
Napahinto ako sa puno. Malilim siya at pinag tambayan ko nalang. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Si Murvyn. Sinundan ba ako nito?
Tinignan ko yung hawak niyang tupperware. Inabot niya kasi sakin.
"Kristelle, kumain kana. Alam kong gutom ka na."
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Fiksi RemajaNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...