Special Chapter

1K 20 0
                                    

Murvyn's point of view.

First time. First time na pinansin ko siya sa buong pangalan niya. After 3 years.

"Anong nangyari sayo?"

Binigyan ko lang siya ng isang ngisi at pambasag na "Tss."

"Nakipag bubugbugan?"

"O kaya.. binugbog ka talaga?"

"Ano ba tala--"

"Pede ba Kristelle Villela wag ka maingay?"

Hindi ko siya pinatapos sa pag sasalita niya dahil tinulak ko siya pasandal sa pader at nilapit ang muka ko sa kanya. Thats the only way I know para patahimikin ang isang tao.

Kristelle Villela, kilala ko siya bilang isang makulit at maingay kong ka klase. Halos lahat kaming mag ka kaklase ay kinukulit at dinadaldal niya.

Yung araw na yon, natawa nalang ako at nakalimutan ko ang problema ko dahil kay Ally. Matapos niyang bigyang malisya yung pwesto namin ni Kristelle. May problema ako ng araw na yun, dahil sa girlfriend ko. Hindi nila kilala si Marielle. At dahil kay Marielle, nakipag suntukan pa ako dahil lang sa pang babastos sa kanya.

Nung araw din na yun, nag katabi kami ni Kristelle. At dahil yon sa madaldal niya ding bestfriend na si Ally. Dahil don, napag report kami sa sa science pero mukang hindi siya nakinig kaya sinabi ko sa kanyang aralin niya yon. Sa katunayan, tinatamad din akong mag report kasama ang isang makulit na kaklase ko.

Kaya naman nung sinabi niyang na aral niya na ang report namin ay nasayahan ako at sinabing mag isa siyang mag report. Akala ko makaka takas na ako pero habang hinahabol niya ako at nangungulit sakin ay kinokonsensiya na ako. Isa pa, grades ko din ang naka salalay don. Ayaw kong mawala sa section one.

Kaya napilitan akong hablutin ang kamay niya at kaladkadin papunta sa kotse ko. Nangungulit pa din siya hanggang sa kotse kaya inis na din ako. Pero sino nga ba siya? She's Kristelle Villela. Ang makukit at moody kong ka klase. Alam kong nainis din siya sakin nun kaya tumahimik lang siya at dinala ko siya sa bahay namin.

Kinabahan pa ako nung mataray na tinanong ni Mom kung sino ba ang kasama kong babae. Dahil alam kong iniisip nilabg bago ko yun. For sure, medyo natuwa pa sila dahil ayaw nila kay Marielle. Hindi ko naman alam kung bakit dahil mabait naman ang pinapakitang ugali ni Marielle sakin at sa pamilya ko.. not unless na marinig ko ang pag uusap ni Mica at ni Kristelle ng mag walk out siya sa library namin.

"Oh! Nakita ko si Marielle.."

"Marielle? Kasing tanda niyo lang ang isat isa?"

"Nope. But, ayaw ko kasi sa kanya. Masyado siyang plastik to the point na ang bait niya sakin pag nanjan si kuya, pero pag wala si kuya ang sungit niya at snob pa. And, a girl like her dont deserve a respect."

Nalaman ko lahat ng yun dahil sa pag uusap nila. Nasaktan ako dun at nag panggap nalang ako na "youre the best" ang naabutan ko. But hell no, lahat ay narinig ko.

Dun ko na realize na dapat bantayan kong mabuti ang bawat kilos ni Marielle. Ayaw kong sinasaktan niya pati ang pamilya ko. Habang tumatagal napapalapit ako kay Kristelle. Pag wala siya, pakiramdam ko ay kulang ako sa hindi ko maipaliwnag na dahilan. Bakit nga ba?

Nung araw na nag walk out siya, hindi noya man sabihin pero pansin kong nagalit siya sakin non dahil sa inuna ko pa si Marielle kesa sa pag rereview namin sa report. Kaya naman nung pinansin niya ako ay naging masaya nalang ako. Tumagal yung araw, close padin kami ni Kristelle. Si Marielle naman, nag pupupunta nalang sa school.

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon